Monday nanaman at balik sa klase na ulit. Dumating na adviser namin at nagsimula magturo sa Media Information Literacy. Inaantok pa ako. Napuyat ako kagabi kasi nanood ako ng anime at nakarami ako ng episodes. Adik
"Can someone explain what is Media? Anyone?" I raised my hand cause why not. Active ako pagdating sa recitation sayang din ang points
"Ms. Rodriguez..." tumayo ako
"Media is a communication practices that allows people to access information, news, work and life that comes from publishing and broadcasting" I answered.
"Very good, thank you Ms. Rodriguez" umupo na ako at nakinig kay Ma'am
Pagkatapos magturo ni Ma'am ay nagbigay ito ng assignment
Sunod na dumating ang aming next teacher sa Inquiries, Investigation and Immersion.
Lalo akong inantok. Nakaka antok naman kasi talaga ang Research, para sa akin inaantok ako sa subject na ito. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko na inaantok din si Margot halos pumikit na ito
Recess na at nawala na antok ko. Sabay sabay kaming apat na pumunta sa Canteen. Pumila na kami habang si Vian ay maghahanap ng pwesto
Pagkatapos namin mag order ay umupo na kami at kumain
"Oy Amber ano kamusta? Nag DM ba sayo?" Pag open ni Margot ng topic
"Oo" I replied
"For real? so ano una niyang message sa'yo?"
"Hii. Thanks for the followback" sabi ko
"ano reply mo?" tanong niya ulit at nagsubo ng kanin
"Welcome" sabi ko at kumain
" Yon lang reply mo?" she said
"Oo, ano ba ang nirereply sa Thank you? Edi welcome" pamimilosopo ko haha
"I know, pero dapat nag tanong tanong ka din"
"Eh ano itatanong ko? Kumain ka na? Ganon ba?" sabi ko at tumawa ito pati na rin si Vian at Clara
"Ay awan ko sayo Amber Leigh"
"Hindi naman humaba conversation namin kagabi e. Ok na 'yon at wala ako mai-topic"
"Okay lang yan Girl. Hayaan mo na siya ang gumawa ng topic since siya naman ang unang nag message sa'yo" Clara said
"Tama ka dyan, Clara"
"Famous mga mare" sabi ko
"Weh? Ilan followers?" Clara asked
"Nasa 4k plus"
"Wow" sabi nila
"Tyaka maraming pictures. Gwapo." pa habol ko
"Nag stalk ka ba Mabuti? Baka may Gf na yan ha" sabi ni Vian
"Hmm... parang wala naman. Tyaka ano naman kung may Gf hindi ko naman jojowain 'yon"
"Sabagay" Vian said
"Tyaka kung may girlfriend na 'yon hindi niya hihingiin name and ig mo" Clara said
"Hindi ka sure...malay mo playboy" singit ni Mar
"Pwede pwede" sabi ni Clara
"Hays tumigil na kayo dyan at kumain" pag awat ko sa tatlo
"Speaking of..." sabi ni Vian at nakatingin sa likod ko na parang nagulat ito
Nagtinginan kaming apat at sumenyas si Vian at Mar na tumingin ako sa likod. Ha? Teka?...
Lumingon ako sa likod. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan.

YOU ARE READING
Back 2 You
Teen FictionA Senior high school student from Universidad de sta. Isabel, Amber Rodriguez is a simple, smart, and rich girl. She is the type of girl that forgets about herself and everything when it comes to her loved ones. Until she met Kenzo Chavez from Aten...