**Venmore's POV**
Dumaan ako sa bahay nila Coleen bago pumasok sa school. Sabi ni ate Lisette nauna na daw siya pumasok. Hindi man lang ako hinintay, putek ano kayang meron? Galit kaya yun sakin? Pero bakit naman siya magagalit? Ewan ko ba parang naguguilty ako...
Pagkapasok ko ng High School building nakita ko siya sa room niya. Nakayuko sa desk niya. Mukhang tulog. Baka puyat. Eh bakit naman yun mapupuyat? Maaga lagi yun matulog pagtapos na pagtapos niya magtext sakin ng goodnight for sure tulog na yun. Oo nga pala, hindi man lang siya nagtext kagabe. Hindi ko maiwasang ma guilty o magtaka. Pero bakit? Bahala na nga!
**Coleen's POV**
Haist, hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Ewan ko ba kung bakit ko inisip yung sinabi ni ate. Masyado kong dinibdib. Ang laki tuloy ng eye bags ko.
Gusto ko nga ba talaga si Venven? Yaaaaay!!! Hindi pwede! Mag best friend lang kami! Erase! Erase! Erase!!!!
Last subject na at nandito kami sa first floor sa Science Lab. Antok na antok pa din ako at walang pumapasok sa utak ko. Patay ako nito mamaya kay Mam pag biglang nagtawag to.
"Ui ui ui" si Deyn pindot ng pindot sa bewang ko.
"Ano ba yun?" Asar kong tanong sa kanya.
"Kanina pa kita napapansin na parang antok na antok ka tapos kaninang umaga tulog ka pagpasok mo. Anong meron?"
"Wala! Im not feeling well" sagot ko kay Deyn.
"Not 'feeling' well kasi hindi maayos ang feelings mo?"
"Ha?"
"You're not feeling well kasi hindi mo kasabay si Venmore kumain kaninang lunch at ang kasaba niya si Jestine?" Pang aasar lalo ni Deyn.
"Ah ganun ba? Di ko sila napansin eh" pagsisinungaling ko kay Deyn.
"Weeh? Kaya pala bumalik ka agad sa room at dito mo ko niyayang kumain... Eh knowing you mas gusto mo kumain sa Canteen."
"Wala lang pagod lang ako at ayoko ng maingay. Pwedeng gusto kong tahimik ganun lang?"
"Tahimik o ayaw mo lang talagang makita si Venven na may kasama siyang iba?"
Ano ba tong si Deyn, sino ba talaga kakampi nito? Ako o si Venven?
"Hindi ah. Hay naku makinig ka na ka Mam! Baka mapagalitan pa tayo!" Pinilit kong tapusin yung conversation namin.
"Selos" pabulong na sinabi ni Deyn.
Grrrr. Babaeng to ang hilig akong asarin lay Venven. Eh ano naman kung kasama nyang kumain si Jestine kanina at hindi ako. Buti nga may nililigawan na yun para hindi na ako asarin sa kanya.
Pero hindi ako sanay na kumain ng lunch pag hindi siya kasabay, nakakainis. Mas masarap ba kumain pag si Jestine kasama niya? Pareho lang naman ang lasa ng pagkain sa canteen araw araw.
Nagring na ang bell at sabay kami lumabas ni Deyn sa room palabas ng High School Building. Natuwa ako ng makita ko si Venven sa may canteen mukhang hinihintay ako.
"Ven!" Sigaw ko.
"Coleen. Kanina pa kita hinihintay." Napangiti ako lalo sa sinabi niya. Samantalang itong is Deyn nakangiti din sakin parang may iniisip na malisya.
"Oh ayan na pala si BF eh." Bulong ni Deyn sakin.
"BF...besfriend!" Diin ko sa kanya habang palapit ako kay Ven.
"Oh kanina ka pa?" Tanong ko.
"Oo hinhintay talaga kita.... Ah, Coleen hindi ako sasabay umuwi sayo ngayon ha... Hahatid ko pa kasi si Jestine." Sabi ni Venven.
Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Hindi ko alam parang ang bigat ng dibdib ko. Bigla akong nakaramdam ng inis pero hindi ko pinahalata sa kanya at pinilit kong ngumiti.
"Si...sige...." Sagot ko kay Venven.
"Talaga!!! Thank you Coleen!" Sabay yakap ni Venven sakin.
Sana hindi na bumitaw si Venven. Sana ako na lang kasabay nya umuwi. Nang maramdaman ko na lang na bumitaw na siya. Parang may kulang.....
"Salamat Coleen!! Text kita later. Bye!" Sabay takbo ni Venven papasok ng High School building habang naiwan akong nakatayo dun sa may canteen.
"Hoy martir!" Tapik sakin ni Deyn. "Bakit ka pumayag na ihatid ni Venmore si Jestine?"
"Ah... Eh... Nanliligaw siya kay Jestine diba?"
"Bukal ba talaga sa puso mo? Eh mukhang binagsakan ka ng langit at lupa diyan eh..."
Kinuha ko yung lahat ng lakas ng loob ko at sinagot si Deyn. "Oo, kaibigan lang naman talaga kami eh. Sige una na ako."
Naglakad ako pauwi na may dala dalang mabigat pa sa bag ko. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang bigat ng nararamdaman ko. Dapat diba masaya ako para sa kaibigan ko? Pero bakit parang naiinggit ako kay Jestine. Parang may inagaw siyang napaka importante sakin. Nagseselos ba ako? Pero kaibigan lang kami ni Venven at hindi ko dapat nararamdaman ko. Dapat masaya ako. Dapat ako na lang hinatidni Venven. Dapat ako kasama niya ngayon. Dapat ako na lang.... Ng hindi ko namamalayang may tumulo ng luha sa mga mata ko.