Confession #3.1

3 1 0
                                    

Malapit nang magbakasyon. Finals month na namin pero ito ako, Tulala at sobrang daming tumatakbo sa isip ko.

Nagmumuni muni ako sa may bench malapit sa tellering area ng school. Browsing my phone with lots of pictures sa gallery ko.

Hindi ko pala nasabi sainyo na mahilig akong mangolekta ng pictures ni anoo. Ni alam niyo na. Hmm..

Oo siya nga! Si Jd. Si Jd Hollins na ni kailanman hindi ako napansin.

Maalala ko lang? Friend ko nga pala siya sa facebook. Ni hindi ko matandaan kung paano nangyaring friend ko na pala siya sa facebook matagal na. Nakakatawang isipin hindi ba?

Nang hinalungkat ko yung gallery ko nakita ko ang isang picture. Isang picture na may kasama akong sobrang gwapong nilalang.

That picture was taken nung pumunta ako sa isang book fair or what they called book signing ng famous authors. I went there to sign my books and finally to meet and greet na din yung mga authors.

Sige. Ito ishashare ko sainyo the story behind that photo.

I'll call it. Love at second sight!!

Kasama ko nga pala yung isa ko pang kaibigan na mahilig din sa pangongolekta ng books.

We went there too early. Haha! Early birds ika nga! Pero muntik pa nga kaming maligaw that time. Nagtanong tanong na lang kami kung saan gaganapin yung event. First time kasi naming makapunta doon. Mahirap na baka maligaw pa kami at malate sa registration.

Nang mahanap na namin yung place ng book signing event, agad kaming pumila. Nagulat kami ng kasama kong kaibigan kse sobrang aga na nga namin pero bumulag sa amin ang napakaraming tao at nakapila na sa kanya kanyang booth assigned books ng favorite authors nila.

Hindi namin inakalang sobrang tagal naming maghihintay bago makapasok sa event na yun.

Inabot kami ng lunchtime sa pila.
Hanggang sa may lumapit sa amin na isang crew doon sa event..

"Hi! Let me tell you guys na mamaya pa po tayo magstart ng registration but if you want you can go inside and take some photos with our different booths.."

Ako.
"Anu daw? Pictures?!"

Yung kasama ko
"Paano naman tayo makakakuha ng pictures eh wala pa nga yung authors?"

Yung crew.
"No girls. I mean we have booths na sigurado akong matutuwa kayo. Just go inside now na. Enjoy!"

"Anu daaaw?" Ako.
"Anu naman kaya yun? Pasok na tayo"

Pumasok naman kami kaagad doon sa event. Sana kanina pa nila sinabi hindi ba? Pwede naman palang pumasok eh kanina pa kami naghihintay sa labas. Tsk.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everlasting Love ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon