CHAPTER TWELVE

865 36 31
                                    

Warning : SPG | BAWAL SA BATA⚠️

Sandro just stared at me while holding my cheek. Ni hindi ko mabasa kung anong klaseng emosyon ang umiikot sa mga mata niya.

Idinilat ko ang mata ko saka umupo sa kama. Napasinghap nalang ako saka sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri. Panaginip nanaman 'yun. Bakit ba madalas akong managinip nang tungkol kay Sandro?

Tatayo na sana ako sa kama nang may maramdaman akong nasa tabi ko at agad nanlaki ang mata ko nang makita ko ang natutulog na si Sandro. Inilibot ko ang mata sa paligid at wala ako sa kwarto ko, nasa kwarto ako ni Sandro! Napalunok ako at hinawakan ang tungki ng ilong niya para masiguro kong hindi ito panaginip pero agad ko ring inilayo ang kamay ko dahil bigla siyang gumalaw.

"Shan," tawag niya nang makadilat. Umupo siya sa kama at halatang inaantok pa dahil sa mapupungay niyang mga mata. "Anong problema? Nakatulog kaba ng maayos?" Aniya kaya napalunok nanaman ako dahil wala siyang damit pang itaas!

"B-bakit ako nandito? Saka bakit wala kang damit?" Paranoid kong tanong. May nangyari nanaman ba samin? Bakit wala akong maalala? Wala sa sarili akong napatingin sa katawan ko at suot suot ko parin naman ang damit ko.

"What do you mean?" Kunot noo niyang tanong saka tumingin sa katawan niya.

"Ayan. Bakit ka nakahubad? Bakit nandito ako sa kwarto mo?" Nag taas siya ng tingin saka ngumisi kaya bigla akong natakot.

"Don't tell me, you don't know what happened last night?" Tanong niya saka ako hinila palapit sa kanya kaya nanlaki ang mata ko.

"A-anong nangyari? W-wala akong naalalang nangyari? Nanood ba tayo ng movie?" Tanong ko pa kahit sa totoo lang ay kinakabahan ako.

Nanatili ang ngisi sa labi niya kaya lalo akong kinabahan. "You forced me to take off my clothes. Masyado ka kasing mainit kaya niyaya mo ako dito sa kwarto." Wika niya dahilan para manlaki ang mata ako.

"Wahhhh!!" Tinulak ko siya palayo sakin pero dahil nakaupo ako sa center ng kama, nahulog ako sa sahig.

"Hey, why are you yelling?" Sabi ni Sandro saka bumababa sa kama para alalayan akong umupo.

"May nangyari satin? Hindi pwede!" Nag uumpisa nang mag tubig ang mata ko dahil sa kaba.

Sandali akong natigilan nang makita kong nakatitig lang sakin si Sandro hanggang sa dahan dahan siyang tumayo. "Anong nakakatawa ha? Patay nanaman ako kay daddy."

"So you're scared na baka may mangyari satin ulit?" Tumango tango ako na parang bata saka pinunasan ang luha ko. "I won't do that to you, Shan. Depende nalang kung gusto mo rin." Dagdag niya saka tumayo at pumunta sa walking closet para kumuha ng damit.

Wala siyang damit pero may suot siyang jogger kaya nakahinga ako ng maluwag dahil walang nangyari samin.

"Bakit ba kasi ako nandito sa kwarto mo?" Tanong ko saka tumayo. Hindi ko naman maalalang tumabi ako sa kanya sa pag tulog.

"I won't tell you," lumapit siya sakin saka ako biglang hinalikan kaya nagulat ako.

"H-hoy, b-bakit ka nanghahalik?" Pakiramdam ko ang pula na agad ng pisngi ko.

Umiling iling lang siya habang natatawa saka inabot sakin ang pares na damit. "Wear that. We're going to mama Meldy's house." Binuklat ko ang damit at nakita kong isa itong kulay pulang dress.

"Dun kayo mag papasko diba?" Tanong ko at tumango tango naman siya.

"Yeah. It's fine if you don't want to come, Shan. Christmas to kaya dapat family mo ang kasama mo." Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Lalong hindi magiging maayos pasko nila daddy kung magkasama kami ni Natasha sa iisang bahay, baka magkagulo pa.

Owned By Mr. Congressman (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now