CHAPTER 3 - Yousef Daniel Villegas

8 2 0
                                    

YOUSEF POV

"OUCH!"

Sigaw nung nabangga ko. Tumatakbo kasi ako at hindi ako nakatingin sa daan kasi tinitignan ko yung phone ko.

Nagmamadali na kasi ako kasi may practice pa kami ng banda ko.

"Oi miss! Ano? Nasaktan ka ba? Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo e!" sabi ko sa kanya habang inabot ko yung kamay ko sa kanya, parehas naman kaming hindi nakatingin. Trip ko lang manisi ..

Natahimik siya saglit tapos ..

"Tignan mo nga itsura ko! At itanong mo sakin kung ok lang ako. Obvious naman na hindi ka din nakatingin kaya mo nga ako nabangga diba?! Stupid!" galit na galit siya at nakasigaw pa hbang pinapagpagan yung uniform niya..

"Look miss! Hindi ko sinasadya as you can see nagmamadali kasi ako. Cge" at tumakbo na ko palayo sa kanya, narinig ko p siyang sumigaw kaso nagmamadali talaga ako eh.

Bakit ganon?! Parang may kakaiba akong naramdaman ..

"Kringggggg! Kringggggg!" cp ko yan my tumatawag !

"HELLO?!" pasigaw kong sagot.

"Yo! Asan ka ng ungas ka! Ikaw nalang wala dito . Bilisan mo !" si Lucky pala bandmate ko .

"Eto na papunta na jan. Malapit na ko !" tumatakbo pa ko niyan ah.

See you again miss, when i see you ..

SA STUDIO

Pagdating ko dun nakaready na silang lahat ako nalang talaga yung wala . Okay lang e VIP ako lagi e.

"Hay salamat! Nandito na din xa" si Dominic isa sa bandmate ko mamaya ko na sila ipapakilala.

"Pasensya na natagalan ako may nabangga pa kasi akong tatanga-tanga e kaya mas natagalan ako" paliwanag ko sa kanila baka kung ano na naman isipin nila e.

"Ok! Babae ba?" si Andrew bandmate ko din

"Naku! Tigilan niyo ko ng kakausisa. Umpisahan na natin ang practice" iwas ko sa tanong niya.

E babaero yan e malamang pag sinabi kong babae yun lalo akong hindi titigilan kakatanong nian.

Nagstart na kami ng practice kasi magkakaron ng Battle of the Bands sa school namin na to . Para na din sa mga graduating student katulad namin.

Anyways POV ko to kaya magpapakilala na pala ako ..

Im Yousef Daniel Villegas , 18 at 4th year na ko dito ako nagaaral sa Sebastian High School. I love playing guitar, and singing malamang ako vocalist e, simpleng gwapo lang ako madalas suplado ako sa mga babae kasi parang sinasamba nila kami naiinis ako sa ganun .. panu b namang hindi e hearthrob kami dito sa school e saka sikat pa banda namin dito at isa pa isang babae lang talaga yung kinakausap ko si Angelique lang.

Siya lang MY ANGEL ..

" My Forever with You "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon