CHAPTER THREE

391 28 8
                                    

CHAPTER THREE

"Mmm... Yaya, gusto ko ng fried eggs, bacons, at hams para sa breakfast ko," I mumbled habang nakapikit pa

Medjo mainit ang paligid at medjo mabuhangin din ang pakiramdam ng kama ko. Bakit kaya? Ah, siguro 'di ko nabuksan ang aircon ko at siguro guni-guni ko lang na parang buhang-

No. WAIT! TEKA! Napabigwas ako at napatayo. May heart is throbbing so loud ganoon din ang ulo ko kaya naman medjo nahilo ako. I looked up. Ang taas ng sikat ng araw at may mga ibon pang lumilipad. Wala ako sa kwarto ko. Napatingin din ako sa baba, ang kalmado ng dagat at ang pino ng buhangin.

Oh no! I'm lost! I'm so freakin' lost! Magsisigaw na sana ako ng mapigilan ko ang bibig ko. I'm not sure kung nasaan ako. Malay mo ang nasa likuran ko pala ay ang beach house ni Kiana. Malay mo safe naman pala ako at hindi nawawala. Dahan-dahan akong tumalikod at iyon na nga... Sumigaw na ako ng pagkalakas-lakas.

"Help! Somebody help me! Help me!" sigaw ko, "I'm Bianca! Mayaman ako! Ihatid niyo ako sa bahay! Help! Fuck! Help meee!"

Nagtitili pa ako at nagsisigaw ng tulong ng may bumangga sa akin. Matigas ito at malaki. Fuck! Ayokong tumingin! Ano iyon?! Bato?! Batong buhay?! Fuuuck! Bigla ko itong nilingon at napaatras ako sa nakita ko.

Napaatras ako ng dahan-dahan. Humigop ng maraming hangin at biglang tumili ng pagkalakas-lakas! Dahil doon ay maraming ibon ang nagsiliparan paalis ng gubat. Tumili muli ako at napasigaw naman ang napakalaking tao sa harap ko!

Matangkad siya! Siguro nasa 6'4 ang height niya, napakalaki rin ng katawan niya! At pagsinabi kong napakalali ay ang ibig sabihin non ay bato-bato! Para siyang body-builder na dinaig pa ang mga body-builder! Mukha siyang kapre! Mahaba at kulot ang itim niyang buhok. Gula-gulanit din ang damit niyang gawa sa balat ng hayop. Nakaapak siya at may nakadidiring kuko rin siya.

"Alele uwawa... Biri no lihuwa," sabi niya sa akin ng nakangiti, "Alulululu!" sigaw niya bigla habang magkadikit ang palad niya at nakatingin sa langit.

Para siyang may pinasasalamatan. Hindi ko siya maintindihan! Ah basta! Gusto ko ng umuwi! Ayoko na rito! Tumalikod ako sa kanya at muling nagsisigaw ng tulong ng bigla niya akong kinalabit sa shoulder.

"OMG! STOP! You're like super kadiri! Don't freakin' touch me! Nagpa-spa kana ba? Nakapagpamanicure kana ba para idampi mo sa akin 'yang daliri mo?!" sabi ko sa kanya

Mukha naman siyang natakot at nagulat sa akin ngunit ilang sandali lang ay dahan-dahan niyang inilagay sa likod niya ang kanyang kamay para siyang may kukunin. Oh God! Baka may baril siya?! Para namang marunong siyang gumamit non, stupid Bianca!

Dahan-dahan niyang inilabas ang kamay niya at doon tumambad sa akin ang aking... Gosh! Ang aking mamahaling...

Channel na bag! Aagawin ko na sana sa kanya ito ngunit itinaas niya ito.

"Give it to me! Magnanakaw! Give it back! Isusumbong kita kay Mommy! Ipapapatay ka ng Daddy ko! My God! 'Wag mong sirain!"

Akala ko nawala ko na ang bag ko na ito. Akala ko napunta na siya sa ibang island! Thank God kasabay ko lang itong tinangay dito! But, nasa kamay naman ito ng java man na ito!

"I'll count one to three, pag hindi mo 'yan binigay sa akin... I swear to God i-papa-nuclear ko ang buong isla na ito!" pagbabanta ko sa kanya pero mukhang hindi naman siya natinag but it doesn't matter! "One!"

Mukha siyang nataranta. Mukhang nakuha naman niya ang idea.

"Two!" sigaw ko

Hindi na siya mapakali at mukhang balisang-balisa na rin siya.

Don't Touch Us We're Famous Book Two (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon