CHAPTER TWO

401 28 4
                                    

CHAPTER TWO:

Maaga akong nagising sa isang malakas na tili. Biglang bumukas ang aking mga mata at agad akong napabangon. Bumaba agad ako ng hagdan at doon ko nakita sila Sabrina at Kiana nasa kusina. Napaka-kapal ng usok dito, grabe! Tatawag na ba ako ng bumbero?

"Sabrina? Kiana?! Nasaan kayo?!" sigaw ko, habang paubo-ubo

"Wh-Where here! Bianca! Nasusunog 'yung niluluto namin! Help us!" boses iyon ni Sabrina

"Bianca? Where are you?!" sigaw naman ni Kiana

Naglakad-lakad lang ako sa loob at inistretch ko ang mga braso ko, geez! Wala akong makita!

"Girls, patayin niyo muna 'yung stove please!" sabi ko, rinig na rinig ko ang pagcrack ng kung ano mang niluluto nila.

Inextend ko lang ang braso ko at naglakad ng biglang...

"OUCH!"
"AW!'

Nagkabanggaan na pala kami ni Sabrina. May kumapit naman sa braso ko at naaliwanagan ko ang mukha ni Kiana. Mukha silang takot na takot!

"I said patayin niyo 'yung stove!" utos ko muli, "Baka masunog ang buong bahay!"

"Hindi ko alam! Hindi ko alam magturn off ng thing na 'yun, Sab ikaw na lang!" pasa ni Kiana kay Sab na nangangatog na ang tuhod

"What?! Ayoko nga! I don't know how to make patay patay the thing! Do it Bianca! Hurry up!" utos sa akin ni Sabrina. Mamula-mula na ang nga mata niyang naniningkit dahil sa usok na bumabalot sa buong kusina.

Napabuntung-hininga na lamang ako at lumapit sa stove at pinihit ito ng kaunti hanggang sa magclick ito. Nakapatay na.

Humarap ako sa kanilang dalawa ng nakapamewang, "Paano niyo nabuksan ito kung 'di niyo nga alam kung paano patayin?"

Nag-roll eyes si Kiana at nagcrossed arm, "I don't know, automatic ata kasi nung bumaba kami. Open na 'yan, at parang may sumisingaw sa ilalim."

Wait. What?! Sumisingaw?! Kung hindi ako nagkakamali sa ganoon nagsisimula ang pagsabog ng LPG gas ha? Napatingin ako sa ilalim at oo nga! Amoy na amoy ko ang mabahong amoy ng gas.

"Cellphone?! Sinong nagrerepair nito? Kiana! Call anyone na makakapag ayos nito!" utos ko

Nataranta naman sa pagkuha ng cellphone si Kiana galing sa bulsa ng kanyang kulay pink na apron. May pinindot lang siyang ilan at agad na siyang may nakausap sa kabilang linya.

"Really? Sa ganito nagsisimula? You're so matalino pala Bianca, sayang 'yang kaalaman mo sa mga LPG-LPG gas na 'yan, bakit 'di ka magtubero?" suwestyon ni Sabrina ng nakacrossed arms

Napakunot na lang ako ng kilay at napangiti. Tubero? Talaga Sab?

"Papunta na daw si Kuya Gem siya na daw mag aayos," sabi sa amin ni Kiana na mukhang naubusan na ng dugo sa mukha

Ilang saglit lang ng paghihintay ay biglang pumasok sa pinto ng kusina ang isang... Oh so yummy, Papa Gem...

"Dito Kuya Gem, sumisingaw daw po 'yung gas e," paglalahad ni Kiana na mukhang alalang-alala na

"You do it now na," utos pa ni Sabrina habang parang magnet siyang nakadikit sa katawan ni Kuya Gem

Matipuno ang katawan, tan ang balat, wavy at kulay brown ang kanyang maikling buhok, at ang ganda ng mata niya kulay chocolate! OMG! Nafa-fall na ata ako sa kanya. Tinitigan ko lang siya.

"Sige, titingnan ko ha," sabi ni Kuya Gem. Bigla na lamang siyang napatingin sa akin, siguro napansin niyang hindi ako nagsasalita at parang naistatwa na ako. Ngumiti siya sa akin at biglang naningkit ang kanyang mga mata!

Don't Touch Us We're Famous Book Two (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon