*Yhena POV*
Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng lamig, niyakap ko ang sarili at pilit na inaninag ang lugar. Agad na tumayo ako sa isang kama ng mapagtanto kong nasa isang kwarto ako.
Nasaan ako?!
Natatarantang nilibot ko ang paningin ko at napatingin ako sa labas ng bintana at gabi na!
Tumakbo ako palapit sa bintana at sumilip dito. Napapikit ako ng mariin ng humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Sa pagdilat ng mga mata ko ang syang pag ilaw ng nasa ibaba. Napakunot ang noo ko dito. Bakit may ilaw dito? Hindi lang ito basta ilaw, dahil ang mga ilaw ay may mga ibat ibang desenyo. May napansin akong isang white table at dalawang upuan dun, tipid na napangiti ako. Alam kong kagagawan na naman ito ni Clark.Napag disisyunan ko ng lumabas ng kwarto at napansin kong isang bahay ito, Hindi naman kalakihan ang bahay na ito, pero sapat na ito sa isang masayang pamilya. Muli akong napangiti sa naisip. Kailan kaya kami magkakaroon ng ganun ni Clark?
Napailing na lang ako sa naisip at tuloyan ng lumabas ng bahay, sa paglabas ng bahay ay dun ko lang napansin na nasa tabing dagat pala kami. Muling nakayakap ako sa sarili at napatitig sa dagat. Rinig na rinig ko ang paghampas ng alon na parang ang sarap nito sa tainga.
Natigilan ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod at dun ko lang din napansin na may isang itim na jacket ang nakalagay sa balikat ko. Hindi kona kailangan pang lumingon, dahil alam ko namang si Clark lang ang taong gagawa nun para sakin.
"Nagustuhan mo ba dito?" Mahinahong tanong nya sa'kin. Hindi ko mapigilang ngumiti.
"Yes." Sagot ko. Naramdaman kong mas lalong humigpit pa ang yakap nito sa'kin, napapikit ako habang ninanamnam ang yakap ng asawa ko.
"Dito ako parating nagpupunta sa tuwing gusto kong mapag-isa, at sa tuwing hindi kona kayang pigilan pa ang mga nararamdaman ko." Nagmulat ako ng mga mata ng sabihin nya yun. Hindi ko napigilang harapin ito, kaya kaunting agwat na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga nito at ang mabangong amoy nito ay nanunuot sa ilong ko.
Tumingin ako sa mga mata nito at niyakap din ito. Nararamdaman kong may isang mabigat na problema ito.
"Why you choose to be alone, gayung nandito naman ako?" I asked him. Nagbaba ito ng tingin sa'kin at ngumiti ng bahagya.
"I don't want you to suffer, Yhena. I always to choose your safety." Seryosong sagot nya sakin. Kumunot ang noo ko dito.
"Why?" I asked him again. I just want to know about him. Gusto kong malaman kong totoo ba ang mga nakikita ko sa mga mata nya ngayon, I need the truth. Gusto kong marinig mula sa labi nya.
"Hindi pa sa ngayon Yhen."
"Yhen?" Natatawang pag-uulit ko sa itinawag nito sa'kin. Muling ngumiti na naman ito sa'kin at pinisil ang ilong ko.
"Aray!!" Daing ko dito. Tumawa lang ito, na para bang natutuwa sa ginagawa nya sa'kin.
"Let's have a date dinner tonight with you my beloved wife." Nakangiting sabi nito sakin at sabay kindat. Hindi ko mapigilang mapatawa dito. Kahit anong pagpapa-cute ang gawin nito ay paniguradong maiinlove pa din ako sa kanya.
Tumango na lang ako dito at nagpaubaya dito ng hawakan nya ako sa kamay at dinala sa isang table ng inihanda nya na puno ng mga ibat ibang putahe ng pagkain.