Chapter 2- Friend of mine

128 5 0
                                    

**Coleen's POV**

Pagpasok ko ng room dumiretso ako sa desk ko at naupo. Pagbaba ko ng bag ay bigla kong inisip kung ano ba an sasabihin ni Venven sakin... Biglang uminit yung pisngi ko, at parang bigla akong nahirapang huminga at may kung anong hangin na laman ang tiyan ko... Ano ban nangyayari sakin? Si Venven lang naman yun. Para kang tanga Coleen. Snap out of it!

"Coleen!"

Paglingon ko nakita ko ng nakatingin sakin na parang tanga si Deyn. Parang ganito ba 0___o...

"Be anong nangyayare sayo? Kanina pa kita tinatawag pero parang ayun... Lumilipad ang utak mo."

Siya si Deyn, girl bestfried ko sa school. Makulit. Masayahin. Mature. Dalaga na kung baga pero may pagkapraning. Kung hindi minsan, madalas. At dahil dun nagkasundo kami.

"Ha? Kanina ka pa ba?"

"Hindi! Ngayon lang!"

"Ewan ko sayo!"

"Hindi nga? Bakit parang tulaley ka?" Pabirong tanong ni Deyn.

I looked at her. "Si Venven kasi..." Pero bago ko matapos ang sasabihin ko...

"Ay putik! Sabi na nga ba eh!!! Si Venven iniisip mo! Kaya ka tulala si Venven noh?!" Sabay tayo ko at hinawakan ang bibig nya dahil nagtitiginan na mga classmate namen sa lakas ng boses nya. Awkward.

"Deyn ano ba ang ingay mo oh... Ouch!" Kinagat ni Deyn kamay ko.

"Eh kasi naman... Si Venven pala ang dahilan kung bakit tulala ka.... Yiiiiiiieeeeehhhh"

"Be mali la ng iniisip" sabat ko.

"Teka teka teka!! Naku be! Sabi ko na nga ba eh.... Umamin ka! Kayo na noh?!"

"Deyn! Best friend ko lang si Venven noh?! And we can never be ok!"

"Edi wow! Basta believe me bagay kayo!"

And with that pumasok na ang teacher namin. Hay salamat, saved by the bell. For sure hindi na naman ako titigilan ng chismosa kong friend.

-----------------------------------------

**Venmore's POV**

Kanina pa tapos yung klase namen at eto ngayon ng aayos ako ng bag ko pagtapos ng basketball practice namin sa Science Quadrangle. Im sure hinihintay na ako ni Coleen sa may San sebastian church. Dun naman kami madalas maghintayan eh.

Nagpaalam na ko sa teacher namin at lumabas ng gate. Pano ba to? Pano ko ba sasabihin kay Coleen?

Dyahe! Ang hirap naman nito! Pano ko kaya didiskartehan kung pano ko sasabihin kay Coleen? Putek!

Alam ko best friend ko si Coleen pero hindi ako sigurado kung ano magiging reaction niya. Matutuwa kaya siya o may mga pagbabagong mangyayare? Teka, bahala na!

Pagdating ko sa may parking lot ng San sebastian ay nag sign of the cross ako at huminga ng malalim. It's now or never! Bahala ka na God!

--------------------------------------

**Coleen's POV**

Nakita ko si Venven papasok ng parking lot ng bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, eh lagi naman kaming naghihintayan dito. Minsan pagtapos ng practice nila minsan naman pagtapos ng practice ng club namin. Pero bakit parang kakaiba ngayon. Ewan ko ba.... Siguro dahil inasar na naman ako maghapon ni Deyn kay Ven. Kainis nman tong si Deyn pinipilit nyang ireto kaming dalawa ni Ven eh hanggang kaibigan lang naman talaga kami.

Papalapit na si Venven ng ubod ng laki ng ngiti. Teka? Abnoy na ba tong best friend ko? Ano kayang nangyare dito.

"Coleen. Kanina ka pa?" Tanong ni Venven sabay abot ng bag ko.

"Hindi naman masyado." Ngiti ko sa kanya.

Naglalakad kami palabas pero parang hidi mapakali si Venven. Kamot siya ng kamot ng ulo. At kung patingin tingin kung saan saan. Paran addict lang... Teka, oh no!!! Baka addict na nga ang best friend ko.

"Ah Coleen"

Bigla akong natigilan. Parang biglang bumilis ang paghinga ko. Ano ba talagang nangyayare?

"Bakit?"

"Yung... Yung sinabi ko sayo kanina...."

"Oh ano ba yun?" Pinilit kong ngumiti sa kanya habang naglalakad. Para hindi niya mahalatang kinakabahan ako. Pero bakit nga ba ako kinakabahan in the first place?

"Oo nga eh, may gusto kasi akong sabihin sayo" sabay kamot ulit sa ulo nya. Ang cute nya talaga pag ganya si Venven. Parang bata. Teka? In a friend's point of view yan ah.... Erase! Erase!

"Ah.... Kasi.... Paano kung sabihin ko sayo na.... Na may nagugustuhan na ako...."

Lalong bumilis tibok ng puso ko. Parang gusto kong maduwal ng di ko alam kung bakit. Parang uminit yung pisngi ko. Ano ba nangyayare?

"Ah.... Sino?" Pa inosente kong tanong kay Venven.

"Si.... Si Jestine."

Sa pagsabi niya ng pangalang Jestine para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sumikip bigla yung dibdib ko. Parang gusto kong tumakbo palayo kay Venven. Hidi ko maipalawanag pero nakaramdam ako ng..... Sakit.

"Ah... Tala...ga? Si... Si Jestine.... Jestine na classmate ko?" Pautal utal kong tanong sa kanya.

"Oo siya!" Humarap sakin si Venven habang paliko na kami malapit sa bahay namin. Bakas sa mukha niyang tuwang-tuwa siya. May relief sa kanyang mga mata na akala mo ay nabunutan siya ng tinik. Yung ngiti niya ay ngiti ng kasiyahan at tagumpay. Ngiting hindi ko alam kung naibigay ko na sa kanya noon.

Nagulat ako sa inamin ni Venven. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng hindi ko alam kung bakit. Pero di ko ito pinahalata.

Hinawakan ni Venven ang dalawang kamay ko at itinaas ang mga ito.

"Maganda siya di ba? Bagay naman kami di ba? Boto ka naman sa kanya Coleen di ba? Lakad mo naman ako oh!" Sunod sunod na sabi ni Venven sakin.

Ngumiti ako sa kanya at sinabing.

"Pag isipan ko" Totoo na hindi ang tinuran kong ito.

"Talaga?! O sige Coleen ha!!! Yes! Salamat. Oh mauna na ako i-message ko muna siya sa FB!!" Tuwang tuwa si Venven ng iabot nya sakin yung bag ko at nagmadaling tumakbo papunta sa bahay nila. Naiwan ako dun mag isa.

"Pag isipan ko" nasabi ko sa sarili ko. Sa totoo lang pag iisipan ko hindi an ilakad siya kay Jestine kundi ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko na nakakapagpabigat ng dibdib ko. Mga bagay na dapat hindi ko naman isipin o maramdaman. Pero higit sa lahat.... Panghihinayang... Di ko alam pero parang iba ang gusto kong sabihin ni Venven sakin...

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon