Chapter 07

7.7K 182 5
                                    

Bawat patak ng ulan ay sinusundan ko ng tingin. Hindi ko mabilang kung ilan na yung bumagsak. Mga daan? Libo? Milyon? Hindi ako sigurado. Ang iniisip ko ay kung paano ko maitatawid ang sarili ko mula kay Phoebian.

Kanina ko pa sinisisi yung timing ng panahon. Hindi sa ayaw ko siyang makita kaya lang ay hindi ako komportable na kausapin siya. Parang nangungulit siya na dapat bilhin ko ang ganito, ganyan. Mabuti kung marami akong pera, kahit gumastos ako ng fifty thousand araw-araw ay game ako.

"The rain is pretty but I hate wet road. It's slippery." Dagdag niya. Kanina pa siya nagsasalita. Nakikinig lang ako. Nag-aalangan ako kung sasagot ba ako o hindi. Baka mahiya lang ako at hindi pala ako kinakausap niya. Baka may kasama pa siyang iba na hindi ko lang napansin.

Hindi ako lumingon sa banda niya dahil magtatagpo lang ang mga mata namin. Kaya ko naman siyang pantayan ng tingin pero hindi ako handa na titigan siya ng matagal.

Mas lalong lumakas ang ulan. Tumingin ako sa likod, sa entrance ng mall. Nagtatalo ang aking isipan kung papasok pa ba ako ulit o hindi. Nais kong bumili ng payong para makauwi. Bakit kasi hindi ko agad naisipan yun kanina na hindi masyadong lumalakas ang ulan.

Bumuntong hininga ako. Sa susunod, kahit umulan man o umaraw ay hindi ako magdadalawang-isip na magdala ng payong kahit saan ako magpunta.

Nahuli ni Phoebian ang braso ko mula sa malalim kong pag-iisip. Natameme ako saglit pero natanto kong kinabig niya pala ako para makaiwas sa tilasik ng ulan. Napahanga ako sa lambot ng kamay niya. Ineexpect ko sa mga lalaki ay magaspang yung kamay nila, kasing gaspang ng boses nila.

Lumayo kami sa maraming tao. Pumasok kami sa loob ng mall. Yung kamay niya ay nakadikit pa rin sa kamay ko.

"Teka, saan mo ako dadalhin?" Nang mapansin ko na papasok kami sa loob ng Phoebians ay nagtanong na ako.

Hindi mahigpit ang hawak niya sa akin pero kinakabahan ako. Normal lang naman sa isang babae na kabahan dahil bitbit siya ng estranghero papunta sa lungga nito. Kaya ko ang sarili ko sa isang tao lang. Pero hindi ko kayang lumaban kung marami na ang humahabol sa akin.

"Don't ask. I cannot hear you clearly." Sabi niya. Hindi niya daw ako naririnig pero sumagot siya.

Pagpasok namin sa Phoebians ay nasabit sa ere ang pagbati ng mga emplayado niya nang makita nila ang amo nila na may dinadalang babae sa loob ng store. Binaba ko ang tingin ko at sa sahig nalang tumingin para makaiwas sa mapanuring tingin nila. May binuksan na si Phoebian na pinto. Pagbukas nun ay tumambad sa akin ang napakalinis na opisina. Para sa akin ay opisina yun dahil hindi yun mukhang bodega o ano pa man.

Habang hawak pa rin ang kamay ko ay dinala niya ako sa harap ng kanyang mesa. May dalawang upuan do'n sa harap ng mesa at pinaupo niya ako. Nagtataka man ay ginawa ko nalang ang sinabi niya.

"Just stay here for a quick time. The rain is still pouring outside. It is impossible for you to go out. Saan ka na ba pagkatapos mo dito? Do you have another job aside from being my personal cleaning lady, Abuela's cleaning lady and the convenience store lady?" Nagtatanong niyang sabi. Hinaluan pa ng ngisi sa labi.

Napatanga ako. Tumingin ako sa suot niyang relo na nasa bisig niya. Maganda yun at mukhang mamahalin. Hindi ako naiinggit dahil wala ako nun. Talagang wala lang akong mahanap na sagot sa tanong niyang ayaw kong sagutin.

Umiling ako para sa tanong niya. Nagtaas siya ng kilay at pinagkrus ang kanyang braso. Unti-unti akong nag-iwas ng tingin.

Pinalibot ko ang mga mata ko sa buong opisina niya. Maganda ito at ang manly tignan. Beige ang kulay ng pintura sa wall. Sa kisame ay puti at may nakasabit na chandelier. Nasa anim o pito ang bilugan na ilaw na siyang nagpapadepina sa ganda ng chandelier. Sa labas ay beige din ang kulay. Feeling ko ay paborito niya ang kulay na beige. Yung hindi ko lang matignan ng maayos ay yung mesa niya dahil nandun siya.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon