INSG 5 - Blind Date

9.5K 291 12
                                    

10:05 am.

Patamad na kinapa ni Edge ang cellphone niya sa bandang uluhan ng kanyang kama. Naantala ang mahimbing niyang pagtulog dahil kanina pa ito tumutunog. Ang sakit pa ng ulo niya at sobrang antok pa rin siya dahil pasado ala una na siyang umuwi ng bahay. Hindi kasi niya matanggihan ang tatlong pinsan nang ayain siya nitong makipag-inuman kagabi.

He slowly opened his eyes and what brought him back to his senses are the notifications on his phone. May anim ng missed calls at fifteen na messages galing kay Jake.

“Shit!” mahinang bulong niya sabay nang pagbangon mula sa kama. Naalala niya bigla na may usapan pala silang magpinsan. Magkikita sila sa mall alas diyes dahil may ipapakilala raw itong ‘diyosa’ sa kanya. Hindi tipo ni Edge ang mga ganitong set-up. Gusto nga niyang mag back-out pero hindi niya alam kung bakit siya pumayag kagabi. Siguro dahil dala na rin ng matinding kalasingan.

Nagmamadali niyang sinaklot ang tuwalya na nakasabit sa dingding at pumasok ng banyo. Nakakahiya naman sa ka-blind date niya kapag malate siya. First time niyang gawin ang bagay na ‘to.

As usual, late na naman si Edge. 10:25 na nang makarating siya sa mall. Nagtext si Jake na nakabili na raw ito ng movie ticket at nasa loob na sila ng cinema D, kasama ang girlfriend nitong si Jelyn at ang ipapakilala raw nito sa kanya. Dumiretso siya sa ticket booth at bumili ng ticket ng That Thing Called Tadhana.

When he got the ticket, he hastily went inside the movie house. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Edge nang makita ang pinsan niyang nakaupo sa gawing kaliwa ng sinehan. Pinagpapawisan ang mga kamay niya nang humakbang siya papalapit dito. Katabi nito ay ang girlfriend nitong si Jelyn. Mukhang may malalim na pinag-uusapan ang dalawa dahil nakatitig ang mga ito sa isa’t isa.

He cleared his throat when he was nearly behind their seats. Agad namang lumingon ang dalawa sa kanya. Tinanggal ni Edge ang hood ng suot niyang jacket at nakita niya ang pagka-curious sa mga mata ni Jelyn. They’ve met once last Christmas pero hind niya alam kung natatandaan pa ba siya nito.

“Kuya Edge?” kunot-noong tanong ni Jelyn sa kanya. Oh. His ex-sister-in-law recognized him.

“Uhm. H-hi, Jel!” bati niya rito.

“Kuya! Ang tagal mo naman. You’re always late!” pagmamaktol naman ni Jake sa kanya. “She’s on the other side. Ikaw na ang maghanap. Bilisan mo at baka may nakaupo na sa tabi niya. Kasalanan mo ‘yan, ang bagal mo kasi e.”

“Chill! Masyado kang high-blood, Insan,” kalmado niyang sabi kahit na nanginginig na ang mga labi niya. Nagpa-alam siya sa dalawa at tumungo sa kabilang side ng sinehan. Konti lang ang mga nanunood. Bigla n’yang naisip na hindi pa pala niya kilala kung sino ang tinutukoy ni Jake. Ni hindi niya alam ang pangalan ng ka-blind date niya. Pumalikod muna siya at tinext si Jake.

Akala ko ba ipapakilala mo sakin? Hindi ako manghuhula kung sino sa mga nakaupo diyan ang ka blind date ko.

I Never Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon