Chapter 3

5 0 0
                                    

Chapter 3
Trust

Habang kumakain ng agahan ay panay ang usapan ng mga magulang ko at si Helius. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata ni Papa kapag nagugustuhan nya ang mga isinasagot sa kanya ng apo ni Don Fautus. Pasikat kasi masyado.

"Kung hindi lang ho busy ang aming resort ngayong season na ito hindi na sana ako nakaabala pa sa inyo." yumuko pa siya na tila nahihiya.

Nahiya kapa talagang damuho ka e nakikikain ka na nga dito sa pamamahay namin!

"Iho, walang problema sa amin ang pabor na ito. Your grandfather has been good to my family at lalong-lalo na dito sa isla. Siya ang nagsimula ng turismo rito kaya mas lalong nakilala ang Camotes Islands." Papa sincerely said.

"Kung ganun ho ay susulitin ko nalang ang pagbabakasyon rito sa isla. Pati narin ho itong ang mga masasarap na pagkain." natawa ang lahat maliban sakin.

Ano namang nakakatawa? Korni-korni mo, Helius.

Abala sina Kuya Paeng sa paglalagay sa likuran ng aming lumang Tammaraw Fx ang cooler na may lamang tubig at pakwan saka iba pang prutas at pagkain.

"Guine, ikaw na ang bahala. And Helius, take care of my daughter too." paalala ni Papa na parehong magaan ang ngiti tulad ni Mama.

"I assure you, Mayor." seryosong sagot naman ni Helius na kumbinsidong-kumbinsido ang mga magulang ko.

"Ingat ka kay Ate, Kuya Helius!" Pahabol naman ni Trojon at Olivia.

Sabay pa kayo ha? Pag-uwi ko mamaya pagtitirisin ko kayong dalawa. Humagikhik lang ang dalawa kong kapatid ng matalim ko silang tinitigan.

"Salamat at talagang mag-iingat ako." sakay ni Helius sa mga inggratang kapatid ko.

Para matapos na ang pamamahiya ng pamilya ko sakin ay nagpaalam na'ko kina Papa saka dire-diretsong lumakad papunta sa sasakyan. Agad namang sumunod sakin si Helius.

"Ako ang mad-drive sainyo, Guine." anunsyo ni Kuya Paeng ng makita ko siya driver's seat.

"Oh, papalitan ka ni Kuya Felix?" tanong ko saka sinara ang pintuan ng sasakyan.

"Oo. Payo ko nga kay Mayor kumuha ng mas marami pang bodyguards lalo na't papalapit na ang eleksiyon. Hindi natin alam baka madumi pala kung lumaban ang kabila." Kita ko ang pangamba ni Kuya Paeng kaya maging ako kinabahan din.

"Tama ka nga, Kuya Paeng. Sige at pipilitin ko si Papa na magdagdag pa ng maraming bodyguards." tumango lamang si Kuya Paeng at pinaandar na ang makina ng sasakyan.

Napalingon ako kay Helius na umupo sa tabi ko. Binalingan niya ako matapos maisara ang pintuan ng sasakyan.

"What's with that look? It's like anytime soon, you'll going to murder me." natatawa na kinakabahan niyang puna.

"Paki hanap..." nangunot ang noo nya.

"Ha? Ng alin?" he asked.

"Ng pake mo." dinig kong muntik ng matawa si Kuya Paeng bago siya tumikhim at pekeng umubo.

Sumimangot si Helius at umayos ng upo nang umandar na ang sasakyan. Lumingon din ako sa bintana para pigilan ang ngisi.
Serves your right. Kanina ka pa kasi bida-bida!

"Saan ang una nating destinasyon, Guine?" maya't mayang tanong ni Kuya Paeng.

"Lake Danao Park muna tayo, Kuya Paeng." sagot ko at ibinalik muli ang tingin sa binatana.

Alas-nuebe palang ng umaga kaya di pa masyadong malakas ang sikat ng araw.

Ilang minuto ang lumipas bago kami nakarating sa Lake Danao Park. Nang mai-park na ni Kuya Paeng ang sasakyan ay agad akong bumaba para mag-bayad ng entrance fee.

The Sun Kissing the Ocean (Vinson Series : 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon