Chapter 2

16 4 1
                                    

"Son, isn't she the one you are talking about a while ago? Your crush...?" sambit ng ginang na nasa harap ko. Crush? Ako? Ni Deimien?! SI DEIMIEN?! Jusko! Napanganga ako sa sinabi ng babae. My mind went blank when I heard her say those words. Jusko! Jusko! Jusko! Nagpapalpitate na 'ata ako kahit hindi nagkape. Hindi magkandamayaw sa bilis ng tibok ang aking puso. Umayos ka nga, Callista!

"H-Huh? A-Ano po...?," utal-utal pa ako nang sinambit iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil masyado akong nagulat sa sinabi ni Mommy! Este, Mommy pala ni Deimien.

"'Yung crush mo, anak?," napalunok ako. Literal. Ano daw? Crush? Ako? Napalinga pa ako at tinignan ang aking likod upang tignan kung may iba bang tao at maaaring tinutukoy niya. Pero wala akong nakita.

"M-Mom, stop it. It's not her. You're embarrassing me," pagkaklaro ng anak. Ouch. Bawi nalang next life. May naramdaman akong kaunting panghihinayang nang marinig ko ang kaniyang sagot sa ina–nakumpirma ko dahil sa tinawag niya rito. Okay lang, hindi naman masakit. Madami namang nagkakagusto sa akin atsaka medyo crush ko lang naman siya. No big deal. Hmp! Pampapalubag loob ko sa aking sarili. Medyo nakahinga ako ng maluwag at unti-unting bumagal ng aking puso at bumalik sa normal.

"By the way, I'm Rizha. Deimien's mom," pagpapakilala ng nanay niya. "Oh, and this is my daughter, Rhogemae, Dei's ate," napatingin ako sa babaeng nakaupo. Hindi ko napansin na may kasama pala sila at kapatid ni Dei. Hmm, maganda at mukhang babagay kay kuya. Elegante rin tignan ang dalaga at natural ang kaniyang ganda. Naka bob-cut ang buhok at mukhang inosente. Katulad ko ay bilugan din ang kaniyang mga mata, bagay sa hugis ng mukha niya. Maganda ang hugis ng kaniyang labi lalo na siguro kapag ngumiti.

Napalingon ang babae sa kaniyang ina nang ipakilala siya nito. "Good evening," pormal nitong pagbati at saka ngumiti na labas ang ipin. Ang puti ng ipin at pantay-pantay na parang kumakain ng toothpaste at umiinom ng mouthwash dahil sa puti. Tama nga ang hula ko dahil pormal ito makipag-usap. Napansin ko rin ang medyo pagkakahawig nilang dalwang magkapatid dahil pareho silang maputi na parang bawal maarawan at halatang naaalagaang mabuti ang kanilang mga balat.

"Hello po," bati ko at tumingin ito sa akin at ngumiti. Mukhang mabait. Mukhang hindi nalalayo ang edad nila nila ate Marge at ate Ysa. Giniya kami ng mommy nila Dei sa lamesa na nakareserba at pinaupo na kami. The vibe is giving an elegant but cozy vibe. Halatang sosyal dahil may wine glass sa lames na para sa matatanda at may wine na nababalutan ng magandang disenyo. The ambiance of the place is also comfortable and the venue is big enough to fit approximately 75 people. Nang dumating ang waiter upang kuhanin na sana ang order, may lalaking pumasok sa pinto at agad kaming natanaw nito at kumaway. Malayo kami sa pintuan ng restaurant ngunit natatanaw namin agad ang papasok. Kaunti lang din ang tao na mukhang mayayaman din.

"Good evening, everyone. I'm sorry I'm late," bati ng lalaking matipuno at agaw-pansin ang kaguwapuhan. Nakasuot ito ng school uniform at naka specs. Kulay puti ang kaniyang uniporme at black pants. Nakasuot ito ng relo at may dala rin na bag at libro, mukhang galing pa sa school at dumiretso na agad dito. Bakit may pasok sila? Bakasyon ngayon, ah? Pagtataka ko.

"Hello, son. Is your school done?" tumayo si tita Rizha at binati ang lalaki at bumeso sa kaniya. Anak niya rin 'yan?  Mukhang mas matanda lang ng kaunti ang binata kaysa kila ate Ysa.

"Yes, mom. The school ended kinda late 'cause we had a meeting," he explained. His eyes went to the table and stayed for a while. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang mga mata at tinignan kung ano ang kaniyang tinatanaw. Nakita ko na nakatingin siya kay ate Margie. Kilala ba niya ito?  He cleared his throat ang looked away.

His Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon