" Uy bhesz ano?! Tutunganga ka nalang ever jan?! Wala ng galaw galaw? Malalate na tayo oh baklang to! " sigaw ng bestfriend kong maganda (weh). Nasa canteen kasi kami at naglulunch.
"Huh? Oo cge! My iniisip lang ako, para kasing may nakalimutan ako na ewan e, Hindi ko lang maisip kung ano yun! Ang ingay mo nu?! Nakakahiya ka lang ! "
" Hay naku bhesz! Panong hindi ako magiingay e ang lalim ata ng iniisip mo, kanina pa ko ngkukwento dito hindi ka pala nakikinig! Ano ba kasi yang iniisip mu ?! "
Sigaw ulit ng bestfriend ko habang naglalakad kami sa corridor papunta sa next subject namin.
"Sori na bhesz! Alam mo naman minsan may pagkaABSENT MINDED ako e! Ewan ko ba! Matanda na ata ako e, Halika na nga bilisan natin baka dumating na si MRS. FERNANDO terror pa naman yun!"
Ayun nagmadali nga kami maglakad,
By the way highway, Ako nga pala si AUDREY MONIQUE CASTAÑEDA , at kasalukuyang nasa highschool, 17 yrs. of age . Simpleng tao lang naman ako e , hindi ako yung tipo ng babae na palaayos yung minu-minuto ngreretouch okay na ko kung ano itsura ko paglabas ko ng bahay namin. Tahimik lang akong tao , pag hindi kita kilala di kita kakausapin, kasi sabi nga nila diba DON'T TALK TO STRANGERS ., Sabi pa nga nila suplada daw ako e pero once na makilala mo na ko masasabi mong "First Impression don't last".
CLASSROOM
"Okay class! Tomorrow is your final exam kaya magreview kayo! Aasahan ko na lahat kayo makakapasa since nasa star section kayo. That's all for today class dismiss! "
Announce ni maam bago xa iluwa palabas ng pinto! Ang bilis ng oras at panahon last year na namin to sa highschool at next level na ng buhay namin.
"Hoy bruha! Review tayo mamaya sa bahay, wala ako kasama e , wala si papa may business trip sa hongkong. Tara! Dun ka na din matulog ipapaalam kita kay tita! "
Pagyaya ko sa bestfriend ko, simula nung mga bata pa lang kami nian sanggang dikit na kami , lagi kami magkasama at magkakampi niyan,
siya nga pala si ABEGAIL JADE PLACIDO , maganda, sexy, mabait xempre, matapang lahat ng kabaligtaran ko siya yun kaya nga siguro magkasundo kami eh , siya ang nagiisa kung BFF till the end of time.
"Bruha nalang ngayon? Ganon! BFF mo ko monmon, your one and only BFF! Haller ganda kong to bruha talaga tatawag mo sakin? Try mo tumingin sa salamin para makita mo ang tunay na bruha ! Hahaha "
Ganyan niya ako kamahal, kunsabagay nalalabas ko lang yung totoong ako pag siya ang kasama ko.
"Baliw! Wag mo kong tatawaging monmon dito, Hindi na tayo bagets para sa mga ganyang nickname nu. Nakakahiya pa pag may nakarinig sayo ABE !! "
"Ewww BFF dont call me ABE ! just GAIL ! G-A-I-L mas ok p yun ?! "
Hahaha! Pikon siya lagi pag ganyan tawag ko sa kanya eh ! Naglalakad na kami papuntang canteen ulit.
"Tara na! Kain nalang tayo ice cream sa canteen baka nandun na kasi si Baby Bry e!" sabi niya habang hinihila niya na ko.
"Yuck! Baby Bry ! Basketball Varsity ung boyfriend mu tatawagin mong baby?! Sige pupunta tayo dun basta mamaya magrereview tayo sa bahay ah at doon ka na matutulog !"
"Oo na monmon! But for now puntahan muna natin si baby bry" sinamaan ko lang siya ng tingin dahil tinawag na naman niya akong monmon. Umoo nalang din ako at nagpahila sa kanya.
Sa totoo lang ayoko talaga dun sa boyfriend niya na si MR. BRYAN ALVARO ang BASKETBALL MVP/ TEAM CAPTAIN / HEARTHROB ng school namin mukha kasi siyang babaero at manloloko , pero sabi naman ni abegail hindi naman daw kasi STICK TO ONE daw yun at siya lang daw ang BABY ni bryan niya. Ewww talaga !! Wala ng matinong lalake ngayon nu !
![](https://img.wattpad.com/cover/37152295-288-k878607.jpg)
BINABASA MO ANG
" My Forever with You "
Teen Fiction"Gagawin ko ang lahat bumalik ang lahat sa dati. Kahit araw-araw ko ipaalala sayo ang lahat-lahat satin gagawin ko ! maalala mo lang ako, kung ano tayo noon at kung ano meron tayo" Ano ang pwede mong gawin para sa taong mahal mo para manatili siya...