CHAPTER TWO

818 44 3
                                    

"Masyado nang matigas ang ulo ng anak mo, ganyan ba natin pinalaki yan?" Idinilat ko ang mga mata ko at puting kisame ang bumungad sakin. I get out of bed at agad naman akong inalalayan ni ate Sam. "My stubborn daughter is finally awake." Nagulat ako nang makita sila dad. Halatang galit siya habang may hawak na papel sa kanang kamay.

"What's this, Shiana Agatha Ferilaña?" Kalmado niyang tanong pero halata ang galit dun saka binato sa sahig ang hawak niyang mga papel. Kumunot naman ang noo kong pinulot iyon isa isa at nanlaki ang mata ko dahil sa nilalaman nun. Picture ko kasama ang iba't ibang lalaki sa mga club! May nag hahalikan at may papasok ng hotel.

"Honey, hayaan mo munang mag explain ang anak mo." Wika ni mommy habang hinihimas ang dibdib ni dad para pakalmahin ito.

"Then explain, Shiana. Who are those men and what are you doing inside the hotel?!" Dumagungdong ang boses niya sa loob ng hospital room kaya napatingin ako kay ate Sam pero halatang takot rin siya at wala siyang magagawa para tulungan ako.

Napatuptop ako ng bibig at impit na humikbi. "Huwag mo akong artehan, Shiana. Ipaliwanag mo kung ano 'yan." Seryosong wika ni dad pero hindi ko magawang sumagot. Minsan ko lang siya makitang magalit pero sobrang nakakatakot 'yun. Siya ang pinaka nakakatakot magalit sa mga kapatid niya.

"Kumalma kalang, baka atakihin ka." Paalala ni mommy na halatang gusto rin akong lapitan pero hindi niya magawa dahil kailangan niyang pakalmahin si dad.

"Papaano ako kakalma, Felia? All this time niloloko mo kami sa magandang record mo? Tapos ganito lang pala ginagawa mo dito." Sa pagkakataong 'yun nag taas na ako ng tingin sa kanya saka pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Totoo ang achievements na pinakita ko sa inyo. Maybe I'm stubborn pero hindi ako sinungaling." Nakita kong lalo siyang nag init sa galit.

"You're not liar?! Sinabi mong nag aaral na ng mabuti pero kung sino-sinong lalaki lang ang kasama mo." Napatahimik nalang ako saka yumuko. Sa lumalabas sa bibig ni dad ngayon, para narin niyang sinabing ang rumi kong babae. "I've lost trust in you, Shiana. Uuwi ka sa pilipinas, sa ayaw mo o sa gusto." Napataas ako ng ulo dahil sa gulat.

"D-dad, papano po pag aaral ko?" Naiiyak na tanong ko pero lalong tumalim ang tingin niya sakin.

"Wala nang dahilan para ituloy mo 'yan. Babalik ka sa ilocos para lumambot uli 'yang matigas mong ulo." Lumabas siya sa kwarto ko at agad naman siyang sinundan ni mommy na nag aalala akong tinapunan ng tingin.

Napatakip nalang ako ng muka at nagpatuloy sa pag iyak. Iyon ang dahilan kung bakit ayokong umuwi sa poder nila, masyadong strict si dad. I just want to be happy but that seems like a big sin to God. pinilit niyang mag lawyer si kuya Steven kahit alam niyang engineer ang kursong gusto nitong kuhanin. Hindi ko alam ang gusto niya, lagi nalang ganun.

___

"Shan, are you okay?" Tanong ni mommy saka sumilip sakin. Nakatingin lang ako sa bintana at hindi siya sinagot. Nasa pilipinas na kami at papunta sa airport para lumipad naman papuntang ilocos. Pag labas na pag labas ko palang sa ospital ay dumiretso na kami sa airport ng london para umuwi ng pilipinas, ni hindi ako nakapag pahinga ng maayos.

Nasa edsa kami at unti unti nang nag didilim ang langit. Tumingin ako sa review mirror at nakita kong nakatingin sakin si dad kaya agad akong nag iwas ng tingin. Nag tatampo ako sa kanya, ayoko muna siyang makausap.

Napadako ang tingin ko sa poster na nakalagay sa gilid ng kalsada sa tabi ng riles ng tren "bongbong Marcos for president♡✌" may tiger pang tatak sa gilid ng picture niya. Sa tagal kong nasa london, hindi ko alam na malapit na pala ang botohan para sa susunod na presidente. Wala rin naman akong pakialam dahil hindi ako butante.

Owned By Mr. Congressman (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now