Ito ang first time na makatabi ko sya matulog oo alam ko na mahal ko ang bestfriend ko at the same time ay tinanggihan niya na ako noon . Na sya namang dahilan kung bakit ko sya naging bestfriend .
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya bukas ang feelings ko .
Kinabukasan ...
Habang nagsuswimming ang iba ay naiwanan kami sa cottage . Masama daw kasi ang pakiramdam ni Erica .
Well masakit daw ang puson niya kaya eto tambay kami sa kwarto at nanonood ng tv . Magkatabi kami sa sofa .
Siya ay tutok na tutok sa tv habang ako naman ay nagsecellphone .
Totoo niyan nagsesearch ako about sa dismenorrea at kung anong pwedeng gawin para maibsan yung sakit niya .
Wait lang Best may kukuhanin lang ako sa kitchen.
Sige Best sabi naman niya .
Kumuha ako ng hot compress at binigay sa kanya . Sabi ko ilagay niya sa puson niya .
Lumapit ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya ng marahan.
Hinila niya naman ako palapit sa kanya at niyapos .
"Salamat best ... Mwuuuuuahhh"Kinisan niya ako sa pisngi .
ShetPagkatapos nun inayos ko yung buhok niya kasi nagulo sa pagkakahiga niya .
Ginaya ko lang yung ginagawa niya lagi kapg inaayos niya yung buhok niya .
Tapos umupo na ulit ako ng maayos sa pwesto ko .
Ilang minuto rin ang lumipas nanonood lang kami ng TV .
Hanggang sa dumating na lahat ng relatives niya pati parents ko . Sabi naman niya okay na daw sya , sayang naman daw kung di siya magsuswimming .
Kaya ayun nagpalit siya ng damit at inaya ako na magswimming .
Siguro binibigyan na ako ng chance ng tadhana na sabihin sa kanya .
Sasabihin ko na ulit .
Gusto ko sya .
Hindi . MAHAL KO NA SIYA
E-erica , may sasabihin ako sayo
Lumingon naman siya at nakangiti
Ano yun ?
Oh akala ko ba magsuswimming kayo ?
Sumulpot naman bigla yung parents naming dalawa .Nataranta ako bigla kaya sabi ko
"Hahaha opo nga po papunta na kami dun ." sabay hila ng kamay ni Erica .Haisst naman ! Tsk . Napurnada pa .
Buong maghapon tahimik lang ako .
Di ako nagsasalita, sumasagot lang ako kapag tinatanong ako . Maigsi . Tipid.Ilang linggo na rin ang lumipas pero di ko pa rin siya kinakausap ng maayos . Di rin ako pumupunta sa bahay nila . Nagkukulong lang ako sa kwarto .
Frustrated pa rin kung paano ko sasabihin sa kanya .Baka di ko magawa yung goal ko .
Goal ko kasi talaga na sabihin sa kanya na mahal ko sya bago pa dumating yung araw na una ko syang nakita .
Pero mukhang di ko pa talaga masasabi kasi malapit na rin .
Ilang araw na lang enrollment na namin balak ko sana na sumabay sa knya para narin masabi ko bago pa dumating yung araw na yun . Pero para akong baliw kasi di ko sya kinokontact ngayon .
