May mga bagay tayo na nadadaanan natin sa unang bes pero hindi natin napapansin , hindi natin alam na magiging malaki pala ang parte nito sa buhay natin . Subukan mong pansinin ang mga taong makakasabay mo habang naglalakad ka malay mo isa na pala sa kanila ang taong nakatadhana para sayo .
Ako si Amiel Tan at nakilala ko ang babaeng mamahalin ko ng habang buhay , kung saan sya ay nakasalubong ko at napansin habang sumasabay ako sa daloy ng tao sa paligid . At sa di inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ako ng chansa na makilala siya ng lubusan . Pero sa di rin inaasahang pagkakataon ay nabasted ako at naging bestfriend ko siya . Well at least I'm happy just being by her side and I'm willing to stay by her side forever .Naglalakad ako papunta sa school namin , it was a sunny dahil afternoon pa naman ang class ko . Naglalakad ako habang nakatingin lang sa kawalan . Pero sa kawalan na yun ay nakakita ako ng liwanag . Corny man pakinggan pero sa tingin ko sya na yung babae na magbibigay liwanag sa madilim kong buhay . Sa tingin ko nahulog ako sa kanya agad . Naglalakad sya taliwas sa daang tinatahak ko . Nakauniform siya katulad ng uniform na pinapasukan ko , parang nagslow motion ang lahat ng bagay nung oras na yun pero naging mabilis din naman nung pagkalampas niya sa akin .
Hahanapin ko siya , sinisugurado ko yan ...
