Simula

39 8 9
                                    

"Callista Meiji!," I heard his shout nearing me as the sound of the rain continuously pours with thunder.

As I sat on the floor with my hands hugging both knees near my chest, I felt his presence near me. "Meij, it's not what you think it is. What you saw is nothing. I was just shocked that's why I wasn't able to move," he explained even without me asking for it.

"Hey, Meiji," he called me when he noticed that I wasn't paying attention to what he just said. I stood up as my tears slowly falls from my eyes. He followed me as I walk away from him.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin at dapat na paniwalaan. Hindi ko na alam kung tama pa ba na maniwala ako sa kaniya at sarili kong pag-iisip. Akala ko kasi puwede na talaga. Akala ko may chance na talaga. Akala ko ako na. Puro akala lang pala.

"Callista," his voice is shaking as he calls me by my first name. "Meij, hindi talaga 'yun 'yung inaakala mo," he continued with a nervous voice.

"Wala naman akong inaakala. Wala naman akong dapat akalain. At mas lalong akong karapatan na mag-akala," I finally answered him as the tears continuously falls. Totoo naman ang sinabi ko. Wala akong kahit na anong pinanghahawakan para magdikta sa kaniya at mga gagawin niyang desisyon. "Okay na, Dei. Wala ka namang dapat i-explain, ako lang naman ang nagiisip ng malisya sa mga bagay na wala naman dapat ibig sabihin," pagpapatuloy ko habang naglalakad palayo sa kaniya. Nasa likod ko siya habang hinahabol akong mas binibilisan ang paglalakad upang tuluyan nang maka alis at magtungo sa sakayan.

"Meij, 'wag naman ganito. Pag-usapan natin para malinawan tayo pareho," he said still following me and walking faster to catch me. Pumara ako ng taxi nang makita ko na wala itong sakay na pasahero. Uuwi nalang muna ako sa bahay dahil hindi ko alam kung makakauwi ba ako nang maayos sa ganitong kalagayan ko. Kailangan kong isipin kung paano ako magpapatuloy sa mga susunod na araw kung mag-isa lamang ako sa condo. Hindi ako makakakilos nang maayos. Kailangan kong isipin ang maaari kong kahinatnan dahil wala namang ibang gagawa no'n kun'di ako.

"Kuya, sa susunod na village lang po," sabi ko sa driver nang buksan nito ang bintana upang maka-usap ako. Buti nalang at malapit lang ang bahay namin at makakauwi ako habang hindi pa tuluyang bumibigay ang emosyon ko.

"Callista, mag-usap tayo. Hindi tayo magkakalinawan kapag hindi natin 'to pinag-usapan," I looked at him with sad eyes. Gusto ko sanang kausapin siya pero hindi ko alam kung sapat pa ba ang kakayahan at enerhiyang mayroon ako upang gawin 'yon. Masyado na akong pagod sa dami ng nangyari ngayon at sa lahat ng tumatakbo sa utak ko kaya alam ko na mas malaki ang tyansa na hindi maging maayos ang pag uusapan namin.

"Sa susunod nalang tayo mag-usap, Dei. Hindi ko alam kung magiging maayos ang patutunguhan ng pag uusap natin kung ngayon mangyayari 'yon. I have so many things running in my mind right now. I don't think we could settle our problems if we talk now," I said with full honesty. Pumasok na ako sa loob ng taxi at umupo sa passenger seat. Tuluyang lumabas ang hikbi na kanina ko pa tinatago. Baka isipin ni kuya mukha akong tanga dahil bigla nalang akong umiyak kaya napasulyap siya sa akin sa rearview mirror.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung ano na ang mararamdam ko dahil masyado akong nagulat sa mga nangyari ngayon. Bakit nagkasabay-sabay pa?! Deserve ko ba 'to? Ano ba'ng ginawa ko para maranasan ang mga ito?!

"Ma'am, nandito na po, saan po ba ang bahay niyo dito?" My thoughts were suddenly interrupted when the driver asked me that. Masyado siguro akong nilipad ng utak ko sa mga iniisip ko kaya hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa village. " Diretso lang po, K-kuya, tapos liko po sa kaliwa," I answered still with a shaky voice. Nang nasa tapat na kami ng bahay, inabot ko lang ang bayad ko at lumabas na ng taxi.

Pumasok na agad ako sa loob ng bahay at sinalubong ako ng nakatatandang pinsan ko, si ate Marge. That's what I call her for short, pero Margie talaga ang pangalan niya. Mas matanda lamang siya sa akin ng limang taon pero hindi masyadong halata dahil baby face siya at kung umasta ay parang kasing edad ko lamang. Close kami dahil simula bata ay siya ang lagi kong kasama, kumbaga, best-buddies talaga kami dahil kasundo ko siya sa halos lahat ng bagay. "Ano'ng nangyari sa'yo? Zombie ka, girl?" She joked when she saw me walking like a zombie. Hindi niya nakikita ang mukha ko dahil naksabog at nakaharang ang buhok ko sa mukha ko. " Hoy, Callista Meiji! Hindi kita pinalaki para lang bastusin ako ng ganito!," she continued and even joked but I chose to ignore her and just headed straight to my bedroom. Sinarado ko agad ang pinto at ni-lock. Nang tuluyan ko na itong sinarado, doon na tumulo ang luha ko at humikbi nang humikbi. Wala na akong pakielam kung marinig pa nila ako dahil hindi ko na talagang control-in ang emosyon ko. Masyado na akong pagod physically at emotionally.

'Nandito ako sa baba'

Nakita ko na umilaw ang cellphone ko at nakita ang message na galing kay Deimien. I ignored it and just went to my bed to cry. I hugged my pillow and released a heavy breathing. Hindi ako makahinga sa sobrang pag iyak ko. My thoughts kept on wandering.

Bakit ko ba inakala na porket wala na ang mahal niya, eh, ako na. Na porket matagal na kaming magkakilala, ako na ang pipiliin niya. Na dahil ako ang laging nasa tabi niya, sa akin na siya mahuhumaling. I was his shelter when he needed one. I was everything he needed and always the one to supply for his needs. Ako ang laging nariyan kapag kailangan niya ng masisilungan. Lagi lamang kapag
kailangan, pero hanggang kaibigan lamang. Turns out, I was the one he needed but never the one he loves. Only his umbrella when the rain comes. Always the shelter but never the home. Always there but never the one. Only his bestfriend but never the lover. Only his waiting shed when waiting for his ride to go home to someone.

His Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon