Kabanata 2

3 0 0
                                    

Red for Blood
______________

"Next time, kilalanin mo yung mga panauhin dito Brisis! Baka mapasarado pa 'tong restaurant dahil sayo!"

Galit na pasabi ni Ms. Castra. Hindi nga pumasok sa isip ko na kailangan ko pala kilalanin lahat ng tao? Tumahimik nalang ako at hindi na sinagot si Ms. Castra although she was being unreasonable. Konti nalang at sasabog na talaga ako.

"Hindi ko naman po alam." I gritted my teeth. Malay ko ba kung sino yon? Goodness! They treat them as someone not worthy to be treated badly. Na kapag dadaan sila, dapat luluhod yung mga tao sa kanila.

Yes they're filthy rich. But we should all still be equal.

"Pwes gamitin mo din utak mo!" now she's being childish. That was one hard blow!

"Ang utak ginagamit Brisis! Puro ka lang ganda!" There we go.

"Then I quit." pinal kong sabi. Natigil si Ms. Castra at tinitigan ako saglit.

"I will submit my resignation tomorrow Ma'am. Iiwan ko nalang po yung uniporme sa locker."

Hindi ko na talaga kaya! Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho. Simula nang pumasok ako dito, ako lagi yung napapagbuntungan ng galit niya. Wala naman akong ginagawang mali.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumiretso na sa locker room para makapagbihis.

Ilang insulto at pangmamaliit na nga yung natatanggap ko sa bahay, pati ba naman dito? I only did what was right. Di porke't isang Aznar yung pumasok, welcome na kaagad? That's unfair!

Padabog kong isinarado ang locker at zinip ang jacket kong oversized.

"Brisis!" Sumabog ang pinto at iniluwa nito si Diana.

"Ano 'tong nabalitaan kong biglaan mong pagre-resign?"

"Bakit ka aalis?"

Ang bilis naman magpakalat ni Ms. Castra. Of course Brisis. What were you expecting? Diyan magaling ang ginang na yon e.

"Maghahanap ako ng ibang trabaho na medyo malaki-laki yung sweldo."

"Pero bakit naman biglaan?" Niyakap niya ako. Even though hindi pa ako matagal dito, I found friendship with the girls here. Lalo na kay Jella at Diana.

"Pasensya na talaga at hindi ko kayo nasabihan." Tinapik ko ang likod nito. She was hugging me too tight na sumasakit yung ibang pasa ko sa braso.

"Mami-miss kita. Balitaan mo ko sa lilipatan mo at susunod kami ni Jella don!" Napatawa ako bulgar na proklamasyon ni Diana.

Buti nalang hindi na nagpumilit si Diana. Wala na rin namang makapagbabago sa isip ko. Mababaliw ako dito ng husto dahil sa kay Ms. Castra! Funny when a few weeks ago, si Diana yung gustong magresign, ako ang pumigil. Ngayon, ako yung biglaang aalis.

"Magkikita pa naman tayo Diana. Huwag ka nang malungkot."

We talked for a bit before I decided to head out already. Mas lumalalim na ang gabi at baka mahirapan pa ako sa pagsakay ng bus. I also bid farewell to my other co-workers as well. Silang lahat nagulat talaga sa desisyon ko.

Si Ms. Castra nanatili lang sa likod ng register at nagmamasid. Hindi naman kami masyadong nag-ingay dahil nandoon pa yung Aznar. Besides, si Marge ang nakatoka. Yung iba tapos na sa ginagawa at nag-aantay nalang mag closing.

"Sigurado ka na ba dyan Bri?"

I nodded. Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na sa establisyemento. Ang malamig na hangin ang bumalot sakin pagkalabas. Kahit na naka jacket at nanuot pa rin sa balat ko ang lamig. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod. I still have to review. Ayokong pabayaan ang pag-aaral ko.

Flashes of RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon