[Jinhye's POV]
"Kasi gusto kita. Ewan ko kung bakit pero gusto kita. Kaya ayaw kitang ipalapit sa iba kasi nagseselos ako. Koarni man pero gusto kita. Jinhye gusto kita" Sigaw niya
Di ako nakakibo sa mga sinabi niya pero talagang seryoso siya.
"Nagbibiro ka lang diba?" Tumawa ako ng konti at hinampas ko siya sa braso
"Di ako nagbibiro" Seryoso niyang sagot
Naupo kaming dalawa. Pareho kaming natahimik ng matagal na oras at binasag ni Junhong ang katahimikan
"Alam mo bang ginagawa ni Joowon yun sayo?" Tanong niya sakin
"O-oo" Nauutal kong sagot
"Bakit di mo sinabi sakin? Bakit di ka lumaban?" Iritang irita siya
"Kasi.."
"Kasi ano?"
"N-natatakot ako. Baka may gawin pa siyang masama sa akin" Sagot ko
"Psh. Yung lampang yon? Kung maaga mong sinabi edi sana matagal ko na yang nabugbog. Bukod dun ano pang ginagawa niya?"
"Habang nagdadrawing siya, hinahawakan niya hita ko."
"PALAGI!?" Sigaw niya
"O-oo"
"Hays" Sabi niya sabay sigulo ng buhok
"Dapat kasi sinasabi mo, andito lang naman ako ah. Hangga't humihinga pa ako poprotektahan kita tandaan mo yan" Sabi niya sakin. Ang weird. Parang may nalipad sa loob ng tiyan ko. Butterflies?
"Junhong-sshi! Tawag ka ni Ms. Song" Sigaw ni KyuraTumayo na kami sa kinauupuan namin at bigla akong hinila ni Junhong. Lagi akong hinihila nito nakakainis >////<
Nang makarating na kami sa room, nasa tabi ni Ms. Song si Joowon at andun yung principal namin.
"Junhong." Tawag ni Mr. Donghyun. Tumingin din siya sa akin. Nag bow naman ako
"Bakit?" Sabi ni Junhon. Ang cold neto -____-
"Anong bakit? Bakit ka nanununtok ng kaklase? Bakit--" Pinutol ito ni Junhong
"Pwede lolo magexplain muna ako?" Teka-- LOLO!? Ay oo nga pala..
"Yung gagong yan kasi eh. Dinodrowing ng hubad ang girlfriend ko. At hindi lang yun. Hinihipuan pa niya. Pinaglaban ko lang ang girlfriend ko dito at kung sino man ang mali. Siya yun" GIRLFRIEND!?