Alysaʼs Point of view
“Alysa bago mag-umpisa ang ating sembreak ipagpaalam mo na ang island nʼyo. Ayukong naghihintay.” Tumango lang ako bilang sagot.
Hindi ko kasi alam kung papayag si dad, may ginagawa pa kasi silang project sa island.
At ayaw na ayaw nʼyang magpunta sila Ivy roʼn dahil alam nʼya lang kung anong klaseng mga tao sila. Doʼn lang sila magkakalat ng mga kababuyan sa island.
“Uy okay ka lang ba?” Napatingin ako kay Trina nang magsalita ito.
“Kanina kapa tulala buong klase may problema ba?”
“Ah wala naman, may iniisip lang.”
“Kung tungkol ʼyan sa vacation kung ayaw ng daddy mo hayaan mo sila.”
Hindi ʼyon ganoʼn kadali. Siguradong magagalit sila at baka i-bully na ako nila pag nagka taon.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maisip ang lahat ng mga na-bully at ginawa nila rito. Ayukong makatulad sa kanila. Nangako ako kila dad na wala akong kahit isang gulong papasukin baka pag magkataon ipadala na lang ako ni dad sa province namin at ipagsaka na lang nʼya ako.
Napahinto ako sa pag-iisip nang may mabunggo akong babae. Kaagad nagkahulog ang dala nʼyang mga libro. Yumuko ako at tinulungan sʼyang magpulot.
“Ay sorry Ms. hi—” Napahinto ako sa pagsasalita nang mamukhaan ko kung sino ang nakabangga ko.
“Chelmarie.” Nang mapulot na nʼya ang lahat ng mga gamit nʼya ay tumayo na sʼya at ngumiti sa ʼkin. Isang simpleng ngiti ngunit ikinatindig ng balahibo ko.
“Uyy Alysa okay ka lang ba?” Tango lang ang naging sagot ko kay Trina.
“Diba sʼya ʼyong binully nila Donny? Sheʼs weird.”
Yeah, sheʼs weird. Mabait naman sʼya at actually naaawa ako sa kanʼya. Nagtataka rin ako dahil bukod kay Lyra sʼya lang ang binully nila Donny na hindi umalis sa school na ʼto. Karamihan kasi nang nabubully nila agad nagpapa transfer pero sʼya hindi kaya nga mas naging excited para kila Ivory na pagtripan si Chelmarie dahil mukha raw itong matapang kahit madalas nilang napapaiyak.
________________________
“No. Kung sila Ivory ang kasama mo hindi ako papayag. Baka doʼn pa sila magkalat ng kalokohan at baka pati ang kabuhayan natin ay mapurwisyo dahil sa mga kalokohan nila.”
“Pero, dad.”
“No but, Alysa. My decision is final. Sa ibang island na lang kayo mag bakasyon.”
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni dad ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ko. Pagka uwi ko agad kong kinausap si dad and tama nga ang hinala ko. Hindi papayag si dad. Alam nila ang mga ugali nila Ivory kung tutuusin ayaw rin nʼyang maglalapit ako sa kanila o bumarkada at baka madamay pa raw ako sa gulong gagawin nila. Mas lalo akong masasangkot sa gulo pag umalis ako sa grupo dahil sila mismo ang magdadala ng gulo sa buhay ko.
Hindi sila papayag na basta na lang may umalis sa grupo nila sisiguraduhin nilang pagsisihan nila ang pagtalikod sa grupo. Ang alam ko may nagtaka ng umalis sa grupo nila pero napasama rin. Binully nila ito at ang alam ko pinatay pa ito pero dahil sa tagal ng lumipas eh hindi ko na alam kung totoo ang mga kwentong naririnig ko dahil halos ang ibang kwento tungkol sa taong umalis sa grupo nila Ivory ay nagkaroon na ng iba-ibang version.
Napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. Speaking of... Tumatawag sila.
“Alysa ano na? You know naman na ayaw namin ang naghihintay,” maarteng sabi ni Ivory.
Lahat sila ay nakaabang at mataray na naghihintay sa sagot ko. Paano ko ba sasabihin sa kanila ng hindi sila magagalit. Napatingin ako kay Trina na tahimik din na naghihintay. Kasali na nga pala sʼya sa group chat namin at huhulaan ko kung sino ang nagsali ang number one cheater ng campus, none other than Donny Suarez.
