INSG - Epilogue

9.7K 258 20
                                    

"Good morning po, Ma'am." Isang lalaking naka-gray shirtjack ang bumati kay Jessa sa labas ng gate. May hawak-hawak itong clipboard sa kaliwang kamay. Sa harap ng bahay nila ay may humintong delivery truck. "Dito po ba nakatira si Jessa Althea Flores?" the guy asked.


"That's me actually," magiliw niyang sagot rito.


"May package po kayo Ma'am. Galing po kay Marsha Hepburn."


She instructed the two other guys where to place the box. Pagkatapos niyang permahan ang delivery receipt ay umalis din agad ang mga ito.



Isang balik-bayan box na naman ang natanggap niya galing kay Marsha. Mahigit dalawang taon na itong naninirahan sa Australia. Nang nagbreak noon si Marsha at ang boyfriend nito ay umalis ito ng Pilipinas at nakipagsapalaran sa ibang bansa para raw makapag move-on. Maganda ang naging trabaho nito sa Australia. Luck somehow accompanied her dahil doon nito nakilala ang lalaking makakasama nito sa buhay. Nakapag-asawa si Marsha ng isang foreigner. Sa mga posts nito sa fb at instagram, it seems that her best friend had found true happiness.


Masayang binuksan ni Jessa ang balik-bayan box. Si Judge naman ay naka-abang sa tabi niya. Hindi makapaghintay ang anak na makita ang laman ng box.


"Wow! Ang daming toys!"


"This one is for you," sabi niya sa anak at inabot ang isang backpack na may nakalagay na pangalan nito sa labas. "Don't forget to say thank you kay Ninang Shang ha? We'll skype her later."


"Yes, Mommy!" Tuwang-tuwa nitong nilapag sa sahig ang laman ng backpack galing sa Ninang nito. There was a complete Spongebob Squarepants playset. May iilan ding gamit para sa school, like the Avengers inspired pencil case, a pair of raincoat na may mga pagmumukha nina Bob at Stuart from the Minions, a red tumbler at isang katutak na mga candies at chocolates.


Jessa scanned the other stuffs from the package. She sighed in relief dahil naka-balot na at may labels ang lahat na nandoon. Hindi na siya mahihirapan kung alin ang para kay kanino. Like what happened when Marsha sent her first package. Sumakit ang ulo niya dahil sa pagsegregate ng mga pasalubong nito sa mga kamag-anak at kaibigan. They ended up chatting online for two hours for her instructions.



"Sino 'yon Sweet?" tanong ni Edge sa kanya nang pababa ito sa may hagdan. Kalong-kalong nito ang unica hija nila. She gave birth to a baby girl a year after their civil wedding. They named her Jade Graileen. Like their son, namana rin nito ang dimples ni Edge. Pati rin 'yong shape ng lips. But she always claims that the eyes and nose are from her.


"'Yong nag-deliver ng package, Dad," sagot niya saka iminuwestra ang malaking box sa harapan niya.


"Na naman?"


They both laughed. Halos buwan-buwan na kasi si Marsha kung magpadala.


"Wala nang inatupag 'yon kundi ang magbalot ng ipapadala a," he commented.


I Never Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon