Kabanata 3

3 0 0
                                    

Red for Roses
______________

Bumaba na ako sa stage ng matapos mag perform. Sinalubong ako ni Loren na nakangisi at nagpapalakpak.

"Ang galing mo Brisis!"

"Hindi naman masyado. Kelangan pa ng practice."

Umirap si Loren.

"Ay sus! At dahil dyan, libre na kita!" I immediately said no.

"Hindi naman kita pinapunta dito para ilibre ako Loren."

She insisted though. "Kaka meet lang natin kaya, hayaan mo na!"

Ito na mismo ang gumiya sa isang bakanteng lamesa at nag-order. Lumapit rin si Yano sa amin na may dalang bulaklak. Loren introduced herself.

"Sa jowa mo?" tanong ko.

Inilapag nito ang bulaklak sa lamesa namin.

"Hindi yon mahilig sa bulaklak. Para sayo yan."

Loren squealed.

"Hindi galing sa akin. Kala mo naman. May nagpaiwan niyan. Ako pa naatasan maging delivery boy. Tss."

Tiningnan ko ang bulaklak kung may card pero wala. The bouquet's beautiful at halatang mamahalin. Sino naman ang magbibigay? Sanay na naman ako na may nag-iiwan ng regalo tulad ng tsokolate pero hindi ganito ka bongga. The bouquet was huge!

"Thank you Yano."

He boyishly nodded and excused himself. Humalo na sa ibang kabanda namin na nagsasaya di kalayuan sa table namin.

"May secret admirer ka?" kuryosong tanong ni Loren.

"Hindi ko alam." Ayokong binibigyan ng bulaklak. Pakiramdam ko kasi para akong patay.

"Yano's cute."

Bulong kalaunan ni Loren sa akin.

Nanliit ang mga mata ko. "May girlfriend na si Yano."

Loren leaned back to her seat.

"I know. Sinabi ko lang naman na cute e."

Food was then served. Wala namang alak kaya okay lang. Nagpaalam naman ng maayos ngayon si Loren kay Nanay Cita kaya walang magiging problema.

"Hindi ka ba naiinitan?"

Ilang tao ba magtatanong sakin nito?

"Hindi naman. Nasanay na akong naka jacket palagi."

Nagsimula na kaming kumain. Loren gave me a curious look. Tila ba binabasa nito ang nasa isipan ko.

"Brisis!"

Muntik pa akong mabilaukan ng hineadlock ako ni Luke.

"Jusko naman Luke! Mamamatay ako sayo!" sabi ko pagkatapos uminom ng tubig. Napatawa si Luke at Loren.

Luke knows about the circulating gossips about me. Na baliw nga ako, they never believed that. Lalo na ng makilala nila ako ng masali sa banda. Kilala at close lang din namin ang may-ari dito. Wala nga lang ngayon dahil lumuwas ng Maynila.

"Kumakain ka pala, hindi mo man lang ako inaya."

Will Loren accept me if she knew?

"Ang baboy mo. Don ka nga! May pagkain naman kayo!"

"Ano? Mani?" hindi na ako nakaangal ng kinuha nito ang fried chicken ko at kinagatan.

Binatukan ko na. "Hindi ka na nahiya kay loren."

"B-bakit naman ako mahihiya?" sagot nito habang puno pa ng pagkain ang bibig.

"You're so gross Luke." he mimicked me and laughed hard.

Flashes of RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon