PROLOGUE

2.8K 58 18
                                    

PROLOGUE

Offer

YREBUS' POV

"Wrap up! We are done here."

Ilang minuto lang matapos kong umalis sa pwesto ko kanina ay pinili na nilang tapusin ang photoshoot para sa isang magazine na ilalabas sa susunod na buwan. Ako ang magiging pamalat, na sa karamihang magazine ay babae ang nangunguna, pero ako ang napili.

Nasa loob na kami ng tent ngayon na nakalaan talaga para sa akin. Hinubad ko na ang damit na suot ko kanina sa shoot at pinalitan ng komportableng damit.

"Please fix my hair before we leave." I told my assistant. She smiled before nodding. Hacinta is really kind, the reason she stays as my assistant for years. She knows me too well.

"Done, Yrebus. Aalisin pa ba natin ang make-up mo?" 'Yong kaninang parang panahon pa ng mga bayani na ayos na buhok ko ay bumalik na sa natural na bagsak. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin na kaharap ko. Light lang naman ang make-up kaya h'wag na muna.

"No need, hindi naman makapal. Ako na magtatanggal sa bahay." Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng mesa katabi ng matcha latte na pinabili ko kanina.

"Sige. Ayusin ko lang 'to, tapos sunod na tayo sa Manager mo." Tumango na lang habang hinahanap ang Instagram. I took a few selfies before making it as my ig story. Just updates for my fans.

When Hacinta settled everything, we leave the tent and find my manager. May mga tao pa sa ibang tent. Mukhang kami ang unang aalis. Dumeretso na kami sa parking at nakita ko si Tristan, my manager. He's tall brown guy. Handsome, hot but gay.

"Let's go. May appointment ka pa sa studio mo." Bungad ni Tristan. Nalilito akong tumingin sa kaniya, wala akong naalala na may appointment pa ako maliban dito sa photoshoot ngayong araw.

"Kanino?" I asked before climbing in to the van. Inayos ko ang upo ko sa katabi ng bintana. Tinted naman ang sasakyan kaya no worries for fans.

"French Company." Sagot ni Tristan habang sinasarado ang pinto. Katabi ko siya sa gitna ng van habang si Hacinta ay nasa shotgun seat katabi ng Driver, Si Joshua. Magaling naman siyang driver hindi nga lang pala salita.

I just nod and asked him, "Can I take a nap? I'm really tired."

Alas-kwatro pa ng madaling araw ako gumising para sa photoshoot. Ilang oras din kasi ang byahe mula Manila papunta sa province kung saan kailangan namin mag shoot.

"Sure. Ilang oras din naman ang byahe pabalik sa studio."

I yawn when I heard what he said. Finally, I can continue my sleep. I got the neck pillow and thin blanket from the back. I fix my body so I can have a comfortable nap inside the car seat.

"Wake me up when we are near, 'wag kapag nasa studio na talaga tayo."

"Noted." Si Hacinta na ang sumagot alam niya kasi na hindi siya makakatulog sa byahe, ewan ko na lang dito sa katabi ko.

I put air pods and close my eyes. I listen to music until consciousness left my body.

---

Nagising na lang ako sa mahinang yugyog sa braso ko. Si Tristan ang gumising sakin. Nang tumingin ako sa labas, sinunod nga nila ang sinabi ko na gisingin ako kapag malapit na. Isang liko na lang lang at nasa studio na kami.

Inalis ko muna ang air pods sa tainga ko bago nagsalita, "Hacinta, pahingi ng tubig." Utos ko sa assistant ko. Mabilis naman itong kumilos at kinuha sa isang bag isang mineral water mula sa brand na gusto ko.

"Ito oh." Abot niya sakin.

I got the bottle and says, "Salamat." She just wink at me for replied.

After I drank, I fix myself. I checked if something wrong with my face. Nang masiguro ko na ayos lang ang mukha ko ay hinintay ko na lang na huminto ang sasakyan.

The van stopped in front of our studio. Yrebus V's studio named "YLV". It's been a year since it was built from my sweat. It's a two-story building for my own photoshoot, vlogging and staff.

I was about to open the door when Joshua opened it for me. I just nod before going my way out. Nasa entrance palang kami ng sinalubong kami ng attendant ng studio.

"Sir, nasa meeting room na po yung representative daw ng Rousseau." She said. She's Rita, a small lady but has a loud voice.

"Rousseau?" Tanong ko sa manager ko.

"'yong sinabi ko sayo na french Company."

"Aw." Tumango tango ako, inabot ko kay Rita ang bag ko at ipinalagay sa personal room ko dito sa studio bago naunang pumasok sa loob. I walked straight to the meeting room as I want to settle this things quickly so I can go back at home and rest.

I reached the meeting room and saw a tall and chubby man sitting comfortably in the sofa. When he saw me, he immediately stand up and give me a smile.

"Hi!" Sabay naming bati.

"Mr. Yrebus, nice meeting you, Sir." He said. He offered a handshakes and I gladly accept it.

"Nice meeting you too, Mr?"

"Matthew. Representative of 'Rousseau'"

"Mr. Matthew. Nice meeting you too, Mr. Matthew. Do you understand Tagalog?" I ask. He doesn't look like Filipino and so I asked first.

"Yes. Nakakapag-salita rin ako." May accent ang pagsasalita nito pero deretso.

"That's good. Did you wait for too long?" I asked once again then I pointed the seat, telling him to take his seat.

"Not that long." he said after he sat down. Ngayon ko lang napansin ang hawak niyang brown envelope nang ipinatong niya ito sa mesa sa harap namin.

"Hello. Mr. Matthew!" Boses ni Tristan mula sa likod ang pumipigil sa pagtatangka ko muling magsalita.

"Mr. Tristan!" Tumayong muli ang representative at nakipagkamay sa manager ko.

"You know my manager, I guess." Sabi ko. Dumadaan naman lahat sa kaniya ang mga appointment ko.

"Yes, we already talk in call." Bumalik ito sa pagupo habang inaayos ang damit niya.

"So, ano ang sadya natin, Mr. Matthew?" I asked.

Tumikhim muna ito bago sumagot. "Yeah. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I know you're tired, Mr. Yrebus. I'm here to offer you contract to be our car ambassador." Inilabas nito ang mga papel mula sa brown envelope at inilapag sa mesa ang itinulak papalapit sa akin.

Lumiit ang mga mata ko habang nakatingin sa kontrata. Car ambassador? Are they nuts? Me? Ambassador? Ha. I'm a fashion model. My line work is different from what they offer.

I looked at my manager na nagiwas tingin lang ngayon. Alam niya na siguro ang mangyayari.

I sighed before standing up. I fixed my clothes and smile at Matthew, "I'm really sorry, Mr. But I don't like the offer. Thank you for coming here. I'll go first as what you said, I'm really tired, my apology."

VIRIDIOSNITHE

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PLAISIR | BxBWhere stories live. Discover now