“Ah ano kasi guys. Ayaw pumayag ni dad since may ginagawa pa silang project sa island namin.”
“What? No! Gawan mo ng paraan ʼyan Alysa, kung ayaw mong maging worse ang pagpasok mo kada araw,” pagbabanta ni Ivy. Hindi ako natatakot sa pagbabanta nila dahil alam ko namang kaya ko sila pero ayuko ng gulo. Graduating na ako kaya hindi ko aaksayahin ang oras kong makipag laban sa kanila. Kung pakikipag plastikan ang labanan susugal ako.
“Make sure na makakapunta tayo sa island nʼyo, Alysa or else alam mo na.” Hindi ko alam kung paano ko mapipilit si dad. Pag nagsalita ito wala ng pwedeng makapag pabago ng isip nʼya.
Donnyʼs Point of view
“Of course. Alam mo naman kung anong mangyayari kung sakaling tanggihan mo ako Mr. Domingo.”
“Good. Mainam ng nagkakaintindihan.” Pagkatapos ng pag-uusap ni dad at ni Mr. Domingo— father ni Alysa. Humarap ito ng nakangiti sa ʼkin.
“Okay na, son.” Masaya akong tumango kay dad. Eto ang gusto ko kay dad. Pag ginusto ko kaagad nʼyang gagawan ng paraan.
Kami ang may pinaka malaking shares sa SIHS that's why hindi makakatanggi ang daddy ni Alysa pag ginipit na namin sila. Ayaw naman nʼyang matanggal ang kaisa-isa nʼyang unica hija sa SIHS lalo naʼt graduating na kami.
Kaagad kong tinawagan si Ivy para ibalita ang good news. Alam kong ito ang ikakasiya nʼya. Kung ito ang paraan para tigilan na nila ang taong mahal ko ay gagawin ko.
(Yes, babe? Napatawag ka.)
“I have good news.”
(Mukhang good news nga. What it is, babe?)
“Pumayag na ang daddy ni Alysa na sa island na nila tayo mag bakasyon.”
(Really? That's good. Sige na, babe. I have to go. Bye babe, I love you.) Hindi na ako nag salita at pinatay ang tawag.
Maganda si Ivy, matalino, sexy tanggalin lang ang ugali nito perfect na sʼya pero kahit anong pilit ko hindi ko pa rin magawang magustuhan sʼya. Kahit anong pilit ko hindi ko magawa dahil may nagmamay-ari nang puso ko— my first love.
Kaagad kong tinawagan sʼya upang piliting sumama sa ʼmin sa vacation. Alam kong gusto lang nilang isama sʼya para may mapapagkatuwaan sa island ng dalawang linggo.
(Hello?) Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang marinig ang boses nʼya. Hindi pa rin nagbabago ang mahinhin nʼyang pananalita.
“Hey, Chel gus—”
(Kung kukulitin mo lang akong sumama sa vacation nʼyo nagsasayang ka lang ng oras, Donny.)
“Kung sila Ivy lang ang iniisip mo na baka pag tripan ka nila poprotektahan kita sa kanila. I can be your hero, Chel.” Napatawa ito ng peke.
“Kung kaya mo kong protektahan dapat dati pa pero wala kang ginawa kundi pangunahan ang pangbubully nila sa ʼkin. Nevermind tapos na ʼyon may gagawin lang talaga ako sa sembreak kaya ayukong magsayang ng oras makipag plastikan sa inyo.”
Hindi na nʼya ako hinintay na sumagot at kaagad binaba ang tawag.
Pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama. Siguro nga hindi ko kayang maging taga protekta mo.
Ginagawa ko lang naman ʼyon para protektahan sʼya kahit patago.
“Maybe I'm not strong enough to protect you, Chel. But Iʼm tried to protect you sa paraang alam ko.”
YOU ARE READING
Stranded in Island : the vacation
Mystery / ThrillerLabing-dalawang magkakaibigan ang magpupunta sa isang Isla. Ngunit ang isa sanang masayang bakasyon ay mauuwi sa isang madugo at mayroong matinding tensyon. Isang laro kapalit ng paglaya, ngunit walang kasiguruhan kung buhay o patay. Dalawampuʼt ani...