Tama nga ang sinabi ni Phoebian sa akin. Dinungaw ko ang payong na hawak ko kanina pa. May weather forecast ako sa cellphone ko pero hindi ako naniniwala do'n. Siguro ay yun ang binasehan niya.
Napakagat ako ng labi. Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko ba ang payong o hindi. Mas mahal pa kasi ang payong niya kaysa sa bag ko. Pero bahala na, kaysa naman sa mabasa ako. Ginamit ko ang payong ni Phoebian. Mabigat siya dahil masyadong malapad para sa akin. Marahan akong naglakad papunta sa gilid ng kalsada para makauwi.
Huminga ako ng malalim nang makauwi ako. Pagpasok ko sa bahay agad akong kumuha ng timba para isalong sa may kisame. Butas-butas ang kisame ko sa bahay ko kaya minsan ay ayokong umuulan dahil tumutulo yung patak ng ulan dito sa loob ng bahay ko. Naglagay din ako maliit na timba sa loob ng kwarto ko. Malalim na hininga ulit ang ginawa ko. Naupo ako sa bangko at sinuklay ang buhok ko.
Kailangan ko talagang magsumikap para hindi hindi matapon ang pinaghirapan ko. Gusto ko na talagang umalis dito sa tinutuluyan ko. Yumuko at nag-isip.
Malaki ang sahod ko kaysa sa sahod ko noong nagtratrabaho pa ako sa convenience store. Kung maghanap ako ng ibang malilipatan habang hindi pa ako pumapasok sa on-the-job training ko sa nalalapit na pasukan. Speaking of pasukan, sa lunes na yun. Mas mabuti ngang maghanap nga ako ng bagong malilipatan. Yun naman talaga ang goal ko kung may pera akong sapat para sa bagong apartment. Si itay ay pagsasabihan ko nalang kung hindi ako busy.
Linggo ng umaga ay pumunta muna ako sa bahay ni Lola Gracia para maglinis. Sa kanila na ako nakapag-agahan dahil masyadong maaga pa akong dumating sa mansyon. Di ko tinanggihan ang pagkain na inalok ni Aling Lupe dahil nagugutom din ako at gatas lang ang laman ng tiyan ko. Hindi ako nakakakain ng tinapay.
Tinapos ko yung trabaho ko ng tatlong oras dahil plano kong maghanap ng bagong apartment. Masuwerte ako sa araw na yun dahil may nahanap ako. Hindi siya mahal at pasok sa sahod ko. Do'n ako naghanap sa may malapit na penthouse building ni Phoebian. Kapag umuuwi kasi ako sa gabi ay malayo at hassle. Babae din ako at delikado sa kalsada kahit na sanay ako. Marami pa rin ang mas malakas ang motibo kaysa sa akin.
"May gripo sa labas at pwede ka dun maglaba kung ayaw mo sa banyo. Two thousand kada buwan ang upa dahil hindi naman malaki ang apartment na'to at para talaga ito sa mga estudyanteng kagaya mo."
Yun ang sabi ng landlady sa akin nang pumayag ako dito sa apartment niya. Tumango ako at tinignan ang likod. Nasa walong metro ang lapad sa likod. May pader pa para sa privacy at ramdam ko na safe ako sa lugar na ito sa nakawan dahil may barbwire naman na nakapatong sa tuktok ng pader. Okay sa akin ang apartment, kasing luwag nito ang bahay ko sa squatter area pero ang maganda dito ay may space sa likod na pwede kong tambayan kung gusto kong magpahangin. Sa harap kasi ay three meters lang ang layo sa mismong kalsada. Pero okay na rin yun sa akin at least may tirahan.
Binayaran ko agad yung landlady ko para sa dalawang buwan. Advance payment lang dahil baka sa susunod kasi na buwan ay hindi ako mamomroblema at baka din may gawin ako sa pera ko sa susunod na buwan. Mahirap na. Baka makalayas ako agad. I insisted sa bayad nang hindi yun tanggapin ng landlady pero sinabi ko sa kanya yung rason ko kung bakit.
Umuwi ulit ako sa bahay ko para makapagpahinga. Mamaya ay babalik ulit ako sa bago kung apartment para makapaglinis. Bibili ako ng bagong kagamitan sa paglilinis at magdadala na rin ako ng damit dahil bukas ay pasukan na. Ang problema ko lang ay malayo yung unibersidad namin sa bago kong apartment. Thirty minutes ang layo kung sa bisekleta ako. Pero ayokong sa taxi ako o sa jeep dahil hindi na nga umuusad ang mga sasakayan sa trapiko dahil sa dami ng sasakyan ngayon. Di bale ng magbike basta hindi ako mahuli sa klase namin.
Sa malaking bag ko nilagay ang ilang damit ko para bukas. May uniform na kami para sa internship. Susuotin na namin yun kapag matapos na kami sa job interview. Sa susunod na semester ay sa thesis na kami. Nakakadismaya lang dahil dapat thesis namin ngayong semester pero yun talaga ang nakalagay sa syllabus namin.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...