SCARLET'S POV
'' Nicole ! Na saan ka ? Bakit ang dilim ? Wala akong makita ! Nicole ! '' sigaw ko habang tumatakbo.
Sobrang dilim . Walang ilaw kahit saan . Na saan na ba si Nicole ?
'' I' ll kill all of you ! Traydor kayong lahat ! '' boses ni Nicole yun aa.
'' Nicole ! Na saan ka na ba ? Natatakot na ako dito ! Ang dilim dilim dito ! '' sigaw ko ulit.
'' Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo lang ako para alagaan ka. Kasi naparito ako para patayin ka. ''
Tinutok nya sa akin ang kutsilyo.
'' Ahhhhhhhhh ! ''
'' Zherine ! Gising na ! Anong oras na oh ? Malelate na tayo'' gising sa akin ni Jamilla.
'' Buti naman at ginising mo ko. Napanaginipan ko ulit yung 'nicole' kuno. Di ko naman makita yung mukha. Pero this time. Nakakatakot na talaga. Sinaksak nya ako.'' Kwento ko kay Jamilla. Magkasama kami dito sa Dorm dito lang din sa Campus. Pero medyo malayo sa Main Campus. Ang gulo ko 'no?
'' Baka naman sign na mawawala ka na dito sa Earth. HAHAHA. Joke. ^__^ ''
'' Aba't gusto mo na akong mawala? Pero sabi nya, papatayin daw tayong lahat.''
'' Ba't ako nasama? Di ko nga sya kilala e. :3 Tapos papatayin nya ako? The hell. Mamaya nga pagnapanaginipan mo ulit sya sabihin mo sa kanya. Put@#$ ^&* nya ! Walang hiya sya. Bakit nya ako isasama sa mga papatayin. HAHAHA.''
'' Relax. It's just a dream. Never magkakatotoo yun. Tara na nga. '' sagot ko sa kanya
'' Eh basta ! Sabihin mo sa kanya yun aa. ! '' sigaw nya bago pumunta ng banyo.
Nang matapos kami sa pag-aasikaso, dumeretso kami sa Main Campus at nagpunta ng canteen para kumain.
'' Ikaw na ang bumili ng pagkain natin. Eto pera. Libre ko basta ikaw ang bumili ng pagkain'' sabay abot ng pera sa kanya. Naghanap naman ako ng mauupuan namin. At... Ayun !
'' Buti naman at nakahanap na ako. Hoy ! Teka ! nauna ako dito! ———— ''
'' Hi Scarlet ^__^ '' ngiting aso na naman 'to oh. Psh.
'' Tabi nga Blue. Nauna ako dito e. Atsaka ayokong makasabay kita sa pagbreakfast. Annoying. -.- ''
'' Awww. Ang sweet talaga sa akin ni Babe Scarlet ko. ''
Don't get him wrong. Di kami mag boyfriend-girlfriend. Siya nga pala si Blue Chievas. Ang Ultimate Hearthrob ng school namin. -___- Ewan ko ba dito. Palaging nakadikit sa akin at hindi sa mga naghahabol sa kanyang mga mukhang Clown sa kapal ng foundation sa mukha.
'' Oh! Good Morning Blue ! Ang sweet nyo naman. Tignan mo Zherine ! Hinanapan pala tayo ni Blue ng mauupuan. How sweet.'' Psh. Ayan na . Dumagdag pa si Jamilla. Bwiset naman oh ?
'' HAHA. Syempre naman. Kailangan yun para dagdag points para sagutin na nya ako. ''
'' Bakit ba gustong gusto mong maging tayo? Ikaw ay isang certified playboy ! At gusto mong magkaroon ng relasyon sa Certified Dean's Lister! Hindi mo ba naiiintindihan na ayaw kong magkaboyfriend? Di ka ba nakakaintindi ! Umalis ka na nga dito ! '' sigaw ko. Natahimik ang lahat. Isa kasi ako sa pinakakinatatakutan dito sa kasungitan ko. Silang dalawa lang ni Jamilla ang nakakatiis sa akin.
'' Bakit gustong gusto kong maging Tayo? Kasi mahal kita ! Kasi gusto kitang protektahan ! Sinabi ko na sayo na hindi na ako playboy! Ikaw na nga lang ang nilalapitan kong babae dito e. Maliban kay Jamilla, kasi kaibigan mo sya. Sinabi mong di ko maintindihan? Naiintindihan kong ayaw mo pang magkaboyfriend dahil baka maapektuhan ang grades mo. Pero mahal kita Scarlet. Tandaan mo 'yan.''