Hectorʼs Point Of View.
Papunta ako kay Oliver ngayon. Aayain ko siya maglaro. Mas gusto ko siyang kalaro kaysa sa iba. Well, si Donny kasi mayabang. Si Trevor annoying ang vibe niya for me. Si Geron boring masyado kalaro.
“Oliver! Oliver!” sigaw ko habang kumakatatok sa pinto. Sigurado ako, nagbibisyo na naman siya.
“Tagal mo!” reklamo ko sa kaniya nang buksan na niya ang pinto. Napakamot siya sa ulo.
“Nagbibisyo ka ’no?” tanong ko, at s'yempre kahit ’di niya sabihin, oo ang sagot.
“Napasyal ka yata,”
“Tara laro,” pag-aya ko.
“Teka, kunin ko lang yosi ko.” pumasok siya ulit sa maliit niyang bahay.
Simple lang bahay at buhay na meron siya. Maliit na bahay pero malinis naman. Mag-isa lang kasi siya. Nasa orphange siya dati pero tumakas siya. Ayaw niyang may sinusunod na rules.
At nabubuhay siya sa pagbebenta ng bawal na gamot. Thatʼs illegal, yes, pero 'yon lang daw ang alam niyang trabaho— malaki pa ang kita. At kagaya ngayon, bored siya kaya gumamit na rin. Masyado ko na siyang kilala kaya alam ko halos lahat sa kaniya.
“Oh, yosi,” sabi niya sabay abot ng yosi. Inabutan niya rin ako ng lighter. Habang nagsisindi ako ng sigarilyo, kinakandado naman niya ang pinto ng bahay niya.
“Ayaw mo ba talagang sa isang apartment na lang tumira?” tanong ko. Inalok ko na sa kaniya ʼyon dati pero tinanggihan niya.
“Kung ayaw mo na ako maging tropa, maiintindihan ko. Pero sana maintindihan mo rin na, sapat na ʼyong sholarship na binigay ng pamilya mo sa ʼkin. Hindi rin alam ng tatay mo na nagbibisyo ako, kapag nalaman niya timbog tayo pareho.”
Hindi naman sa bumabase ako sa estado ng pamumuhay pagdating sa kaibigan pero ʼdi naman kaya ng konsensiya ko kung ako komportable sa buhay at kaya ko naman tumulong tapos wala akong ibang ginawa.
Pero tama rin naman siya, tiyak na lagot kami pareho kapag nalaman ni daddy.
Naglakad na kami papunta sa bilyaran.
Sa ganitong paraan ko naging ka-vibe si Oliver. Matinik din siya sa babae pero mas matinik ako. At nakukunsinti niya ako sa bisyo kong paninigarilyo at inom.
Habang naglalakad, napahinto siya bigla. Nakatingin lang siya sa isang babae na halatang hirap na sa paglalaba.
“Huwag ka na magulat,” sabi ko kaya napatingin siya.
“Alam mo?” takang tanong niya.
“Oo, matagal na.”
“Akala ko ako lang ang may alam. Pero bakit ʼdi mo sinasabi sa iba? Especially to Ivory.” umiling ako.
“Siya nga ʼdi niya sinabi, so wala akong karapatang manghimasok. Kung sa pagpapanggap siya masaya, hayaan na natin. Wala rin naman akong issue sa kaniya kaya okay lang,” sabi ko sabay hithit ng yosi.
“Hanga rin ako sa galing niya magpanggap. Ano kaya magiging reaksyon ni Trevor at nina Ivory nyan, ” natatawang sabi ni Oliver habang pinagmamasdan siya— thatʼs Tefany.
Mahirap lang talaga siya pero para mapasali sa barkada nagpanggap siyang mayaman. Ang desperada noon kung tutuusin pero hindi ko na rin siya masisi kung ʼyon ang way niya. Inlove na inlove siya kay Trevor at pangkaraniwan sa barkada namin anak mayaman.
Nagpatuloy ang usapan namin about Tefany habang naglalakad.
“Wala namang pake sa kaniya si Trevor. Sina Ivory naman, plinaplastik lang siya.”
YOU ARE READING
Stranded in Island : the vacation
Mystery / ThrillerLabing-dalawang magkakaibigan ang magpupunta sa isang Isla. Ngunit ang isa sanang masayang bakasyon ay mauuwi sa isang madugo at mayroong matinding tensyon. Isang laro kapalit ng paglaya, ngunit walang kasiguruhan kung buhay o patay. Dalawampuʼt ani...