How can I let you go?

25 2 0
                                    

Itong nararamdaman ko para sa isang tao.

Itong pagngiti ko ng dahil sa isang tao.

Itong pagluha ko ng dahil din sa isang tao.

First time.

First freakin' time.

At sa first time na to, sawi pa ang saya no?

Hanggang sa pagpikit, siya lang ang makikita mo.

Bawat patak ng luha kinakalimutan mo nalang dahil alam mong worth it naman dahil mahal mo siya.

Yung feeling na may fireworks na nagaganap sa kaloob looban mo kapag nakikita mo siya.

Yung tipong hindi na normal ang pagtibok ng puso mo kapag magkausap kayo.

Yung hindi mo maiiwasang tumitig sakanya kahit sa malayo man lang.

Pero isang araw masasabi mo nalang sa sarili mong tama na.

Move on na.

Ang kaso, paano?

Eh halos planuhin ko na ang future kasama ka.

Eh handang handa na akong ibaon ang masasakit na nakaraan ko para lamang makasama ka ng matiwasay.

Eh gustong gusto ko ng maging tayo ngayon.

Hanggang daydream nalang.

Hanggang pagpapantasya nalang.

Lahat nalang kasi ng nararamdaman ng puso ko, iniimagine na lamang ng utak ko.

Kung alam ko lang na mawawala ka saakin, sana pala bawat araw noon na nakakasama at nakakausap pa kita sinulit ko.

Ang akala ko kasi magiging tayo.

Ang akala ko kasi ikaw na.

Ang akala ko kasi ikaw yung magiging partner ko.

Ang akala ko kasi ikaw na ang makikita kong nakatayo habang papalapit ako sa altar.

Ang akala ko kasi may forever saatin.

Pero akala ko lang yon.

Parang almost forever lang.

Kasi ang naging relasyon natin ay "muntikan" "almost" ganon lang iyon.

Magulo, di tiyak ganyan na ganyan.

Gusto kong maghintay, gusto kong umasa ulit, kaso nakakapagod na.

Paulit ulit nalang, wala namang makakatulong saakin upang maiwasan ang sakit kundi ang sarili ko lamang.

Wala eh natalo nanaman ako sa larong pag ibig.

Mali nanaman ang naipana ni cupid para saakin.

Maling tao nanaman ang tinibok ng puso ko.

Kaya no choice, masasaktan talaga ako.

Sana kapag nagmahal ka walang kaakibat na sakit no?

Hindi ba pwedeng basta ka lang magmahal? At maging masaya?

Ganon na ba kaselfish ang love? Pero bakit ang rami pa ring tao na naniniwala sa forever?


Hindi ba ang Diyos lang ang forever? Kapag namatay ka ba dadalhin mo yang pesteng feelings na yan sa kabaong? Hindi naman diba?


It's taking me over, I don't wanna play this game no more

Kung ang iba hanggang ngayon, naniniwala pa ring mahahanap din nila ang sinasabi nilang "the one" nila ako hindi na.


Ayoko na.

Suko na ako.

Ayoko ng magmahal ulit.

Masasaktan ka lang sigurado.


Hindi ko man alam kung paano simulan ang pagpapakawala sayo basta ang alam ko, pagod na ako.


Takte, mismong puso ko ang sumuko eh.

Para akong nilunod, sa sakit ng nadarama ko sa tuwing naaalala ko ang mga memorya kasama ka.

Pero lahat ng yon ibabaon ko na

Lahat ng yon isasama ko na.

Lahat ng yon makakalimutan na sa mundo.

Huminga ako ng malalim.

Eto na ang katapusan ng paghihirap ko.

At unti unti tumalon na ako mula sa mataas na gusali.


Hanggang sa huli kong hininga mukha mo pa rin ang nakikita ko.


Mahal kita pero paalam na.

★★★

#walangforever

Alam ko maikli pero ayoko ng pahabain pa kaya ayan :)

Magustuhan niyo sana :)

~UnexpectedLove26

One Shot stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon