Chapter 10

4 0 0
                                        

Andito ako ngayon sa library, at naghahanap ng libro sa Philosophy kasi may dapat akong hanapin don para sa assignment ko.

"Psst" hinanap ko sa paligid kung sino iyon pero wala naman ako Nakita

"Psst" Wait ako nga ba? baka iba naman kasi hindi lang naman ako yung tao dito sa library e

"Hoy cute" tawag nito. Kilala ko na kung sino yung tumawag sa akin. Si Gael.

"Hoy kilala na kita kaya magpakita ka na" sabi ko

"Bakit mag-isa ka?" tanong nito

"Kasi wala akong kasama" sabi ko.

"Sungit. Bakit nga?"

"May iba silang ginagawa e"

"Mm ok"

"Ikaw bakit ka nandito?" tanong ko habang nagbubuklat ng libro

"Kasi wala ako doon" tinignan ko ito at nakangisi ito

"Tsk gaya-gaya puto maya" sabi ko

"Anyway, pwede ba kita isama mamaya?"

"Where?"

"Sa Mars" ayos din kausap nitong si Gael ha

"Ayaw mo sa kabilang buhay?" sabi ko

"Hindi na kailangan...patay na patay naman ako sa'yo e" HAHAHA corny pero kinilig ako 'don mga 98% ganon

"Gagi HAHAHA" Hinampas ko ito ng libro pero hindi naman malakas

"Kinilig yan" pang-asar nito at kiniliti pa ako. Luh wag po. Char

"Gagi hindi, corny mo" sabi ko

"Pero seryoso, sama ka mamaya?"

"Saan nga?"

" Sa Centro"

"Ano gagawin natin 'don?"

"Maglilibot, tapos kain na din" niyayaya niya ba ako mag date? itanong ko ba? Wag na pala, sabihin nag a-assume ako

"Bakit mo naman naisipan na yayain ako?"

"Hmm...gusto ko lang."

"Tayong dalawa lang ba?"

"Oo sana...pero kung gusto mo isama friends mo then go"

"Sure? E ikaw hindi ka ba magsasama ng friends?"

"Magsasama din"

"Edi ayos."

"Right. So kita nalang sa gate after class, ok?"

"Sure. Thank you" umalis na ito at ako nanatili dito sa library dahil hindi pa ako tapos sa hinahanap ko

Pagkatapos ko mahanap yung libro para sa Philosophy nagsimula na ako magbasa at magsulat

Nag vibrate phone ko and nag DM sa akin si Kenzo

krchavez

"Busy?"

"No" medyo busy ako pero kapag si Kenzo ng tanong sagot ko NO HAHA

"What are you doing?"

"Nagbabasa sa Philo"

"Sabi mo hindi ka busy" huli ka balbon

"Hindi naman masyado"

"Ok then, later nalang"

"Okie" dapat kasi hindi ko nalang sinabi na nagbabasa ako edi sana nag-uusap pa rin kami haha. char

Back 2 YouWhere stories live. Discover now