I'll Be Waiting

30 2 0
                                    

Nagbago ka na saakin.

Wala na yung sweet na ikaw.

Yung maaalalahanin na ikaw.

Yung ikaw na kayang tiisin ang kakulitan ko.

Yung pakikitungo mo saakin na hanap ko palagi.

Nawala ka saakin, ng hindi ko nalalaman.

Bakit nga ba nagbago?

Nasa akin nanaman ba ang mali?

Mahirap kasi sa mga tao basta nalang mang iiwan, basta nalang mag iiba.

Akala ko dati parehas na tayo ng daan na patutunguhan, parehas na tayo ng prinsipyo sa buhay, akala ko sabay na tayong nagbago pero mali ako. Lahat ng iyon ako na lang pala ang tumatahak ako nalang ang nagpapatuloy nito.

Masakit? Oo.

Kase akala ko ikaw ang kauna unahang lalakeng mananatili sa tabi ko, akala ko ikaw ang unang lalakeng mamahalin ako.

At sa pangalawang pagkakataon mali nanaman ako.

Kase baligtad pala ang sitwasyon, ako ang babaeng mananatili sa tabi mo, ako ang babaeng magmamahal sayo.

At ako nanaman ang masasaktan sa laban na ito.

Masaya ka na ba? Nafall na ako sayo ayan na oh.

Siguro nga kaya ka naging sweet saakin, kaya ka naging mabait saakin para mahulog ako sayo at pagkatapos non iiwan mo na ako, just like others did.

Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yon? Kung maggagawa ng iba, kayang kaya mo rin.

Pero kahit na halatang ayaw mo na saakin, kahit na hindi mo na ako pinapansin. Naglakas loob pa rin akong tanungin ka kung anong problema. Stupid much diba?

Tinanong kita kung bakit ka nagkakaganyan kung bakit bigla ka nalang bumitaw.

'Ayoko munang maging attach masyado, gusto ko wala muna akong pakialam sa iba, basta hindi mo maiintindihan. Babalik din naman ako sa dati siguro'

Paksht lang diba? Nakakagago ang sagot mo, ginagawa mo akong tanga.

Dahil sa gusto mo, mang iiwan ka nalang? Wala na bang mas gagago sa sagot mo?

The fck, your reason is unreasonable.

Ni experts hindi magegets, ikaw tong naging sweet ikaw tong naging mabait. Ikaw ang gumawa ng paraan para maging attach ako sayo, tapos ano ikaw ang magsasabi ng ayaw mo ng attachment? Nang aasar ka ba? Hindi nakakatuwa ha.

At anong sabi mo hindi ko maiintindihan? Aba malamang hindi mo ipinapaintindi, ang daya mo naman eh. Ako lagi akong open sayo, lahat sinasabi ko tapos ngayong magtatanong ako sayo sa kauna unahang pagkakataon, hindi mo pa ako sasagutin. Gagaguhin mo pa ako.

Maawa ka naman sana.

Alam mo lahat ng pinagdaanan ko, lahat lahat dadagdag ka pa ba?

Yan ba ang goal mo sa buhay? Ang magpaasa.

Sana kasi una palang umiwas ka na, una palang hindi mo na ako kinaibigan para medyo bawas yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Atlis kung dati mo pa ginawa yan isa lang ang mawawala saakin, kaibigan lang pero ngayon kasi dalawa na ang nawala saakin, kaibigan at minamahal.

Hay buhay.

Pero alam mo ang pinakamadaya? Kahit na dapat galit lang ako sayo, na dapat bumitaw na rin ako, hanggang ngayon nakakapit pa rin ako.

Ang sabi mo kasi babalik ka pa rin siguro sa dati.

Totoo nga na kahit sa dinami dami ng bagay na sinabi mo na dapat bumitaw na ako, may masabi ka lang na kahit isang salita lang na magpapakapit saakin kakapit ako.

Wala eh, tanga si puso eh ikaw pa minahal.

Kakapit. Aasa. Masasaktan. Tapos ulit nanaman, kotang kota na ako diyan ha.

Pangalawang beses na to, sana sa pangatlo matauhan na ako, sana matutunan ko ring mahalin ang sarili ko.
Pagka may nababanggit ang kaibigan ko tungkol sa mga kakilala niyang nagpapakatanga sa pag ibig, naiinis ako. Palagi ko pa ngang sinasabing 'ano ba yan? Hindi sila matuto ayan tuloy palaging nasasaktan tapos ano iiyak? Ang tanga lang ha' ang cliche' lang eh no?

Ako tong bigay ng bigay ng comment ni hindi ko masabi yan sa sarili. Totoo nga sigurong, kapag nasa gitna ka na ng digmaan hindi mo na maggawang tumakas dahil masasaktan at masasaktan ka pa rin, mas mabuti na sigurong lumaban.

Lumaban hanggang kaya, lumaban hanggang may kakapitan pa, lumaban hanggang may pag asa pa. Pero sumuko kapag wala na, kung sa totoong digmaan kumbaga sumuko kapag patay ka na.

Pero ngayon sa lagay ko, may kakapitan pa siguro ako sabi mo nga baka bumalik pa ang dati maghihintay ako sa araw na yon. Sana nga magkatotoo yon.

Sana sa susunod na digmaan hindi lang akong mag isa ang lumalaban, sana sa susunod kasama na kitang lumalaban sa isa't isa. Hihintayin ko ring dumating ang oras na yon.

Sana nga bumalik ka na, huwag mo akong paghintaying masyado ha? Baka mapagod ako.

★★★
Wihi wala natripan lang hoho, POV ng babaeng matatag yan lol.

Kwento ng kaibigan ko, gusto ko lang ishare ;)

Kayo anong advice niyo sakanya? Haha

Enjoy :)

~UnexpectedLove26

One Shot stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon