CHAPTER ONE

653 32 15
                                    

CHAPTER ONE:

"Bianca! C'mon! We are totally going to be late," sabi ni Sabrina mula sa labas ng aking kwarto, "Gosh! Kanina pa kaya kami dito! Dalian mo!"

Sinarado ko na ang huling zipper na kailangan kong isara sa aking maleta at agad ko ng binuksan ang pinto, "Geez, you're so grumpy Sab, maaga kang tatanda niyan."

"Pwes, ikaw mamamatay kang dalaga," sabat niya sabay irap, "Joke lang syempre."

Sabrina is totally getting into my nerves this past few days. Sobrang mean niya sa akin and she's always pinagduduldulan to me that I don't have a boyfriend like duh? Aral muna bago lande. Oops! Hindi nga pala ako nag aaral giggles. Naglakad na kami pababa at papunta sa parking lot kung saan naghihintay si Kiana dala dala ang kanyang Toyota Prius C na sasakyan. Kiana waved at us ng matanaw niya kami and then pumasok na siya sa loob ng kotse. Kami naman ay pumasok na rin sa loob, nasa likod kaming dalawa ni Sabrina habang nasa tabi naman ng driver's seat si Elliot.

"Hi ladies!" bati sa amin ni Elliot na naka baggy shorts lang at t-shirt na may print na I Don't Give A Fuck, "Magsasalit-salitan kami nitong si Bae kapag napagod na siya sa pagdadrive, I hope hindi ako makakaabala sa inyo."

So, I have to sit here inside this car for almost four hours na ang nakikita ko lang sa harap ko ay ang sweet moments nila? This is torture! Buti na lang at nandito ang aso kong labrador. Papaandarin na sana ni Kiana ang kotse ng biglang may kumatok sa bintana sa gilid ni Sabrina.

"Gosh! Matt you almost gave me a heart attack!" wika ni Sabrina ng buksan niya ang pinto ng kotse, "Why are you here?"

Kiana coughed a little, "He's comming with us, nagpupumilit siya what can I do?" ngumiti si Kiana at kinuha ang Iphone niya

"What the Hell?! You're not going with us! Give us some space," sabi ko kay Matt sabay cross arms, "Kainis."

Sumakay na si Matt at umusog si Sabrina napilitan pa tuloy akong umusog ng kaunti, "Aww, why so mad? Ang aga aga Bianca tapos ganyan ka na," puna ni Matt sa akin

"Before anything else! Let's take a selfie!" sigaw ni Kiana sabay taas ng kanyang Iphone. Sabay sabay kaming nagpose at hindi ko akalain na 'yung dalawa kong kaibigan ay hinalikan ang kanilang mga boyfriend at ako naiwang nakapeace-sign. Fuck.

Naging masaya naman ang byahe namin kahit papaano. Nagsound trip kami ng mga love songs at sabay pa ang mga magkaloveteam kung kumanta habang ako heto kain ng kain ng Lays. Buhay single nga naman.

"Hey, bae are you still okay? Dalawang oras kana dyan sa pagdadrive, wanna switch places?" tanong ni Elliot kay Kiana sabay halik nito sa pisngi.

"Uhh, okay, medjo masakit na rin ang balikat ko 'e," sabi ni Kiana, "But, let's stop first dyan sa gasoline station. Low gas na tayo 'e."

Huminto muna kami sa isang gasoline station. Lumabas muna ako ng kotse ganoon din si Kiana, "Kiana, doon muna ako sa convinience store ha? Gusto ko ng chocolates 'e para kahit papaano langgamin din ako sa loob ng kotse."

"The hell? Okay, okay Bianca, bilisan mo lang ha," sabi ni Kiana, "Bilisan mo."

"Sure," sabi ko sabay kindat sa kanya. Dumiretso na ako sa store at pagkapasok ko ay agad akong binati ng matabang lalaki sa cashier.

"Mukhang 'kaw na lang ang single sa grupo ha?" sabat ng lalaki sa cashier sabay dura nito sa basurahan sa tabi niya, "Hmm! Hmm! Love is in the air."

Sabay turo niya sa kotse namin. At doon ko nakita si Sabrina at Matt sa loob na nanghahalikan habang si Elliot at Kiana magkaholding hands at nag aabang na matapos ang pagpapagas. Napabuntong hininga na lang ako at pinagtaasan ng kilay ang lalaki sa cashier, "Aral muna kasi bago landi," hirit ko sabay hair flip at nagtungo na ako sa sweets section.

Don't Touch Us We're Famous Book Two (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon