Chapter 45 - Never Too Late

4K 112 12
                                    

# 45

KEN'S POV

Nandito ako sa harapan ng bahay nina Elle at Ali. It's almost an hour simula ng dumating ako, alam kung gising pa ito dahil bukas pa ang ilaw sa kwarto nito.

Kagabi para akong nabunutan ng tinik ng masabi ko kay Crystal ang totoo. Yes, I chose Ali over our years of relationship. Alam kung labis itong nasaktan sa ginawa ko pero I don't want to ruin her life.

She never called nor texted me a proof of how angry she was to me.

Hindi ako pumasok sa office kanina dahil may hangover ako sa dami nang nainom ko kagabi.

I just called Mandy to cancel all my appointments and asked her if Ali is in the office.

Gusto kung mahawakan at mayakap ang dalaga but I don't know how to start a conversation.

Natatakot ako sa maaring maging reaksyon nito pag nakita ako. Nitong nakaraang araw ramdam ko ang ginagawang pag-iwas nito sa akin and its killing me.

Hindi ko inalis ang paningin ko sa direksyon ng kwarto nito at hindi ako nabigo dahil ilang sandali lang nakita kung tumayo ito at lumapit sa may bintana to close it.

I feel a certain panic na baka makatulog na ito ng hindi ko man lang nakakausap. I need to do something.

ALI'S POV

Mag-isa na naman ako dahil naglaho na namang parang bula si Elle. When I arrived from the office nakita ko sa side table ang sticky note nito along with a book "Guide to Santorini".

Alam ni Elle how fascinated I am to Greece and I kept on telling her that I wanted to take a vacation in Santorini. Napangiti nalang ako at kinuha ang note na nakadikit dito.

I went straight to my room hindi pa naman ako nagugutom. Diretso ang uwi ko because Jared went out of town for a business trip.

Hindi rin pumasok si Ken. Although I'm trying my best to avoid him palihim ko pa rin itong tinitingnan.

It's not that easy to forget him, ilang araw nalang matatapos na ang 6 months contract namin.

Sinimulan ko ng basahin ang librong iniwan ni Elle. Hindi ko man lang namalayang inabot na pala ako nang dalawang oras sa kababasa nito.

Nakaramdam ako nang pangangalam ng sikmura at parang trip kung kumain ng pizza na dati hindi naman ako mahilig sa pizza.

I went to the fridge kasi alam kung hindi nawawalan ng stock si Elle, its her favorite. Hindi naman ako nabigo dahil may dalawang box pang stock.

Halos maubos ko ang isang box which is very unusual pero paki ko basta gusto ko lang kumain.

Umakyat ako ulit sa kwarto to continue reading. It's almost 10 P.M in the clock sign that I should sleep.

Pumunta ako sa may french windows to close it dahil sanay akong nakasara ito which is kabaliktaran naman si Elle na laging bukas ang mga bintana.

Nakahiga na ako nang bigla nalang tumunog ang doorbell. Tinatamad na ako but wala akong magagawa kundi buksan ang kung sino man ang nasa labas.

Baka si Elle may nakalimutan nakapagtataka lang lagi naman itong may dalang yawe. Napabuntonghininga nalang ako.

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nakatayo sa labas ng pintuan.

"Anong kailangan mo?"

Hindi man lang ito nagsalita at biglang pumasok na parang balewala rito ang lahat.

" So, ito ba ang pinagpalit niya sa mansyon at haciendang meron ako?" nang-uuyam nitong sabi.

" What are you talking about? baka nakalimutan mo Crystal nasa bahay kita."

My Boss is a Hunk JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon