Kabanata 22

76 2 0
                                    

☀Kabanata 22☀

S A L V A D O R

"Adelaide Lorenzo?" nanlalaki ang mga matang wika ko.

Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon dito. Ano ang sadya niya at naligaw siya rito? Ano ang dahilan niya kung bakit siya narito? Hindi ko malaman, wala akong ideya...

Nang magtama ang aming mga mata ay nakakunot noo siyang humakbang palapit sa aking gawi sabay sabing, "I never expected you to be here, Salvador."

Napalunok ako, nang magsimulang umikot ang kanyang mga mata sa paligid matapos niyang magsalita. Subalit kung hindi naman niya ako inaasahan na narito, ano naman ang dahilan niya sa pagparito niya? Hindi kaya... Muli akong napalunok nang makita ko na tumigil ang mga mata niya sa taong nakatayo sa aking likuran, na kahit hindi ko pa tingnan ay alam ko naman na si Arryn. Mukhang tama nga akpo ng hinala, si Arryn ang pakay niya!

"If you did not expected me to be here, then what are you doing here?" usisa ko para makasigurado sa aking hinala. Umarko ang kilay niya at iniwas ang mga mata kay Arryn saka bumaling kay Demetria.

"This girl right here, told me something that really interests me Salvador. Can you guess what she had told me? Well... if you can't, I should tell you now, and it is that girl behind you, was hiding my son and even called him her brother, though I knew all along that he was somewhere with my family, pretty interesting huh?"

Lumukot ang noo ko at ilang beses napalunok. Anak niya? Anak niya si Antares? Sandali... Paano naman nalaman ni Demetria ang bagay na iyon para masabi rito kay Adelaide?

Bumaling ako sa gawi ni Arryn at hindi ko inaasahan na makita ang nakapintang takot sa kanyang mukha, habang ang mga mata niya ay diretso sa gawi ni Antares. Nang ilipat ko ang aking paningin sa gawi ni Antares, mas lalong napakunot ang noo ko nang natagpuan kong nakatitig din siya kay Arryn, subalit hindi ang pagtitig niya ang aking ipinagtaka, dahil mas ipinagtaka ko ang nag-aalala niyang mga mata. Sinubukan kong hagilapin sa reaksyon niya ang pagkagulat sa narinig sa kanyang ina, ngunit bigo ako, dahil kahit saang sulok ko tingnan, mukhang hindi siya nagulat.

Napahinga ako nang malalim nang ang isa sa mga anak ni Flora ay lumapit sa gawi ni Arryn, na kung hindi ako nagkakamali, Lily yata ang pangalan.

"Arryn, kumalma ka lang," bulong pa nito, kaya nanliit ang maga mata ko. Mukhang may alam na sila tungkol dito sa sinabi ni Adelaide...

"Kaya ka ba narito para bawiin ang anak mo?" kalmadong usisa ko na binabalewala na ang tingin ng iba na alam kong hindi na makapaniwala sa naririnig.

"I would not travel this far if I would not get him back, and you know what Salvador, you always disappoint me," nakangising pahayag ni Adelaide subalit may halong pang-aasar, habang naririnig ko pa rin na mukhang kinakalma ni Lily si Arryn sa aking likuran.

"I never meant to impress you, Adelaide..." kunot noong saad ko dahil alam ko na kung saan patungo ang sinasabi niya.

"I don't care if you never plan to impress me! Ever since my cousin Thalia had married you, you never stopped to disappoint me. You knew she's targeted! And you protected her like it was nothing! She got attacked in front of you and all you did was to watch her die, and you know what's worst? You're a doctor, you can still keep her alive yet you just cried like it can do something! And now, that Arryn you were calling as your daughter had kept my son, and you did nothing to stop it? Wow, you really are a disappointment and at the same time incompetent."

Napapikit ako sa sinabi ni Adelaide. Huminga ako nang malalim dahil ramdam ko na ang pag-iinit at pagtutubig ng mga mata ko, lalo pa nang nagsimulang mag-play na parang pelikula sa aking isipan ang kamatayan ng asawa ko.

Unreachable Sunrise [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon