𝐆𝐢𝐚𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕:
Salamat naman at kahit papaano'y napapanatag na ang loob ko sa mga sumusunod na araw.
Medyo naipapahinga ko na ang utak ko dahil wala nang masyadong iniisip tungkol sa grades at mga projects.
Hindi na din masyadong nag-o-overthink tungkol sa mga projects dahil bakasyon na. Lagi pa naman akong nag-o-overthink sa grades ko, I guess ako ang living thinkerbell.Tapos na ang klase, sa madaling salita ay bakasyon na. Ilang linggo lang naman ang ibinigay sa aming bakasyon, but still maipapahinga ko na ‘yung utak kong walang ginawa kundi isipin ang mga equations sa math na ‘yan.
But, my heart hurts a little bit kapag naaalala ko ang mga kaibigan ko. Ilang linggo din kaming hindi magkikita. Nakaplano na kasi ang mga bakasyon nila.
I miss them.
I miss Ken, one of my close friends sa school. I admire him a lot.
Napaka-masayahing tao kasi niya, idagdag pa ‘yung pagiging palabiro niya. Ansarap niyang kasama!
Kaagad kong binuksan ang macbook ko, sana may update sila sa facebook tungkol sa mga buhay nila para kahit papaano'y may alam naman ako sa nangyayari sa kanila.
Suddenly, a resounding tone stopped me from scrolling on my feed. Alam kong isa sa mga kaibigan ko ang nag-chat sa akin dahil sila lang naman ang nakakausap ko the whole time.
Buong ngiti kong kinuha ang cellphone ko mula sa hindi kalayuan.
“Gian,” Text ni Christine.
Ano na naman kaya ang sasabihin nito? Mambubwisit na naman kaya?
“Oh?” Mabilisan kong reply, hinuhulaan ko pa sa isipan kung ano na naman ang tsismis niya.
“I have a bad news for you.” Reply niya na may kasama pang broken heart na emoji.
Hindi ako nag-reply bagkus ay hinayaan ko lang muna siyang mag-type. Sanay na ako sa mga drama niya sa buhay. Lagi nga siyang nagra-rant sa akin tungkol sa mga reklamo niya tungkol sa dami ng schoolworks niya na never naman niyang ginawa.
“Ken, our close friend.” Nagkunot ako ng noo. Nagsimula kong maramdaman ang paglakas ng kabog nang dibdib ko.
What happened?
Ang akala ko ba'y magbabakasyon ‘yon sa ibang bansa?
She's typing, hinintay ko muna ang susunod pa niyang sasabihin sa akin. Nanatili pa ring nakakunot ang noo ko. Nag-aalala na naman ako.
Is this a prank?
“The plane crashed. Gian, patay na siya.” Nagsimulang manggilid ang mga luha ko nang mabasa iyon.
Mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Mariin akong napapikit sa kaba.
Paano nangyari ‘yon?
Magkausap lang kami nu'ng isang araw ah? Ang sabi pa nga niya sa akin ay uuwi na siya.
Hindi nagsayang nang segundo, kaagad akong nag-chat sa kaniya.
“Ken, anong nangyari sa ‘yo?” Chat ko.
Makailang minuto pa ako maghintay nang reply niya ngunit kahit seen ay hindi ako nakatanggap.Ang weird!
Baka naman nagpa-prank na naman siya?
Kaagad kong tinungo ang profile niya.
As I stalk him, maraming mga post na naka-tag sa kaniya.Karamihan ay mga kaibigan pa namin. Halos lahat ay tungkol sa eroplanong sinasakyan niya.
Nagsimulang bumuhos ang luha ko.
Nagsisimula na akong mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa kaniya. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.Sa mga oras na ito, parang nagsisimula na akong maniwala sa chat ni Christine sa akin na wala na siya.
“He's not dead, Gian. He's not.” Paulit-ulit kong i ibinubulong sa isipan ang mga kataga. Umaasang malalabanan nito ang mga negatibong pumapasok sa isipan ko.
Ano bang nangyari?
Is this prank? But, if this is. Paano nangyaring magpo-post pati ang mga kamag-anak niya tungkol sa eroplanong sinasakyan niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/302501314-288-k469027.jpg)
BINABASA MO ANG
Nothing Like Us
Romansai ask my friend if i could publish his story credit to the rightful owner AIKEN MCCRAE SORIANO