INSG 16 - Swear

9.6K 229 10
                                    

"Ate! Please wear the dress that we bought yesterday. Bagay na bagay talaga 'yon sa'yo!"


Jessa was scanning her wardrobe nang biglang pumasok sa kwarto niya si Jelyn. Kagabi pa siya nitong kinukulit tungkol do'n sa dress na nabili nila. It was a simple off-white lace dress. Hanggang tuhod 'yong length. She was hesitant at first to wear the dress dahil sanay at maskumportable siyang nakapang-corporate na attire when she's in her office. A pair of slacks and a blazer will do. Pero dahil sa walang hanggang panunuyo ni Jelyn sa kanya ay naisuot na lang niya 'yong dress. Magdadala na lang siya ng cardigan para hindi siya lamigin mamaya kung sakali.


Pagkatapos niyang suotin 'yong dress ay tinanggal niya ang towel na nakabalot sa kanyang ulo. She tousled her hair with her fingers in front of the body mirror, thinking of what she'll do next.

"What are you doing?" tanong niya kay Jelyn nang bigla siya nitong hilain paupo sa dresser.


"I'll help you fix your hair, Ate."


"Thanks Jel, pero ako na. I can handle this."


"Kahit ngayon lang, Ate. Please." Jelyn almost pleaded. "Promise, pagkatapos nito, hinding hindi ko na pakiki-alaman ang buhok mo. Just for today... Please?"


"Okay," she muttered blandly. Takang-taka siya sa mga ikinikilos ng bunsong kapatid.


Jelyn just winked at her and started blow-drying her hair. Mukhang masayang-masaya at maganda ang gising nito. Nagtawanan pa silang dalawa dahil panay ang kembot nito habang inaayos ang buhok niya. Her sister was acting so creepy. Kinakabahan siya and she doesn't know why.


After twenty minutes, her hair was perfectly done. Jelyn's hands were like magical. Syempre, ano pa nga ba ang ini-expect niya. Jelyn is an innate artist, kaya sa lahat ng bagay ay napaka-creative nito. Ilang suklay at himay lang nito sa buhok niya ay katumbas lang na nagpaparlor siya.



"Wow! Mommy's pretty!" Masaya siyang sinalubong ni Judge nang makababa na siya sa sala. Yumuko siya at hinalikan ito sa pisngi.


"May importanteng work lang si Mommy, Baby ha? Promise me na magbe-behave ka habang wala ako."


"Yes, Mommy. I will!"


"'Yan ang Baby ko! Pa-kiss nga ulit si Mommy," aniya saka hinalikan ito ng dalawang beses.


Her smile widened when Jett hurriedly went inside their house, holding this huge bouquet of flowers.


"Ate, may delivery na naman para sa'yo. From your faithful suitor," nakangiting sabi nito sabay abot sa kanya ng bulaklak.


She searched for the card and it made her day complete when she read what was written on it. Sunod-sunod naman siyang tinukso ng mga kapatid niya. Maski na ang Daddy niya na tahimik na nagbabasa ng dyaryo ay hindi rin nagpahuli sa tuksuhan. Pinagtutulungan siya ng mga ito.


"Maka-alis na nga! Ang iingay ninyo!" pabiro niyang paalam sa lahat at nagmadaling umalis ng bahay yakap-yakap ang mga bulaklak.

I Never Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon