Chapter 5

17 0 0
                                    

Chapter 5
Professionalism

Naging lalong tahimik ang byahe namin pauwi. Napansin din iyon ni Kuya Paeng.

Nang iparada ang sasakyan sa parking area ng resort ng mga Vinson ay tahimik na bumaba si Helius matapos magpasalamat at magpaalam sa amin ni Kuya Paeng.

“Sir, bukas sa Buho Rock Resort naman tayo! Pwede tayong mag-cliff diving doon!” nanlaki ang mga mata ko suhestiyon nya.

Pilit na ngumiti si Helius at tumango, “Sige, Kuya Paeng. Maraming salamat ulit. Nag-enjoy ako.” Magaan nyang sabi.

Tatalikod na sana ito nang bumaba din ako ng sasakyan.

“Kuya Paeng, pahintay lang pupuntahan ko lang si Gino.”pag-papaalam ko.

Nauuna na si Helius sa pagpasok at tila hindi alam na nakasunod ako.

“H-Helius, sandali!” tawag ko.

Agad naman itong lumingon.

“Oh, I thought—ah right, your boyfriend.  I guess nasa restaurant na siya ngayon naka-assign.” Nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan o sadyang tingin ko’y dapat hindi na’ko maki-alam sa pinagdadaanan niya.

“Tungkol sa sinabi ni Kuya Paeng na cliff diving sa Buho. Ahm pwede mo naman siyang tanggihan kung hindi ka komportable.” Halos mapapikit ako dahil pinilit ko paring gumamit ng mga salitang nararapat.

His forehead creased, “What do you mean?” nahihimigan ko ang lamig sa tanong niya.

“Ahm napansin ko kasi kanina na natatakot ka…” hindi ko na naituloy dahil pinutol niya ang dapat sanang sasabihin ko.

Sandaling dumilim ang kanyang aura, “Forget it.” Malamig niyang saad.

Lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko dahilan para pagdiskitahan ko ang aking mga daliri.

“Kung ano man ang napansin mo, mali ka. Hindi ako natatakot, Miss Moñus.” Ngayon naman ay ngumiti siya ngunit walang kislap ang mga mata.

“And please, let’s keep our relationship professional. Don’t cross the line. I hope you know what I mean. It was a long-tiring day. We both need rest. See you tomorrow, Miss Moñus.” Dagdag niya pa bago ako tinalikuran.

Don’t cross the line! Don’t cross the line!  Eh ikaw nga ang pilit nanghihimasok sa buhay ko! Ang kapal ng mukha. May pa-professional pang nalalaman e siya nga ang napaka-unprofessional aming dalawa.

Bahala ka sa buhay mo. Wala naman akong pake sayo!

Busangot akong nagmartsa papunta sa resto. Naabutan kong nags-serve si Gino sa isang lamesa na puno ng mga  sexyng babae na foreigner. Kitang-kita ko ang pasimpleng paghaplos ng mga ito sa braso ng boyfriend ko.

Kung mainit ang ulo kanina mas nagliliyab na ito ngayon.

Dali-dali akong pumasok. Medyo pabalya ang pagbukas ko ng pinto dahilan para tumunog ng malakas ang chime.

Napaangat ang mga waiter na sina Dino at Ferdie at sabay na ngumiti. Nilapitan ako ng bakanteng si Ferdie.

“Si Gino?” salubong na tanong ko.

“Ah mamaya pa ang out namin e medyo marami-rami ang turista ngayon ku-kulangin ng ng mags-serve.” Paliwanag niya.

Tiningnan kong muli si Gino na sa ibang lamesa naman nags-serve. May namumuo ng pawis sa kanyang noo pero ang gwapo niya parin talaga. At alam kong napapansin din iyon ng iilang kababaihan sa loob ng resto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sun Kissing the Ocean (Vinson Series : 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon