Same Gender...
&&. One shot
Written by: Soliel WP/midnight_beans
_______________
“Hoy, bes!” Napalingon ako kay Lia, ang bestfriend ko.“Oh?”
“Busy, ah? New fling nanaman?”
“Anong fling? G*ga ka ba? Saka wala pa nga akong balak lumandi, eh. Alam mo namang nasa healing phase pa ako,” sabi ko at ipinakita sa kaniya ang nilalaro ko sa cellphone.
Nag-pout siya at umiwas ng tingin. Anong nangyari sa babaeng ‘to? May nasabi ba akong masama?
“Nag-motor ka lang ba papunta rito?” tanong ko.
“Ginamit nila Papa yung motor kaya naglakad na lang ako papunta rito,” matamlay niyang sagot. Parang kanina lang, ang sigla-sigla mo pa, ah?
“Ang layo naman ng nilakad mo. Sana tinawagan mo na lang ako para nasundo kita. ‘Di bale, tara, labas tayo? Libre ko.”
Nagulat ako nang bigla niyang itapon ang bote ng mismo na coke at tumingin sa’kin. Nagulat ako dahil ngayon ko lang napagtanto na umiiyak siya. Agad akong lumapit para yakapin siya ngunit bigla niyang iniwas ang katawan niya.
“‘Yan ang problema sayo, eh! Asta ka nang asta ng ganyan kaya nahuhulog na ako sayo! At hindi mo man lang napansin yung nararamdaman ko sa ‘yo!” dire-deretso niyang sabi habang tinuturo pa ako. I was completely shocked on what she just said.
“Huh?”
“Ang manhid mo, Sab,” mahinang saad niya.
Huminga ako ng malalim para pigilin ang tawa ko. Sinasabihan niya akong manhid, eh manhid din naman siya.
“You think hindi ko nararamdaman na gusto mo ako? Simula’t sapol, alam ko na! Hindi ko iyon binigyan ng malisya kasi baka nag-a-assume lang ako! Saka parehas tayong babae, Kath,” pag-amin ko. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya kaya napangisi ako.
“Okay, since umamin ka na, aamin na rin ako,” dugtong ko. “Let’s end this friendship, Kath.”
“W-What?”
“Let’s be together instead.” My smirked went wider. “You finally admitted your feelings. You don’t know how long I’ve waited for you to confess. And I don’t care if they say something negative about us. The hell I care?” sabi ko at tinalikuran siya
“S-sab...”
Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian. “Come on. Let’s go on a date.” I offered my hand.
“D-Date? Sa gan’tong damit? Saka tignan mo yung ilong at mata ko, oh, pulang pula.”
“Yeah, and so what? You look pretty already.”
“Teka. ‘Di ba, sabi mo, wala ka pang balak lumandi?” tanong niya nang makaupo kami sa table namin
“Yeah, kung hindi ikaw ang lalandiin ko,” I answered with a wink.
“Corny mo na, ah!”
YOU ARE READING
ONE-SHOTS
RandomA collection of my one-shot stories (Complications) These stories are also uploaded on my writing account. (Soliel WP) Stories are based on my mood and ideas. ________________ Genre: Random, Romance, etc... Plagiarism is a crime!