'' Sigurado ka ba sa nakita mo kanina?'' Tanong sa akin ni Jamilla habang nageempake ng gamit namin dahil lilipat nga kami sa dorm ng 'aking boyfriend daw' Psh.
'' Oo nga. Pero di ko nakita yung mukha nya. Ang tanging nakita ko lang ay yung nakakatakot na ngiti nya. Super creepy. Kung ikaw lang sana ang nakakita.''
'' Biruin mo yun, may kinatatakutan din pala si ZHERINE SCARLET SPARKS ? HAHAHA. '' pang-aasar sa akin ni Jamilla. Lahat naman may kinatatakutan e.
'' Scarlet? Jamilla? Okay na ba ? Tara na ! '' Psh. Di man lang kumakatok. Pumasok ka agad.
'' Oo na. '' sagot ko.
Nang makarating kami sa dorm NIYA . Namangha kaming dalawa ni Jamilla kasi napaka daya talaga. Ang laki ng dorm nya. Para na syang Condo Unit =.=
'' Ang daya talaga. Mag isa ka na nga lang dito sa dorm mo , tapos napaka laki pa. Para na 'tong Condo unit :3 '' Pagmamaktol ko.
'' Edi dito na lang tayong dalawa tumira? Mag-live in na tayo.''
'' Teka paano ako?'' Tanong ni Jamilla
'' Katulong ka. HAHAHAHHA.'' Sabay tawa ni Blue. Siraulo talaga yun.
'' Psh. Dyan na nga kayong dalawa. Ay teka. Blue ! Saan ako? '' Tanong nya tapos tinuro ni Blue yung kwarto. Tapos umalis na sya.
'' Saan ako? '' Tanong ko.
'' Sa kwarto ko. HAHAHAHA. '' Sabay takbo nya. Nag-hahabulan kami. Pero paikot ikot lang naman kami sa Sofa.
'' Huli ka ! Ahhhh.! '' Paano ba naman kasi naapakan nya yung paa ko e hawak hawak ko sya kaya natumba kami parehas. Buti na lang sa sofa kami nahulog. At teka?! Nakapatong sya sa akin !
'' Waaahhhh! Manyak ka ! Umalis ka nga sa ibabaw ko ! '' Tinutulak ko sya pero ayaw nya pa rin na umalis.
'' Psh. Tandaan mo. Kahit anong mangyari ipagtatanggol kita. Ililigtas kita. Hindi ka nya masasaktan. Tandaan mo 'yan a. ''
WTH?! Hinalikan nya ako! My ghad ! First Kiss ko !
'' Siraulo ka talaga. First kiss ko yun ! ''
'' Edi gawin nating second kiss ! ''
'' Wag kang lalapit! Isa! '' Ay shet. Ang lapit na ng mukha nya. Pumikit na lang ako. Nararamdaman ko na yung labi nya na nakadampi na ng kaunti.
'' Kyaaaaaaaaaaaaaaaaa ! '' Nagulat kaming parehas dahil sa pagsigaw ni Jamilla mula sa kwarto. Agad kaming tumakbo para puntahan si Jamilla. Nagulat kami sa nakita namin.
'' Whoa. Paano nagkaroon nyan dito? Wala yan kanina. Pag alis ko para sunduin kayo? Wala yan. Promise. Di ko kayo kayang gawan ng prank na ganyan''
'' Blue. Si ..... '' Sabay turo ko sa picture na may dugo. Picture ko kasi yun. Tapos may dugo na nakasulat na 'NICOLE' Bigla na lang akong natumba. Nicole na naman. Sinira ni Blue yung picture.
'' Blue. Jamilla. Natatakot ako. Ayoko pang mamatay. Ayoko. Wag nyo akong iiwan a?'' I said in my softest voice.
'' Hinding hindi ka namin iiwan. Pangako yan.'' sagot ni Jamilla.
'' Tara na . Matulog na tayo. '' dagdag ni Blue.
'' Teka, may nakalimutan akong mahalagang bagay sa dorm. Yung kwintas ko. Nasa dorm pa. Kukuhain ko yun Blue. ''