Chapter 1

35 6 3
                                    


         "Mei, sali ka!," aya ng kalaro kong si Jasdy nang makita niya ako. Gulo-gulo pa ang natural niyang kulot na buhok. Naglalaro sila ng habulan at nahinto nang makita nila ako na nakatayo lamang at tinatanaw sila. Nakalugay ang aking buhok na sobrang itim at straight na straight kahit hindi ginamitan ng suklay at conditioner. Nakasuot din ako ng paborito kong purple terno na short at sando na may design ng paborito kong Disney princess–si Rapunzel.

"Sige, kaso kailangan ko ring umuwi bago mag alas-kuwatro," sagot ko. Aalis kasi kami ng pinsan ko dahil mamamasyal 'ata kami kasama sila Tita Dav, Mommy niya. Nang hahabulin ko na sana si Chae, na isa pa sa mga kaibigan ko, nakita ko na may isang batang lalaki na pupungas-pungas pa, mukhang bagong gising lang at nakatayo sa labas ng isang bahay. Nakasuot siya ng puting sando at pang-basketball na shorts na kulay dark blue. "Taya!," nagulat ako nang biglang may tumapik sa aking braso. Nataya na pala ako ni Ian nang hindi ko man lang namamalayan dahil nakatitig na pala ako sa bata na natanaw ko. Medyo maputi siya at may katangkaran din. Matangos ang ilong, makapal at mahaba ang kaniyang mga pilik-mata. Mukhang may lahi pa ang isang 'to, ah. "Hoy, taya ka na!," pagpapatuloy ng aking kalaro nang mapansing hindi pa rin ako gumagalaw at patuloy ang pagtitig sa bata na ngayon ko lang nakita.

"Meiji!," sigaw ni Friyah at doon lamang ako napabaling sa mga kalaro ko na kanina pa pala ako hinihintay tayain sila. "Ano ba'ng tinitignan mo riyan at para kang nakakita ng multo?," tanong niya pa.

"Ah, eh, wala. May nakita lang akong bata sa tapat, mukhang bagong lipat lang. Ayain kaya natin?," sabi ko dahil kawawa naman siya, walang kalaro. May hawak lang siyang laruan na kotse na kulay pula sa kaniyang kaliwang kamay habang ang isa naman ay kumakamot malapit sa kaniyang sentido.

"Tara, lapitan natin," anyaya ni Jasdy. Hala, ako ang nakakita sa batang pogi na 'yun, eh! Dapat ako ang mauna, no! Lumapit kami sa bata at mukha pa siyang nagtataka dahil sa ginawa namin. Parang baby ang mukha niya at para siyang kinakabahan no'ng lumapit kami sa kaniya. Akala siguro aawayin namin siya.

"Hi! Ako si Meiji, Mei for short," I shamelessly introduced myself when we neared him. Bata pa lang ako alam ko na na makapal ang mukha ko at wala akong hiya. Aminado naman ako. "Gusto mo sumali sa amin?," I asked him.

"What? I'm sorry, I don't understand you. What were you saying?," sagot ng bata. Naku! Mukhang spokening dollars pa 'ata! Mapapasabak ako neto, ha! "Psst! Hoy, Friyah! Ikaw nga kumausap dito sa bata, mukhang hindi nakakaintindi ng tagalog at magdugo pa ang ilong nito kapag kinausap ko," I said to Friyah. Siya lang naman kasi ang marunong sa amin na mag-english. Medyo bobo kasi ako sa subject na iyon.

"Hi, I'm Friyah, and these are my friends, Mei, Jas, Ian, and Chae. We are asking you if you want to join us," Sabi ng babae at tinuro pa kami isa-isa. Sinisiraan ba niya kami? Hindi ko kasi naintindihan dahil hindi naman ako marunong mag English. I kept my thoughts on myself.

"Y-Yeah, sure. By the way, my name is Diemien, Dei for short," tugon nito. Mukhang nagpapakilala siya. Ang pogi ng pangalan, mana sa kaniya. Hihi. Buti nalang at hindi nagtagal at sumama na siya sa amin upang makipaglaro. Medyo mahirap makipag-usap sa kaniya kasi hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Bakit ko ba kasi inaya 'to, eh. Masyado nanaman akong nabulag ng kapogian, hays.

"Tag!," sigaw ni Dei at tapik sa akin pagkatapos ay tumakbo palayo. Tag? Ano ba'ng nilalaro siya at parang siya lang ang naiiba? "Ha? Ano'ng sabi mo?" Oo nga pala, hindi nga pala siya marunong mag Tagalog, ngayon ko lang naalala. "What is your saying?," pagsubok ko na kausapin siya. Parang hindi magandang pakinggan ang sinabi ko.

His Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon