Erica's Sister POV
Ilang oras na rin ako na naghihintay dito , nabalitaan ko kasi na nagising na si Amiel , at ngayon sya papasok ulit . Nakatingin ako sa orasan ko ng marinig ko ang isang malakas na salpok ng kotse .
Dumami kaagad ang tao doon kaya hindi ko napansin may nasagasaan daw sabi sa bulong bulungan .
Naalala ko na naman , si Erica , yung kotse , ospital at yung kabaong .
Kinabahan ako bigla , alam ko na doon tumatawid si Amiel . Hindi ko alam kung bakit pero sobrang nanlalamig ang kamay ko.
Papalapit ako ng papalapit sa kumpol ng mga tao . Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan .
Amiel ? Bakit ?
Bakit ka umalis kaagad ? Di ko pa nasasabi sayo eh . Di ko pa nabibigay at napapabasa sayo .
Yung sulat ni Erica . . . Yung feelings niya .
Amiel's POV
Nagising ako sa ospital . Nananaginip ba ako . Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar . May bandage ang braso ko pati na rin ang paa ko . Kumikirot din ang ilang parte ng katawan ko . Maraming pasa at sugat . Ano nga bang nangyari ? Naaalala ko tumawid ako . . . si erica gusto kong makasama . Pero bakit nandito pa rin ako bakit wala si Erica ? Bakit di ko siya kasama? Bakit nasa ospital ako ? Sinong nagdala sa akin dito ?
Madaming tanong ang umiikot sa isipan ko. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Arica , kapatid ni Erica kasama niya si Kuya Daniel kapatid ko naman . Naalala ko naging sila nga pala.
Lumapit sila sa akin at iniabot ang isang maliit na envelope . Binuksan ko naman ito at sa unang linya pa lang ay naluha na ako .
" Dear Amiel ,
May sasabihin ako sayo . Pero secret lang toh ah . Lalo na kay ate at sa kuya mo wag mo sasabihin . Amiel , sana hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman mo sa akin . Kasi totoo nito , una pa lang nakita kita noong tumawid ka sa kabila ng kalsada , akala ko pa nga noon nakita mo akong nakatingin sayo kaya nagpanggap ako na di kita nakita . Saka nung tumabi ka saan sa may shed nung naggigitara ka , oo nakikinig ako sayo nun ayoko lang tumingin kasi ayokong magmukhang assuming . Sorry rin kasi binasted kita nung tinanong mo kung pwede kang manligaw . Sorry di pa kasi talaga ako ready noon . Gusto pa kitang makasama ng matagal bilang kaibigan at hindi pa bilang boyfriend di pa rin kasi ako ready noon . Pero Amiel alam mo ba na sa lahat ng ginagawa mo parang natutunaw yung puso ko . Aaminin ko kinikilig ako noon , lalo na nung naiwan tayo sa cottage . Nung inabot mo yung hot compress , nung hinalikan kita sa cheeks , nung tinalian mo ako ng buhok . Pero lahat ng yun biglang nawala at napalitan ng lungkot kasi ba naman di mo na ako masyado kinausap nung huli tayong magkasama tapos ilang linggo di ka tumatawag kahit text di ka rin dumadalaw . Ano nang nangyari , bakit ka lumalayo ? Bakit mo ako iniwan ? Namimiss na kita . Reply ka man lang sa mga text ko . Sana tanungin mo ulit ako . Promise ngayon o-oo na ako .Kasi Mr. Amiel Tan mahal na kita una pa lang , di mo pa ako nakikilala ng personal . Pagtawid mo pa lang . Haisst bakit kasi binestfriend zoned pa kita eh , ang hirap tuloy sabihin sayo . Mamaya niyan maubusan ako ng oras . It's either mawala na ako sa mundo o kaya makahanap kana ng iba . Ayan , natatakot tuloy ako baka mamaya di mo na ako gusto. Basta ah kung hindi man maging tayo sana di mo ako makalimutan saka wag mong papabayaan ang sarili mo . Ayaw ko na nasasaktan ka o di kaya nalulungkot lalo wag ka iiyak ah , iiyak din ako sige ka . Dapat lagi tayong happy . I love you Amiel ko .
Minamahal ka ng lubos ,
Erica LeeNagburst na ako sobrang bigat ng nararamdaman ko , alam ko sinabi niya na wag akong iiyak at malungkot pero sorry kasi ito na lang ang magagawa ko sa oras na ito .
Pero wag ka mag alala ako na ang bahala sa parents mo , sa ate mo pati na din sa mga magiging pamangkin natin . Sisiguraduhin kong ligtas sila . At di kita kakalimutan Erica kasi mahal kita higit pa sa inaakala mo .
. . . so ayun nga mga kids namuhay yung prinsepe nang magisa sa kaharian habang iniintay niya pa rin yung prinsesa na makasama niya . And sa pagdating ng tamang panahon ay susunuin siya ng prinsesa at magkakasama na sila habang buhay :)
Saan po sila pupunta ?
Nagpunta sila sa heaven . . . :)
"Amiel , ano na namang tinuturo mo dyan sa mga anak ko ha ? "
"Kuya naman kinukwento ko lang yung lovestory ko sa kanila eh "
"Ah ganun ba sige lang tuloy mo , di ka ba talaga magtatagal ? "
"Di na kuya may pupuntahan pa ako eh , lika dito Erica "sabi ko naman.
May ibibigay ako sayo . sabi ko naman sabay abot ng isang hugis pusong unan tsaka isang plastic ng chocolate.Happy Birthday Erica!
Di ka man lang ba kikiss sakin ? Binili ko pa man din yan sayo . Sad na ako , sabi ko naman habang nakasimangot .
Lumapit siya sa akin saka hinalikan naman ako sa pisngi .
Thank you Tito . sabi naman niya sabay ngiti sa akin .
Eh ako Tito ? Magkapanalan pa nanan tayo tapot ato walan gift ? Sabi naman ng bulol na bata .
Hayt nato , itaw pa ba ? Eh tukayo kita ? Syempre may regalo ato sayo . sabi ko naman na natatawa pa dahil mukhang nabadtrip si Amiel sa panggaya ko sa kanya.
Inabot ko naman sa kanya yung hugis kotseng unan at ang isa pang plastic na puno ng chocolate .
Talamat Tito Pogi !
Hay! Ano ba yang tinuturo mo sa bata ? Tinuturuan mo magsinungaling . sabi naman ni Kuya na tatawa tawa pa .
Hay kuya hanggang ngayon di mo pa rin tanggap na mas pogi ako sayo .
Sige Ate Arica at Kuya Daniel alis na rin ako may gagawain pa ako eh . sabi ko at nagpunta na sa pinto .
Si ge ingat ka ! Sabi naman ng mag asawa .
Bye bye Tito Pogi! Sabi naman ng kambal .
Sumakay ako sa kotse at nagdrive na papunta sa pinakaespesyal na lugar sa akin .
Pumunta ako sa puntod niya . . .
Ng babaeng pinakamamahal ko .
Puntod ni Erica . . .
Namimiss na kita Erica . . .
Nasa maayos na silang kalagayan ngayon .
Si Kuya Daniel , si Ate Arica , si Tita at si Tito pati si Mama at Papa .Gusto na kita makasama ulit eh , siguro ayos na yun . . .
Nararamdaman ko malapit na . . .Anong araw ngayon ?
June 26, 2020
Birthday din ng kambal nina kuya , si Amiel at si Erica . Naisipan nilang ipangalan yun para sa alaala ni Erica at yung amiel naman para naman daw sa akin ."Anong oras na din pala Erica , uuwi na din ako di pa ko naglulunch eh , gutom na ako eh hahaha alam mo na nagmamadali kasi ako na makita ka . "
Sumakay na ako ng kotse at ilang minuto din ay malapit na ako sa parking lot.Pumihit ako pero . . . .
Boooooggsssshhh ! ! ! ! ! !
Makakasama na din kita Erica . . .