Chapter 1

361 5 3
                                    

*Yhena POV*

Nakatingin lang ako kay Clark na kumakain sa hapagkainan. Gusto ko itong kausapin pero natatakot ako at baka magalit ito sa'kin. Pinakamahigpit na bilin pa naman nito ay huwag na huwag ko itong kakausapin kung hindi naman importante.

Napabuntong-hininga ako ng matapos na ito sa pagkain at walang paalam na iniwan akong mag-isa.

Napahalumbaba ako sa ibabaw ng dining table at tinitignan ang pagkain na hindi ko man lang nagalaw.

"Kailan kaya ako kakausapin ng mokong na yun?" Wala sa sariling tanong ko sa hangin. Bumuntong-hininga ulit ako at tumayo na sa pagkakaupo.

Pumunta ako sa kwarto para maligo, dahil pupunta ako sa company na pinagtatrabahuan ko ngayon. Hindi kasi ako pinapatrabaho ni Clark sa company nito dahil ayaw nya daw na mabuking kami, maski nga sa kwarto na tinutulogan namin ay magkahiwalay kami.

Nang matapos kong maayos ang sarili ko ay napatingin ako sa full body mirror ko. Tinignan ko ang sariling repleksyon at nakita kong maganda pa din naman ako, hahahaha! Ako na lang ang pupuri sa sarili ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ko si Clark. Naka formal attire ito at mukhang pupunta ito sa meeting. Nilagpasan ko lang ito tulad ng dati. Gustuhin ko mang tanungin ito, pero hindi pwede.

Pagkalabas ko ng mansyon sinalubong ako kaagad ng isa sa mga driver namin at tinulongan akong dalhin ang mga gamit ko. Napasimangot ako ng makitang nauna pang pumasok sakin si Clark.

May sariling kotse to ah? Bakit narito ito?

Magtatanong na sana ako ng bigla itong magsalita.

"Faster, I have important meeting today." Walamig na sabi nya sakin. Napairap na lang ako ng patago dito. Sumakay nako sa kotse at minabuti kong may malaking space sa pagitan naming dalawa. Nang umandar na ang kotse ay naghalukipkip ako. Ayaw ko itong lingunin kaya deritso lang ang tingin ko sa unahan.

"Bakit ka dito sumakay?" Pagmamataray na tanong ko dito, pero ang tingin ko ay nasa unahan pa din.

"Tsk! It's none of your business." Malamig na sagot nya. Again, inirapan ko lang ito.

Hanggang sa makarating ako sa company na pinagtatrabahuan ko ay hindi na muling nagsalita pa si Clark. Deri-deritso akong lumabas ng kotse at kinuha ang mga gamit ko. Hindi ko na nakuha pang magpaalam dito at nagmamadaling pumasok ng building kung saan ako nagtatrabaho.

"Good morning po ma'am Yhena." Nakangiting bati sa'kin ng guard.

"Good morning din po manong!" Masayang bati ko dito. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang office ko.

Pagkaupo ko pa lang sa swivel chair ko ay nakita kong tambak na naman ang mga papeles sa sarili kong table. Napabuntong-hininga ako. Bakit ba kailangan ko pang magtrabaho? Gayung mayaman naman kami.

Simple lang, gusto ko lang na may pagkalibangan, kaysa naman magmumugtok lang ako sa mansyon.

Agad na sinimulan kona ang trabaho ko ng biglang bumukas naman ang pinto ng office ko. Pumasok dito si Jasmine at may hawak itong folder.

"Ma'am, ito po yung aattenan nyo na meeting today." Bungad na sabi nya sa'kin. Iniabot nya ito sa'kin kaya kinuha ko ito at sinimulang buklatin. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sinong tao ang kikitain ko ngayon. Nag-angat ako ng tingin kay Jasmine at maging ito ay napakunot ang noo na nakatingin sa'kin.

"Bakit po ma'am? May problema po ba?" Tanong nito sa'kin. Agad na umiling naman ako dito at muling ibinaba ang tingin sa folder na hawak ko.



Nakatitig lang ako kay Clark habang namimili ito sa menu. Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba kasi ito ang ka-meeting ko? Bakit hindi iba na lang. Kainis!

"What's your order?" He asked me, napaka seryoso naman nito. Tinignan ko lang ito sa mata, pero agad din akong nag alis ng tingin dito at napangiwi. Sino ba namang hindi matatakot sa matatalim nitong mga mata na nakatitig sakin, tss!

"Kahit ano." Walang gana kong sagot dito. Mayamaya pa ay tinawag nya ang isang waiter at sinabi ang mga order nito. Tahimik lang ako habang nakatingin sa ibang direksyon. Ayaw kona itong tignan at baka masugat ako sa klase ng pagtitig nito sakin.

"You may start." Agad na napalingon ako sa kanya ng magsalita ito.

"A-ako?" Naguguluhang tanong ko dito at nakaturo ang hintuturo ko sa sarili.

"Tch! Syempre ikaw. Sino pa bang iba nating kasama dito?" Taas na kilay nitong tanong sa'kin. Hindi ko maiwasang mapairap dito. Bakla ata to.

"Nahhhh, malay ko ba kung sinong kinakausap mo." Balik na pagtataray ko dito. Tumingin ako dito at bigla na lang akong napaayos sa pag-upo ng biglang dumilim ang awra nito, senyales na galit na ito. Napalunok ako ng paulit-ulit na para bang nanunuyo ang lalamunan ko.

"Stop talking to me nonsense, Yhena." Seryosong aniya nito. Sa huling pagkakataon ay napalunok ako. I forgot again! Hindi nga pala ako pweding makipag lokohan dito.

Hindi nako muling nagsalita pa at yumuko na lang habang nakatingin sa mga daliri kong nilalaro ko. Ganto kasi ako kapag natatakot or kinakabahan, kailangan kong libangin ang sarili ko.

Hanggang sa dumating na ang in-order ni Clark. Tahimik kaming kumakain. And to be honest hindi ko feel itong kinakain ko. Natapos na akong kumain at ganun din ito. Pinalinis na muna namin ang table bago ako nagsimula.

Bakit ba kasi sa resto pa nito naisipang makipag meeting sa'kin? May saltik talaga tong tao nato.

"Kung tititigan mo lang ako, mas maigi na hindi na lang ako bibili----"

"No! Magsisimula na ko!" Hindi ko mapigilang masigawan ito. Ghadd! Hindi pweding hindi sya bibili samin noh! No way!

Tumingin lang ito sa'kin ng masama kaya napanguso na lang ako.

"Don't shouting at me again, Yhena. I will punish you later." Agad na nanigas naman ako sa kinauupuan ko ng sabihin nya iyun. Ghadd!!!

"I won't do it again, I'm sorry." Paghingi ko ng tawad dito. Nagsimula na akong i-discuss sa kanya ang mga products na meron kami. At syempre ang mokong ay tahimik lang na nakikinig sakin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpapaliwanag ko dito, para matapos ako kaagad.

"Hayyyy!!!!...." Napahikab ako sa sobrang pagod. Nandito na ako ngayon sa sarili kong office, and yes...tapos nako sa meeting ko kay Mr.Smith. Kinuha ko ang bag ko at binuklat ito para kunin ang cellphone, pero ganun na lang ang pagkunot ng noo ko ng wala akong cellphone na makapa at makita sa bag ko.

"Jasmine nakita mo ba ang cellphone ko?" Tanong ko dito. Agad na lumapit naman ito sa'kin.

"Hindi po ma'am." Sagot nya. Napakamot ako sa ulo ko. Nasaan ko kaya nailapag yun?


                         ~to be continue~

                      

MY SECRET HUSBAND (Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon