Chapter 3

84 3 0
                                    


*Yhena POV*

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko at dun ko lang napansin na umaga na pala. Napabalikwas ako ng mapansin kong wala ng Clark sa tabi ko.

Nasaan na iyun?

Hindi ko na lamang inintindi pa kung nasaan nga ba nagpunta ang mokong na yun at tuloyang tumayo na sa kama at saka nag ayos na para sa pagpasok ko sa trabaho.

Habang nagsasabon ako sa sarili kong katawan hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyayari kahapon. Inaamin kong naguguluhan ako sa mga nakikita ko at napapansin ko kay Clark. Ayaw kong umasa, dahil baka sa huli ako lang ang masaktan.

Agad na tinapos ko ang pagligo ko at mabilis na nag-ayos sa sarili. Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin ko sa sarili sa salamin. Nakasuot lang naman ako ng isang fitted black dress na hanggang tuhod ko lang ang haba. Ngayon lang ako nagsuot nito, and I don't know why. Naglagay ako ng kaunting makeup at manipis na lipstick. Nang makontento na ako ay tinali ko ang buhok ko ng paikot at naglaglag lang ako ng kaunting hibla ng buhok sa harapan ng noo ko.

Muli akong napasulyap sa whole body mirror ko, at masasabi ko lang naman na ang ganda ko. Literal.

Agad na akong lumabas ng kwarto ko at napansin kong napaka tahimik ng mansyon. Mukhang ang lahat ay may mga ginagawa sa baba, kaya agad akong bumaba at hinagilap ng paningin ko ang isang taong kanina pa nasa isip ko.

Nakita kong papalapit si manang Flora sa gawi ko at nakangiti na naman ito. Agad na nilapitan ko si manang Flora at tinanong ito.

"M-manang si C-clark po?" Medyo nahihiya kong tanong dito. Napansin kong mas lalo pang ngumiti si manang sa'kin.

"Ngayon ko lang atang narinig na hinahanap mo sa'kin ang asawa mo, hija ha." Makahulugan nitong sabi. Napayuko ako dito at napakagat labi na lamang. Yes, she was right. Nang maikasal kasi kami ni Clark ay alam ko na sa sarili ko na parang kasing lamig ng yelo ang aming pagsasama. Kaya lang naman nya ako pinakasalan dahil simula mga bata pa lamang kami ay ipinagkasundo na kaming dalawa ng mga magulang namin. And to be honest ni katiting na crush sa'kin mula kay Clark ay wala akong makita dito. At inaamin kong parang ako lang ang may nararamdaman para dito.

"Hija?" Nagtaas ako ng ulo at tumingin kay manang sa pagtawag nito sa'kin.

"A-ahh wala po manang. Hinahanap ko lang po sya kasi po may importante akong sasabihin." Mabilis na sagot ko kay manang. Tumango lamang ito at pinakatitigan ang suot ko. Napangiti ito lalo.

"May lakad kayo ng asawa mo?" Sa itinanong na iyun ni manang ay napanguso ako at umiling dito.

"Hindi po manang." Sabi ko dito. Narinig kong tumawa ng mahina si manang na tila natutuwa sa nakikita nya sa mukha ko.

"Ohh sya kumain kana muna, at ang asawa mo ay nauna na sa trabaho. May kikitain daw eh." Agad naman akong napakunot ng noo sa sinabi ni manang. Buti pa si manang palaging may alam kay Clark. Eh ako? Wala! Tsss. Sana all na lang nagpapaalam sa mga asawa.

Hindi na ako kumain ng umagahan pa at dumiretso na ako kaagad sa trabaho ko. Nang pagpasok ko ramdam ko ang pagtitig sakin ng mga ka co-workers ko. Pilit na nginitian kona lamang sila, kahit ang totoo ay naiilang ako.

"Blooming mo ata today ma'am ha!" Agad na sabi sakin ni Jasmine ng makapasok ako sa sariling office ko. Ngumiti lang ako dito.

"Para maiba naman hahahah!" Sabi ko dito at maging ito ay natawa din sa sinabi ko.

Umupo ako sa swivel chair ko at agad na binuksan ang laptop ko. Tinignan ko kung may mga appointment ba si sir Ethan today. And yes meron nga. Si Clark pa din. This time si sir Ethan naman ang haharap kay Clark. Napabuga naman ako ng hangin mula sa loob ng bibig ko. Siguro ito ang sinasabi ni manang na kikitain ngayon ni Clark.

MY SECRET HUSBAND (Assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon