Trina’s Point of View
Since malapit na ang exam nag decide sina Ivy na mag group study daw kami ngayon sa library ng school. Pero duda ako‚ wala sa itsura nila ang nagrereview before the exam. Kung hindi lang dahil kay Alysa hindi naman ako sasama. Sa ilang araw ko sa circle nila ngayon masasabi ko nang naiintindihan ko na si Alysa. Ang hirap kasing pakibagayan nina Ivy. Ngayon naiirita na rin ako tulad ni Alysa nang dahil sa kanila. Puro kasi sila arte at kayabangan. Para sa iba friendship goals ang circle nila pero kung tutuusin mga toxic sila. Para silang mga talangkang naghihilahan paibaba.
“Nixien‚ call Ivory. Ask her if anong plano niya sa buhay niya‚” feeling boss na sabi ni Ivy kay Nixien na busy sa pagmamake-up. Kanina pa make-up nang make-up si Nixien‚ konti na lang at mapupudpod na ang mukha niya sa pagmamake-up niya.
“Bakit hindi ikaw ang tumawag kay Ivory? Kakambal mo naman siya‚” sarkastikong sabi ni Oliver kay Ivy na kanina pa rin abala.
Pa-cellphone-cellphone lang kasi siya. Kanina pa nga nakabusangot si Donny dahil nangangalay na ang panga niya sa kangingiti sa camera ng cellphone ni Ivy. Nagpipicture kasi sila ni Ivy habang ini-u-upload naman ni Ivy ang mga iyon sa kaniyang Instagram account at naka-tag pa si Donny sa mga iyon.
“Eh‚ ikaw‚ bakit hindi mo tawagan ang magaling mong kaibigan na si Hector‚ para naman may silbi ka sa grupong ’to‚ hmm?” napailing na lang si Oliver sa pagmamaldita ni Ivy sa kaniya.
“Manahimik na kayo pareho‚ p’wede?” walang emosyong sabi ni Donny sa kanilang dalawa. Inirapan ni Ivy si Oliver bago tuluyang matuon ang atensyon niya kay Elainne na kanina pa tahimik.
“Elainne‚ are you okay? Is everything okay?” concern na tanong niya sa kaibigan. Mas close pa siya kay Elainne kesa sa kakambal niya.
Natuon ang atensyon naming lahat kay Elainne na kanina pa weird ang ikinikilos. Iisipin ko sanang baka broken siya‚ kaya lang wala nga pala siyang boyfriend. Pero mukha siyang may dinadalang problema.
“Wala akong problema. Okay lang ako. Don’t mind me‚” pinagkatitigan lang ni Ivy si Elainne na para bang hindi siya naniniwala rito.
“Si Geron nasaan?” tanong bigla ni Donny. Nagkatitigan naman kaming lahat. At sa tingin na ’yon‚ hindi namin alam kung nasaan si Geron.
“Donny‚ si Trevor?” tanong naman ni Alysa.
“Tefany si Trevor daw‚” pang-aasar ni Oliver kay Tefany. Kaagad na nag iba ang awra ng mukha ni Tefany. Gusto ko sanang tumawa sa reaction ni Tefany kaya lang baka magalit.
“Malay ko! Atsaka hindi naman ako si Donny!” pagalit na tugon niya kaya mas naging malawak ang ngisi ni Oliver.
“Baka kasama niya ’yong Lyra‚” gatong naman ni Nixien kaya galit na galit na ang ekspresyon ng mukha ni Tefany.
Halos humagalpak naman sa tawa si Oliver pero silent mode dahil nasa library kami. Palagay ko kung malapit lang si Nixien kay Tefany baka nagsabunutan na silang dalawa.
Nag cellphone na lang si Tefany para mawala ang inis niya sa dalawa. Si Nixien ay dedma lang ang peg. Pero si Oliver hirap na hirap na sa kapipigil sa tawa niya at hindi na nga siya nakapagpigil‚ halos mamatay na siya sa katatawa. Pinagtitinginan na tuloy siya rito. Dahil sa pagtawa ni Oliver sinaway siya ng librarian. At sinamaan nang tingin ng librarian si Elainne kahit wala siyang kasalanan. Alam kasi na magkaibigan sila. Napasimangot lang si Elainne dahil sa hiya para kay Oliver.
“C.R. lang ako‚” paalam ni Elainne sa ʼmin.
“Sama ako‚” sabi ni Alysa sa kaniya.
Nang makaalis sila may napansin akong paparating.
YOU ARE READING
Stranded in Island : the vacation
Mystery / ThrillerLabing-dalawang magkakaibigan ang magpupunta sa isang Isla. Ngunit ang isa sanang masayang bakasyon ay mauuwi sa isang madugo at mayroong matinding tensyon. Isang laro kapalit ng paglaya, ngunit walang kasiguruhan kung buhay o patay. Dalawampuʼt ani...