Chapter 13 - Back To The Real World

3.9K 106 3
                                    

13#

Hindi paman ako nakakapasok sa opisina ay sinalubong na ako ni Mandy.

" Ali, kanina pa si Sir Ken, pag dumating ka raw sabihin dumerecho ka sa office niya."

" Ah okay. Thanks Mandy." ngitian lang niya ang kaibigan.

Ng nasa tapat na ako ng pintuan kumatok ako at pumasok na kaagad di ko na hinitay ang sagot nito.

" Good Morning Sir." basag ko sa katahimikan. He looks so serious working, para ba wala man lang nangyari sa Sagada. Nakaramdam siya ng disappointment.

Tumingin siya sa akin na naka poker face. Malamig ang pakikitungo nito sa di ko malamang dahilan.

" Miss Sandoval, I need your report to the Ochea Account before 12:00, The Quirino Files before 4:00 and the accounting statements ngayong araw na ito and not tomorrow.

" Okay Sir." lumabas na ako para masimulan ko na agad ang utos nito.

It's already 5:00 P.M, kasisimula kulang sa accounting statements na hinihingi nito. Mukhang gagabihin ako nito, alam kung nasa loob pa ito dahil bukas pa ang ilaw sa office nito.

Naging abala na ako sa ginagawa ko hanggang sa matapos ako ng mga bandang 10:00 PM.

I went to Ken's office to put the file in his table. Umalis ito around 7:00 P.M at di man lang ako kinumusta.

Dahil wala akong sasakyan nag-abang nlang ako ng taxi. Medyo kinabahan ako dahil wala ng gaanong tao sa paligid. Ng may biglang humintong sasakyan sa harap ko.

" Hop in." It was Nathan.

Dahil gabi na masyado di na ako nagdalawang isip na sumakay.

" Ginabi ka yata Ali, wala kabang sasakyan?

" Wala eh. Saka may tinapos pa kasi akong reports."

" Di ba yon pwedeng ipagpabukas, its dangerous para sayo na umuwi ng ganitong oras."

Nawalan ako ng isasagot. Mabuti pa si Nathan may malasakit ang boss ko walang pakialam di man lang ako sinilip.

" Saan ba sa inyo?"

Sinabi ko kay Nathan ang lugar namin. Iniya ko itong mag coffee pero tumanggi ang huli dahil may lakad pa daw ito. Nagpasalamat nalang ako dito.

---

Aticus Bar

" Dude ang tagal mo ata?" sabi ni Marcus.

Nagkibit balikat lang ako. Kumpleto kami ngayon. Nandito rin sina Ken, Sandler at Zen. Sa dulo naka upo si Ken at as usual may katabi itong magandang babae. Sa amin lahat si Ken ang di nawawalan.

Nag-iinuman kami samantalang si Sandler ay mukhang pasan yata ang buong mundo.

" Dude, para ka namang nalugi niyan." tinapik ko pa si Sander.

" Ang tagal mo kasi. Kailan pa naging 11 pm ang usapan na 10 pm." nagkibit balikat ito.

Iba ang naging sagot ni Sandler kaya doon palang alam na naming ayaw niyang pag usapan ang problema. Nagtinginan nalang kami ni Marcus. Malamang babae ang dahilan.

" Hinatid ko pa kasi si Ali, nadaanan ko kasi siyang nag-aabang ng taxi" balewala kung sabi.

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Nathan.  Biglang napuno ng tensyon ang paligid. Kapansin-pansin rin ang tinginan nina Sandler at Zen. Bigla nalang nagsalita si Ken sabay tayo.

" Excuse me, I need to go."

Ngumiti nalang ako sa kilos nito. Nakakatawa..

------------------------------------------

My Boss is a Hunk JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon