*Tell me where you're hiding your voodoo doll cause i can't control myself*
Ugh. Kung hindi ko lang mahal si Calum at Luke di ako gigising e. Psh.
'' Jamilla, Wake up na. '' Habang tinatapik si Jamilla--- Bakit parang lumaki yung braso ni Jamilla? Bakit parang naging Flat chested 'to? Sabagay, Flat naman talaga. Bakit parang ------
'' Waaaaahhhh ! Anong ginawa mo sa akin! Rapist ka ! Siraulo !'' Sigaw ko habang hinahampas yung Rapist.
''Aish. Scarlet. Tama na! Aww. Hindi ako Rapist!'' Sigaw nya. Ay oo nga pala. Dito na pala kami ni Jamilla nakatira.
''Ayy. Sorry.''
''Morning kiss ko? ''
''Morning kiss? May good night kiss ka na nga e. Magtigil ka.''
''Dali na. Isa lang.''
'' Magtigil ka nga.'' At dahil sa makulit sya. Nakuha na nya yung morning kiss kuno ng di nagpapaalam. :3
''Busog na ako.''
Lumabas na sya ng kwarto at ako naman ay nagpunta na ng banyo para maligo.
*After 20 minutes*
'' Ang tagal mo naman Zherine ! Gutom na kaya kami ! '' bulyaw sa akin ni Jamilla
''Oh ba't di ka kumain mag-isa?'' Pagtataray ko.
'' Sabi mo diba wag ka naming iiwan? Psh. Umatake na naman ang pagmamaldita mo -.- ''
'' Wala akong maalalang may sinabi akong ganun . Kaya pwede nyo na akong iwan -.-''
''Hayy. Jamilla. Bakit kaya ganyan bestfriend mo?'' Narinig kong bulong ni Blue
'' Kahit ganyan yan ka-maldita. Mabait pa din yan. Kung titignan wala sa kanya yung salitang 'bait' Pero sobrang bait nyan.'' bulong naman ni Jamilla
''Yeah. I saw it. Kagabi. Super bait nya. Super soft nya. Kaya mas lalo akong nahulog sa kanya. Kaso nga lang masungit pa din.''
'' Naririnig ko kayo. Putspa. Yung kwintas! Tignan natin ! '' Sigaw ko.
'' Tara na.''
Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng mga estudyante.
''Siguro sila yun 'no! Doon nakita e.''
''Pinatay nila siguro yun. Sa dorm nila nakita yung bangkay e.''
'' Anong karapatan nyo para pag-usapan kami? At anong 'Pinatay'? Hindi kami mamamatay tao ng kaibigan ko!'' Sigaw ko. Hinila na naman ako ni Jamilla.
''Wag ka ng makipag-away pumunta na lang tayo ng dorm natin.''
Bigla akong nakaramdam ng kaba.Mukhang napansin ata ni Blue at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.
''Don't worry. Naniniwala akong di ikaw yung gumawa nun. Tara?'' -Blue
Nagulat kami ng makakita ng mga estudyante at pati si Sir Ramirez at Maam Garcia.
''Maam Garcia? Ano pong nangyayari dito sa dorm namin dati?'' Tanong ko. Tumingin sa akin si Maam tapos tumingin sa direksyon ng pinto namin.
O_O
'' Francesca... Sino ang gumawa nito sa kanya?'' Tanong ko. Nakabigti sya. Alam kong Murder 'to kasi nasa pinaka gilig yung tutungtungan nya para maka akyat.
'' Walang nakakaalam. Samahan nyo muna kami sa Office.'' Singet ni Mr. Ramirez
''Zherine. Diba yun yung Kwintas mo? Bakit nya suot?'' Nagtatakang banggit ni Jamilla.
Agad kong kinuha ang kwintas ngunit nang makuha ko ito at buksan . (A/N: Yung kwintas na pusong di bukas yung tinutukoy dyan :DD) Iba ang picture na laman. Yung sa akin kasi ako nung pagkabata ko. At si Jamilla. Pero sa kanya. Yung mukha nya at yung mukha ko nung bata pa ako.
''What the heck. Paano napunta ang picture ko sa kanya?'' Tanong ko.
''Zherine ! Nakita ko na yung kwintas mo! Eto oh!'' Sabay hagis sa akin ngunit nakaramdam ako ng kakaiba pag harap ko sa kabinet dati namin may Matulis na bagay na lumabas at papunta na sa akin.
''Zherine ! Yumuko ka !'' Sigaw ni Jamilla. Napapikit na lang ako. Ngunit may naramdaman akong kamay na humila sa akin.
''Mag-iingat ka nga! Sabi na e! May kakaiba akong nakita nung pagkakuha ni Jamilla ng Kwintas mo e. Jamilla iangat mo yung paa mo may natapakan ka.'' Sabay lapit ni Blue kay Jamilla.
''What's that?!''
''Bobo ka talaga Jamilla. Nakikita mo na ngang button 'to dba? Pindutan! Kasalanan mo kung bakit muntikan ng matamaan ng kutsilyo si Scarlet!''
''Hindi ko kasalanan na naapakan ko 'yan. Tsaka di ko ginusto na matamaan si Zherine nyan !''
'' Can you both shut up ! Naririndi na ako sa inyong dalawa! Walang may kasalanan sa inyong dalawa ! Kasalanan ko 'to. Di ako nag iingat.''
'' Wala kang kasalanan. Wala tayong kasalanan. Okay ba yun ? ''
''Calling Ms. Sparks, Ms. Park and Mr. Chievas. Please proceed to the office now.''
''Tara na?''
-----
'' Na saan kayo kagabi?'' Tanong ni Sir Kim
''Nasa dorm ni Blue.'' sagot ko naman.
'' Alam nyo naman na bawal pumunta ang babae sa dorm ng lalaki at vice versa. Explain now.''
''Alam ni Dad na nasa dorm ko silang dalawa. Ano ? May angal pa? '' Pagmamayabang ni Blue.
''Blue. Gumalang ka nga. Teacher pa din sila. '' Bulong ko
*tok* *tok* *tok*
''Come in'' Biglang may pumasok na pulis.
'' Nawawala po yung bangkay. '' Sabi nung pulis.
''What?! Paano mawawala yun? E patay na nga? Ano yun naglakad habang patay? Hanapin nyo!'' sigaw ni Mr. Kim
Lumabas agad kami ng lumabas si Mr. Kim. Ano kayang nangyari ? Paano yung nangyari? Paano sya nawala?
''Teka. Cr lang ako. Naiihi na ako.''
''Samahan na kita.'' alok ni Blue
''Siraulo ka ba? Babae ako at sasamahan mo ko? Ako na lang! O kaya si Jamilla na lang ang sasama sa akin.''
'' Di ko naman sinabi na sasama ako sa loob. Psh.''
''Oo na. Jamilla magc-cr ka din ba?'' Tanong ko.
''Hindi e. Dito na lang ako sa labas. Ang baho sa loob e.'' Psh. kahit kailan talaga napaka-arte ng babaeng yun.
Nang matapos akong umihi. Nagpunta ako sa salamin. Para maghugas ng kamay. Tapos maya maya'y nakarinig ako ng pagbukas ng isang Cubicle. Pag tingin ko nakita ko ulit yung ngiting nakakatakot na katuulad dati. Di ko pa din makita ang mukha nya kasi Nakatakip at tanging bibig lang at mata ang nakikita ko. Tumawa sya ng nakakatakot.
''Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!'' sigaw ko.
''Anong nangyari?! Are you okay Scarlet?'' Napatigil sa pagsasalita si Blue ng ituro ko ang Cubicle. Lumapit sya dito at si Jamilla naman ay hinahaplos ang likod ko. Sinipa ni Blue ang pintuan ng cubicle ngunit , wala namang tao doon. Paano nangyari yun? Dyan ko talaga sya nakita. Ano bang nangyayari dito?