2

19 0 0
                                    

Ilang araw na din ang lumipas nung una ko sya makita at hanggang ngayon di ko pa ulit siya nakikita . Mukhang mailap yata ang tadhana sa akin , pero gaya nga ng sinabi ko di ako susuko hahanapin ko siya .

Pero kapag sinuswerte ka nga naman . Akala ko hindi ko na ulit siya makikita pero ngayong araw na ito ay iba . Hinihintay ko yung mga kaklase ko sa tapat ng building namin ng mapansin ko yung isang pamilyar na bulto na nakaupo di kalayuan sa akin .

Di ko alam pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko . Sya nga . Nakakunot yung noo niya at parang may sinusulat , di pala nagdadrawing pala siya . At nakakunot yung noo niya kasi nasisilaw siya sa kagwapuhan ko . Hahaha just kidding mataas lang talaga ang sikat ng araw .

Hindi ko alam kung anong gagawain ko nun kaya naisipan kong titigan na muna siya . Hanggang sa napansin ko yung laniard niya .

Kapag sinuswerte naman talaga oh , same kami ng course !

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at naglakad ako sa gilid niya saka umupo malapit sa kanya . Tamang tama dala ko yung gitara ko .Tinugtog ko yun. Pero di man lang siya lumingon .

Tapos lumipas pa yung mga ilang minuto tapos may dumating na babae tapos umalis na sila .

Promise di kita susukuan .

Ilang araw pa yung lumipas nalaman ko yung pangalan niya year at section niya .

Hanggang sa inadd ko na rin siya sa fb , pero pending naman yata kasi di niya ako inaaccept .

Ilang linggo din bago ko ulit binuksan yung fb ko , umaasa na inaccept niya na ako . Pero iba yung bumungad sa akin .

" Sino po kayo ? " , yan yung message na nabasa ko at galing yun sa kanya .

Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano . At natauhan lang ako nung kinalampag ng kapatid ko yung pinto ng kwarto ko at sinabing ang gulo at ingay ko raw . Natutulog pa raw siya eh .

Natawa na lang ako , nagtatatalon na kasi ako dito sa tuwa.

Magtype kaagad ako at nireplyan sya .

"Hi " , yan lang naisip kong itype sa 10 minutong pag iisip ko ng saabihin ko sa kanya .

"Grabe , ang torpe mo talaga . .. "
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko yung kuya ko .

Eh , sa first time ko toh Kuya eh !

Ganito kasi yan . . .
Tapos kinalikot niya na yung fb ko.

" Hi , ako nga pala si Amiel Tan , sorry kung nabother kita sa pag add . Gusto sana kita makilala ng lubusan . At hindi na ako magpapaligoy ligoy pa . I want to court you . If given a chance promise di mo pagsisisihan toh . Last but not the least ,I just wanna say you're beautiful and I really like you ."

Pagkahaba-habang type ni Kuya , pero ayos din akalain mo maiisip niya pa toh ?

Nagonline sya bigla . Ako naman nataranta . Hindi alam kung anong gagawain .

Ilang minuto pa lumabas yung seen dun sa chat box . Inaantay ko yung sagot niya pero sa tagal ay nagbrowse muna ako sa profile niya .

Haist ano ba naman toh ? Nakaprivate pa rin yung account niya .

Hindi ko maview yung pictures niya . . . .

Tapos may nagnotif bigla .

Shet kaya pala ang tagal niya kinonfirm niya na request ko .

Awtssuu kinikilig ako . . .

Tapos bumalik na naman yung kaba ko nung bigla siya nagmessage .

"Hahaha seriously po , ang lakas po ng trip niyo ".

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon