LITBT 3: Last Seen

154 9 2
                                    

Part 3

'SAKTO ulit ako sa oras kinabukasan. Dumating ulit si Mr. Sandwich, ngayon ay gusto ko na talagang malaman ang pangalan niya na ipinagkait pa sa akin ng sasakyan na 'yon kahapon.

"Kuya, ano po ba ang pangalan mo?" kaagad na tanong ko sa kanya pagkaupo ko pa lang sa dating puwesto ko.

Halatang excited akong malaman ang pangalan niya, ano? Tapos wala ng hiya-hiya pa. Tanong agad.

Bigla siyang nasamid, umiinum pala siya ng tubig. Marahil ay nagulat sa biglaang pagsulpot ko.

Siya kasi ang nauna sa bus terminal. Naabutan ko siyang nakaupo at abala sa phone niya.

"Hindi ba nasabi ko na sa 'yo, kahapon? Nakalimutan mo na agad?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin at nasundan ng mga mata ko ang maingat na pagpunas ng panyo niya sa gilid ng labi niya na nabasa ng tubig dahil sa pag-inum niya.

Bigla ay napalunok ako at kumalabog na naman nang husto ang dibdib ko. Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit, lalo na sa pisngi ko. Namumula.

"H-Hindi. Hindi ko kasi narinig kahapon, eh. Bigla kasing may bumusinang sasakyan," sagot ko at napatango siya.

"Silver Thome A. Tan, ang pangalan ko. Huwag mo na akong tawaging kuya, hindi ako sanay, eh," nahihiya niyang saad at napakamot siya sa batok niya. Lumabas na naman ang dimples niya. Napakalalim no'n. Napakaganda.

Napaka-gandang tanawin, nasabi ko na lamang.

"Alam kong mas matanda ako kaysa sa 'yo, pero tawagin mo na lang akong Thome," sabi pa niya at ako naman ang napatango.

Anak mayaman nga, ang ganda rin ng pangalan niya. Social, ganoon din naman ang akin. Nikki Sofia Lorden, pero hindi naman kami mayaman. May kaya lang sa buhay.

"Nahanap mo na ba si Sylvia Luis?" tanong ko.

Napailing siya at napabuntong-hininga, "Hindi pa, eh," nanghihinayang saad niya.

"Bakit mo ba hinahanap ang babaeng iyon?" tanong ko ulit sa kanya.

"Mahalaga kasi siya para sa dad ko," sagot niya at lumungkot ang mukha niya.

"Kabit ba ng dad mo si Sylvia Luis?" inosenteng tanong ko at hayon na naman siya. Tumatawa na naman siya.

Pinagtatawanan na naman niya ako. "Napaka-advance mo talagang mag-isip, Nikki. Wala talagang oras na hindi mo ako pinapasaya," aniya at nagsalubong ang kilay ko.

Pinapasaya? Oh, eh. Kaligayan mo na ako ngayon? Tsk.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" malamig na tanong ko sa kanya.

"H-Hindi ah!" defensive na tanggi niya at tinaas pa sa ere ang magkabilang kamay niya, "Is just that... Natutuwa lang kasi ako sa 'yo. 'Yon lang naman."

"Eh, bakit mo nga ba hinahanap si Ms. Luis?" pangungulit ko pa sa kanya.

Nais kong malaman ang rason niya kung bakit ba niya hinahanap si Arct. Luis. Importante raw sa dad niya si Ms. Luis. So, baka kabit ito ng daddy niya?

Kasi ganoon 'yon sa mga napapanood ko sa pelikula, eh. Sa mga nababasa kong pocketbooks. Hindi ba? 'Yong hinahanap ng mga anak ng lalaki ang kabit ng mga ama nila.

Ay mali ba ako? "First love kasi ni dad si Sylvia Luis at gusto niya itong makita," sincere na sagot naman niya.

First love ng daddy niya si Arct. Luis? Baka ganoon din ang architect? Kaya ba hindi siya nag-asawa? Ang daddy niya kaya ang dahilan?

"Paano kung hindi mo na siya makikita pa? Malay mo patay na siya," biglang sabi ko.

"I just met her, week ago. That's impossible, Nikki," aniya.

Love in the Bus Terminal (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon