Chapter 2

4 0 0
                                        

"Oy hindi pa ba tayo babalik sa school malapit na mag 1pm baka hanapin na tayo" Vian asked and reminds us about the time. Holy! Tanghali na pala.

"Halaa! oo nga pala" biglang sigaw ni Margot pinagtinginan tuloy kami dito sa Arcade

"Clara tara na iwan mo na yang pagkikipag unahan mo dyan" hinigit ko si Clara kasi mukhang ayaw pa matalo don sa race car.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa sakayan ng trycicle. Dito kami nagpa tigil kay manong driver sa likod ng school at umikot para dumaan ulit sa secret door naming apat. Taray noh may pa Secret door pang nalalaman.

Maingat kaming naka pasok dito sa school ng walang nakaka kita samin. Buti nalang.

Pagkapasok namin umupo muna kami dito sa bench dahil pagod na pagod kami tumakbo kanina.

"Pagod" hingal na sabi Margot

"Buti walang naka kita satin pag balik" Sabi naman ni Vian

" Sabi sainyo wala satin makaka kitaa" singit ko

"Hindi ko tuloy natapos yung race car kanina" nag pout si Clara.

"Nag paiwan ka nalang sana don Clara" sabi ko

"Ikaw kaya hinila mo agad ako"

"Malalate na kasi tayo gaga. Next time mo nalang tapusin yung laban haha"

"Tara na sa room" alok ni Vian

"Girls, pag may nag tanong kung san tayo galing wag kayo kabahan para hindi tayo mahalata haha

"ano sasabihin natin?" tanong ni Clara

"Dyan lang sa gilid basta dito sa school" sabi ko

"Osigesige, basta act normal para hindi suspicious" sabi ni Margot

Andito na kami sa room and luckily wala pa Prof namin. Thanks G.

Nagtinginan lang kami ni Mar inoobserbahan namin kung may naka pansin ba samin nung wala kami dito. Mukhang wala naman.

Kinuha ko phone ko at nag chat sa groupchat naming apat

Met A-Four

Bear: "@Lara at @Viana Sausage ano kumusta?" I mentioned them in our group chat

Lara: "Safe. Walang nagtanong samin huhu"

Viana Sausage: "Kayo wala naman?"

Mar-Goat: "So far wala din naman"

wala din nagtanong kina Clara at Viana. That's good. Sa gc namin si Bear is me because of my "AmBER" and si Margot naman ay Mar-Goat and for Clara ay "Lara" na sili and kay Vian naman ay "Viana Sausage" HAHAHA parang ewan nicknames namin diba.

Dumating na Prof namin sa Physics kaya kailangan ko makinig dahil bonak ako sa Math huhu. STEM PA MORE

Hapon na at pauwi na ako. Hinihintay ko na lang si kuya para sunduin ako. Siya ang may sariling sasakyan saming tatlo kaya siya service namin

"Sis, pauwi ka na?" tumabi sa'kin si Mar

"Oo, ikaw?"

"Oo, hinihintay ko din si Dad"

"okie, sina Clara at Vian?"

"Pupunta daw silang dalawa sa SM may bibilhin daw sila for project."

"ah sigee"

Dumating na si kuya. At binuksan ang bintana ng sasakyan

"Hi kuya Andrew" bati ni Margot at kumaway

"Hiii" bati ni kuya at kumaway din. Close din siya sa mga friends ko and close ko din mga friends ng kuya ko

Back 2 YouWhere stories live. Discover now