Part 7
"OO naman! Nasaan ba si Michaela? Siya ang gusto kong maka-date sa araw ng pag-ibig," pagpaparinig ko sa kanya.
"Saan ka na pupunta, Nikki?" tanong ko kay Nikki nang bigla ay tumayo siya at naglakad palayo. Nabigla ako sa inasta niya.
"Uuwi na ako," walang emosyon na sagot niya at kumunot ang noo ko. Bakit biglang naging masungit ang isang ito?
"Hayon pala si Michaela! Mich! May date ka na ba sa February 14?" 'Sakto naman no'n nakita ko si Michaela, ang best friend niya.
"Wala pa! Bakit?" Si Mich.
"Tayo na lang ang mag-date sa February 14!"
"Oh...sige ba!"
"Loko ka talaga," sabi sa akin ni Mich at nagawa pa niya akong batukan habang pareho naming tinatanaw ang papalayong likuran ni Nikki.
Tila may kung ano'ng bagay na matulis ang bumaon sa dibdib ko. Parang ang sakit makita na naglalakad siya palayo sa akin at natatakot ako na baka isang araw ay wala na akong Nikki na madadatnan sa school.
"Ang torpe mo talaga! Kung inaya mo na lang sana ang best friend ko na maka-date siya sa February 14 ay 'di sana hindi na siya ngayon nasasaktan at nagseselos!" saad pa nito at nawindang ako sa sinabi niya.
"Ha? What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Siraulo ka talaga! Gusto ka--scratch that! Mahal ka na niya. Torpe na nga ang manhid mo pa! Nakaka-stress ka, 'tol," naiiling na wika pa niya sa akin saka niya ako tinalikuran.
"Bahala ka baka ito na ang huling araw mo na makita ang bebe mo," pahabol na saad pa niya at napatakbo pa ako sa direksyon ni Nikki.
***
"Oy, sino 'yon?"
"Taga-Ayala, nag-try out sa badminton games," narinig kong wika ng ka-team ko sa basketball.
"Ang ganda!"
"Hoy, mukhang bata pa kaya!"
"Ano ba iyon?" saad ko at tiningnan ko ang babaeng tinutukoy nila. Curious na curious ako dahil masyado nilang binibigyan ng atensyon ang babaeng tinutukoy nila.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang pagbilis nang tibok ng puso ko, nang tuluyan kong makilala ang babaeng pag-aagawan pa yata nila.
Si Nikki! Nandito pala siya!
"Sana makapasa siya. Sigurado rito siya mag-aaral."
Binatukan ko isa-isa ang kasamahan ko at sinamaan nang tingin.
"Si Nikki 'yan, 14 years old pa siya. Kaya tigil-tigilan niyo ang bata!" sabi ko sa kanila pero ang mga gago ay ngumisi lang sa akin.
"Binabakuran na!" sabay-sabay na sigaw nila.
"Hindi type no'n ang mga katulad niyong matatanda na!" usal ko pa.
"Sino ba siya? Bakit kilala mo siya, Thome?" tanong sa akin ni Acacia.
Isang kaibigan.Nanood lang ako sa games nina Nikki at namamangha ako sa tuwing nakakapuntos siya.
Pero nagulat na lamang ako ng marinig ko ang sigaw ng coach na ang Mericado ang nanalo.
Ang papalayong likuran na lamang ni Nikki ang nakita ko.
"Sayang naman," narinig kong komento pa nila. Nanghihinayang kay Nikki.
"Tiyak na ang taga-Ayala ang mananalo. Pero may problema 'ata ang player," bulong ng karamihan.
Nakita pa namin ang pagdadabog ng kalaban ni Nikki. Isa itong senior at captain pa sa badminton.
BINABASA MO ANG
Love in the Bus Terminal (COMPLETED)
Short StoryBlurb "I lost the chance to confess my true feelings for you, Nikki. But today, I won't let this chance to pass. I love you. I love you, so much Nikki Sofia Lorden," buong pusong sabi ko na sinabayan pa ng pagtulo ng mga luha ko. "I...I love you, t...