**coleen's POV**
Tiktilaok!!! Tiktilaok!!! Tiktilaok!!!
Nagising ako sa napakaingay na alarm ng cellphone ko. Ang walang humpay na tilaok ng manok ay sumabay sa ringtone na nilagay kong notification.... Ang cute ng tunog.... Parang ang lakas maka probinsya...
Pinatay ko yung alarm ng phone ko at nagsimulang bumangon mula sa kama.... Ang gulo na naman ng keropi na unan ko, kasama na yung pink japanese hello kitty na kumot ko.... Oo na magalaw na akong matulog. Given! Kasalanan ko ba kung pinanganak akong ganito....
Dumiretso ako sa baba habang dala dala yung twalya ko. Pupungay-pungay ang mata habang nakatingin ako sa nakatayo sa may hagdan na si ate lisette....
"Ano? Ganyan ka na lang?" Habang nakapamewang si ate.... Si ate ay grade 10 student na sa school namen.... Vice president siya ng MAPEH club kaya ayun sexyng sexy sya sa sarili nya....
"Eto na nga ate oh... Pababa na! Ako muna gagamit ng banyo!" Sabay takbo pababa at diretso sa C.R.
"Hoy!!! Ako muna! Malalate na naman ako sayo....." Sinarado ko na yung pinto habang ayun ang dami pa ding alingawngaw ni ate. Hahahaha. Kala nya ha.
Ay oo nga pala, ako nga pala si Coleen Jestine Arcebal. A 14 year old stunner hailing from Quiapo Manila!!!! Hahaha.... Oh hindi ako beauty queen ha... Medyo maganda lang joke. Isa akong grade 9 student sa The National Teachers College Laboratory School... Im living with my Mama and Ate kasi si Papa ay andun sumakabilang bayan ay este nag abroad... Nasa Croatia siya ngayon bilang Chef sa isang Inn. Well yun lang naman... Di naman masyadong exciting buhay ko pero masaya pa din naman. :)
Natapos akong maligo at magbihis at dali daling pumunta sa mesa para kumain. And guess who? Andun na si ate Lisette. Bakit ang bilis maligo nun?
"Coleen ang bagal mo laging kumilos!" Pang aasar ni ate Lisette.
"Cause dalaga na ako and a lady takes her time" kindat ko sa kanya. Kala mo ha...
"Dalaga mo mukha mo. Pagong ka lang talaga" sabat ni ate.
"Oh tama na yan, mag almusal na kayo" pasok si mama kasama ang mga pandesal at pansit na binili sa may kanto.
Waaaah buti na lang andyan na si mama guto na gutom na ko!!! Kumuha agad ako ng pandesal at kinain ito ng sunod sunod. Beast mode!
"Ang takaw takaw mo talaga" pang iinis ni at lisette.
"Mmmmmmmlang mmmmmmmmmkealam" sagot ko sa kanya habang ngumunguya.
"Manners" sabi ni mama at bigla kong nalunok yung nginunguya ko. Tuuuuubbbbiiiiggggg!!!!
"Hoy takaw hihintayin pa ba kita?" Tanong ni ate sakin habang nag aayos siya ng bag.
"Hindi na ate susunduin ako no Venmore"
Biglang napatingin si ate....
"Susunduin ka na naman ni boyfie?" With a devilish smile....
"Excuse me ate!! Hindi ko siya boyfriend! Bestfriend ko siya!" Inis kong sabi...
"Naku naku umamin na kasi kayo!" Pang aasar na lalo ni ate.
"Ma! Si ate oh!!!" Pagmamakaawa ko kay mama.
"Boto naman ako kay Venmore eh..." Nakangiting sabi ni mama.
"I hate you two!!! Ang lakas makapraning ng pamilya ko...." Habang tawa ng tawa si mama at si ate.
"Coleeeeeeeeeen" tawag galing sa labas.
Sakto!!! Saved by the bell. Thank you Venven!!!!
Dali dali kong kinuha yung bag ko at lumabas na ng walang paalam kay mama at kay ate dahil napeste ako hehehe.... Pagbukas ko ng pinto andun si Venven.
"Morning"
"Morning din Venven" oo nga pala, Venven ang tawag ko kay Venmore since hindi ko na malaman kung kailan.
"Tara na Coleen baka malate pa tayo."
Si Venmore pala ang best friend ko since elementary. Pareho kaming nag elementary sa NTC kaya dito na din kami nag High School. Si Venmore kasi ay nakatira lang malapit samin kaya madalas kami magkasama since time immemorial. Magkakilala din naman ang pamilya namin dahil magkaibigan din ang mama niya at mama ko.
Si venmore ay isa sa miyembro ng basketball club ng school namen. After a few years nagkaroon na din ng "almost varsity an NTC. Isa siya sa pinakamagaling na players... Syempre best friend ko eh. Hahaha.
Matangkad si Venmore sa akin ng kaunti mga 5'8 siya ako naman ay 5'3 lang. Gwapo daw siya sabi ng mga kaibigan ko... O sige na nga pogi si Venven pero hanggang dun na lang sasabihin ko kasi baka lumaki pa ulo nya hehehe.... maayos din naman siyang studyante, in fact kasama pa nga siya sa mga top students ng school.
"Coleen hintayin mo pala ako mamayang uwian may sasabihin ako sayo." Sabi ni Venmore habang naglalakad kami papasok ng gate.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumaliktad sikmura ko at napangiti ako. Kaloka.
"O... O sige sa da-ting lugar?" Pautal kong nasabi. Teka ano bang nangyayare sakin?
"Oo sige" habang naglakad na siya papunta sa room hallway palayo sa akin. at tumunog na ang bell na hudyat ng pagpasok ng pagpasok ng mga studyante sa mga rooms nila.